CHAPTER THIRTY-ONE
Inayos ko na ang suot suot ko dress. Oo, dress. Minsan lang mangyari ang mga ganitong okasyon kaya dapat sulitin na… kahit pa di talaga ako mahilig sa mga dress. Grrr. Simple lang naman siya, color blue na hanggang siko ang mga manggas at umaabot lampas sa tuhod ko. Hindi naman siya body-hugging kaya pumasa sa mga kuya ko.
Itinali ko ang aking buhok sa isang mataas na pusod at sumulyap ulit sa reflection ko sa salamin. Nagpulbos lamang ako ng mukha at naglagay ng kaunting lipgloss. Hehehe.
Tumungo ako sa closet ko para kunin ang doll shoes ko na yellow. Napadaan ako sa may dresser ko kaya naalala ko na agpisik ng pabango. Bago kasi ang pabango ko na ito. Pero gusto ko siya dahil masarap sa scent niya—amoy candy at matamis.
“Anak, nandito na ang sundo mo.” Pasigaw na sabi ni Mama.
“Hoy, Lex, si Luke naghahanap ng bagong syota sa labas! Bilisan mo na dyan at baka maagawan ka!” sabat ni kuya kaya natawa ako at napangiti. Siraulo si Kuya Xander.
“Ah, sige po. Sandali lang.” sagot ko.
Kahit naman anong mangyari, alam ko na hindi ako sasaktan ni Luke. Hindi niya ako ipagpapalit noh. Oo, ganyan ako kakampante. Nangako siya sakin na di niya ako sasaktan. Nangako din ako sa kanya na hinding hindi ko pakikinggan ang ibang tao at ang mga sasabihin nila. Nangako din kami sa isa’t isa na walang sinungaling. Kung ano man ang katotohanan, sasabihin namin ng walang alinlangan. Pwera na lang siguro kung tungkol yan sa hygiene. Akin na lang yan. XD
Palabas na ko ng kwarto ko ng damputin ko ang shoulderbag ko. Old habits die hard. Isang sulyap sa salamin bago ako tuluyang umalis.
+++
Ito na siguro ang isa sa mga pinakamasasayang araw sa buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang mahal mo.
“Happy first monthsary.” Sabi ni Luke habang mayroong ipinakita na isang maliit at pahaba na kahon sa akin.
Umayos ako ng upo at pansamantalang dumiretso para maharap ko siya dahil nakasandal ako sa may balikat niya habang nanonood ng dahan-dahan na paglubog ng araw. Ang romantic niya, right? OMG! Kinikilig na ako! Hihihi. XD
“Ano to?” tanong ko habang kinukuha ko ang kahon.
“Uh… isang kahon…? na galing sa napakagwapo mong boyfriend.” Sabi niya.
“Bakit yung dulo lang yung sigurado?” siniko ko siya. “Anyabang mo naman. Naging boyfriend lang kita diyan, yumabang ka na.”
“Syempre, kung nandyan ka para ipagyabang ko eh.”
“Lumilihis na naman ng landas yung usapan natin eh. Pano mo ko ipagyayabang, eh sakin ka nga nagyayabang!” sabi ko na nanunudyo.
“Hahaha. Ewan ko ba. Basta ang alam ko lang mahal kita.”
Nakakaflatter naman. Pakiramdam ko uminit na yung buong kaluluwa ko dito. Masarap pala sa pakiramdam ng mahalin ka pabalik ng mahal mo? Ramdam mo sa bawat sulok ng puso mo ang kaligayahan na hinding hindi mo mapipigilan.

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...