Chapter Thirty-Four

4 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

“Pano gagawin natin?” –Susan

“Kayo ba marunong gumawa nun?” –Ako

“Hindi eh. Pano ba?” –China

“Madali lang gumawa ng poster. Yung mismong quotation lang ang medyo mahirap kasi kailangan pag-isipan ng mabuti. Para may ano… may boom.” –Ako

“May boom?” natatawang tanong ni James.

Kung bakit kasi sa dami ng pwede naming kagrupo, eh siya pa ang nakasama namin. Siya nga lang ang kaisa-isang lalaki sa grupo namin eh.

“Oo, may boom. Bakit? Pakialam mo?” –Ako

“Ang suplada mo naman, Lex.” –Susan

Ah? Ako lang ang suplada? Eh mas suplado pa nga sakin yang ipinagtatanggol nyo eh! Di niyo lang alam! Ang malala pa, kahit suplado, crush pa ng buong school! Oo, school! Bwisit. Mamamatay na sa kilig yung mga kaklase ko, di pa sila mamulat sa katotohanan—kahit sungitan pa sila ni Jajo.

Ay teka, dapat ata sanayin ko na ang sarili ko na tawagin siyang James imbes na Jajo. Para wala ng kalokohan na nangyayari.

“Wala naman siyang naitutulong eh.” Sagot ko. “Lumayas ka nga dito kung wala kang gagawing kapani-pakinabang.” Patungkol ko kay James.

Tumayo naman siya at bumalik sa upuan niya.

Ibinalak ko ang tuon ko sa mga kagrupo ko na kakaiba ang tingin sakin.

“Bakit?” natanong ko.

“Bakit ba ganun ka na lang makapagsalita kay James? Di ba parang ang lupit mo naman sa kanya.” –Michelle

“Ano bang ginawa sayo nung tao at palagi mong sinusungitan?” –China

“Oo nga. Nung first day pa kayo ah?” –Susan

“Baka LQ nga?” –Michelle

“Ay, ang bilis niyo maka-assume ah?” natatawa kong sabi. “Hindi. Never.” I said confidently.

“Eh bakit nga ganyan ka sa kanya? Nakakagulat nga na ganyan ka eh. Nakakapanibago.” –China

“Eh sakanya lang naman. Kung alam niyo lang kasi kung gaano kasuplado yan. Mas malala pa sakin.” –Ako

“Oo nga. Bakit sayo lang siya mabait tsaka sumusunod? Kami sinusungitan niya eh.” Nagpout si Susan. Halata naman na crush na ni Susan si James.

Spoiled brat kasi yan. Subukan lang niya na sungitan ako at ibabalik ko yun sa kanya.

“Tama na nga yang usapan na yan. Itong group activity na lang yung pansinin niyo. Hindi yung bagay na di naman dapat pinapansin.” Sabi ko. Oh, eh ano kung marinig niya? Paki ko. Patigasan kami.

Nagdiscuss kami ng mga assignations namin. Ang natitira na lang ay yung mismong gagawa ng sketch ng poster, yung magtatake home nitong trabaho. Ala namang may gusto kaya walang makapagvolounteer.

“Ah, alam ko na. Si Jaj—I mean, si James, wala pang gagawin di ba? Sa kanya na lang.” I suggested

“Di ba parang unfair naman yun?” –Michelle

“Oo nga naman. Tapos pinaalis mo pa.” –Susan

“Lahat naman tayo may gagawin ah? Siya na lang wala. Tsaka ako na bahala dun. Papayag yun.” –Ako

“Talaga? Pano mo naman mapapapayag yun?” –China

“Sakin pa kayo nagduda ah. “ sabi ko ng nakangiti. “Basta.”

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon