Chapter Thirty-Three

1 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

“Mama, I’m home!”  sigaw ko mula sa may gate namin.

Nakakabad trip naman. First day na first day of school, masama na agad yung  pakiramdam ko. Parang nawalan tuloy ako ng gana pumasok bukas. Pwede kaya magpa-accelerate na lang? Baka pwede magkasabay pa kami ni Luke. Hayyst.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Nasan kaya sila kuya? Baka pwede akong maglabas ng sama ng loob kay Kuya Xander…

“Mama? Nakita niyo po ba si Kuya Xander? Mama—“

Mayroon akong napansin na nakaupo sa may sofa namin  pagkasara ko ng pinto. May bisita pala kami?

“Ay anak! Hindi kita narinig, pasensya ka na.”

Hindi ako narinig? Eh yung kapitbahay nga rinig na rinig yung sigaw ko eh. Dito pa kaya sa loob lang ng bahay namin? Sa bagay, malaki rin ang bahay namin.

“May bisita pala tayo Mama?”

“Ah, oo anak. Nakakagulat nga yung pag-uwi nila dito eh.”

Pag-uwi?

“Halika magmano ka sa kanila.”

Mukhang blooming si Mama ah? Ang saya saya niya tignan. Nakakatuwa naman. Siguro may kinalaman diyan yung bisita namin. Masaya naman ako at abot langit ang ngiti ni Mama.

“Steph, Joseph, yung bunso ko nandito na oh.”

Steph? Joseph? Sila—

“Alex!”

--sila tito’t tita?

“Oh my goodness, anlaki mo na!” halos patili na sambit ni Tita Steph ng yakapin niya ako ng biglaan.

“Kamusta ka na? Grabi, Alex, anlaki mo na ah? Dalaga ka na! Marami ka bang manliligaw?”

“Nako, napakarami!” si Mama ang sumagot kaya napasulyap sa kanya si Tita.

“Nako, ikaw hah! Mukhang mahihirapan pala ang Jay-jay ko. Ang ganda ganda naman kasi nitong pamangkin ko!” yumakap ulit siya ng napakahigpit, hindi na ako makahinga. Mas malupit pa ata to yumakap kay Aira eh. >.< Tapos kung anu-ano pa yung sinasabi. Hayst.

“Stephanie naman, hindi na makahinga yung bata.” Sabi ni Tito Joseph. Pinagpala ka Tito! Thank you!

Pasimple akong humigop ng hangin pagkabitaw na pagkabitaw ni Tita sa yakap sakin.

“Ah… mabuti naman po at nakabalik na po kayo, Tita.” Sabi ko.

“Oo nga eh. Grabe! Namiss kita! Pero syempre, mas lalo kang namiss ng Jay-Jay ko.”

Ako? Namiss ni James? Eh kung miss niya pala ako, bakit hindi siya tumatawag o nangangamusta? Baka nabawasan pa sana yung inis ko sakanya. Ayoko naman iparamdam na nagagalit ako sa anak nila kaya nagpaalam na lang ako kila Tito’t Tita na aakyat muna ako para magbihis.

“Mabuti pa nga. Sige, magbihis ka na.” sabi ni Tita.

Tumalikod na ako at agad na umakyat sa kwarto ko. Kalagitnaan ako  sa pag-akyat, ay narinig ko ang usapan nila.

“—pa naman.”

“Ah, ganun ba. Nga pala, si James?”

“Ay wag ka mag-alala, pupunta yun dito. Pinapapunta ko. Tignan lang natin kapag hindi siya sumunod.” Sabay tawa. Could it be na evil ang tita ko? Hindi naman siguo…

Nagpatuloy na ako sa destinasyon ko—ang aking mahiwagang kwarto.

Napansin ko na nakabukas yung kwarto ni Kuya Xander kaya dinaanan ko na. Kumatok ako bago ko binuksan.

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon