A / N : Sorry sa mga super typos dun sa last pong chapter; Yung mga tipong iisa lang ang nagsalita pero naging dalawa sila at lalo tuloy gumulo. Tapos yung headphones ata naging earphones. Sorry po!
Antok lang talaga and wala pang tulog. Hayy, buhay hs. Yes, high school pa lang si Ako. It’s just that reading books and novels as well as writing are my passion. Besides, ang busy talaga tapos dagdag pa natin ang mga may menopause ata na mga teacher at ang paghahanda namin para sa college. Malay mo, mali ang makuha naming course, yung civil engineering naging sanitation engineering. In short, janitor or janitress ;)
Anyway, enjoy.
HADC, grabe ka. Pasimuno ka ng download and offline reading! HAHAHA. Love you still bebz. ‘Am not the thanking-all-the-time type of person so thanks dude. Thanks for the support. And Chii, hintayin mo… magpapagupit na ako! HAHAHA.
Okay, first time dumaldal ng author. Minsan lang, pagbigyan! Btw, my hair is already 29 inches lng. Mukha na nga daw ako mangkukulam eh. Takot sila sakin sa dilim. Hehehez. Share. :)
Again, enjoy! <3
+++++++++++++++++++++++++
CHAPTER TWELVE
“Alex..” he said in a really low and fragile voice.
Oh no. What’s wrong??
“B-Bakit?” Ano sasabihin ko?
“Hahahahaha..”
Hala naman, biglang tumawa?? Baliw na ata talaga to, nakakabaliw daw kasi ang beauty ko.
Yah. Dark beauty. HAHAHAHA.
Di naman kaya ako maitim!
“Huy, bat ka naman—“
“Nakakatawa isipin noh? Na naging malapit kaming magkaibigan ni Elaine. Sobrang close. Sa sobrang close, nalaman ko lahat ng mga sekreto niya; yung nangyaring away ng parents niya na nauwi sa divorce. Lahat. Di masyadong tumgal, nagtapat siya sakin na may gusto daw siya sakin. Pero ako, dahil wala pa naman talaga akong nagugustuhang babae dahil lahat ata ng gusto, napuunta sakin, yun…ala naman akong nararamdaman para sakanya. Pero imbis na sabihin ko yun sakanya, niloko ko siya. Nilaro.”
Napansin ko na super tulala na siya nito. Diretso lang ang tingin. Baduy man tignan sa lalaki ang umiiyak, o nakakabawas ng pagkakalalaki, di pa rin kasalanan ang umiiyak kahit paminsan-minsan lang. Dahil ang pag-iyak, iyan minsan ang nakakabawas sa mga sama ng loon natin.
At iyon. Napansin ko na may gumugilid na luha sa mga mata niya. Yung hindi sapat para tumulo pero sapat pa rin para mapansin mo nandyan sa mga mata niya.
“Akala ko noon, na wala lang lahat ng mga sinasabi sakin ni Elaine. Na wala lang yung mga yun. Kahit nga bahay niya, alam ko eh. Pero di ko alam na may iba palang manliligaw si Elaine nun…”
“Si.. Si--?”
“Oo. Si Michael.”
Si Michael? Okay… Tumango-tango na lang ako kahit na alam ko na hindi naman talaga niya na ako nakikita.
“So, anong nangyari?”
“Hindi sinagot ni Elaine si Michael. Instead, naging manliligaw lang siya ni Elaine. Siyang taong nagmamahal talaga para sa kanya, siya pang hindi niya hinayaang humawak sa puso niya. Instead, sakin niya binigay. Napakasama ko. Dahil tinanggap ko yun kahit di ko naman siya talaga mahal. At ang mas malala pa dun,, ay pinaglaruan ko pa.”
I’m just listening. Sometimes, people need to be heard.
“Isang araw, nagkayayaan kami ng mga dati kong tropa. Mga kakilala kong lalaki… na uminom.”

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...