CHAPTER FIFTEEN
Anong ginagawa niyan dito?
Nakaupo lang siya dun sa harap ng gate namin. Init na init at superpawisan. Ang gwapo niya, oo. Sa sobrang kagwapuhan niya, mukha pa rin siyang mabango kahit pawisan na. Sa sobrang kagwapuhan, muntik ko ng mahalin. Muntik ko na pagkalokohan. Muntik.
Bakit ba nanito yan?
Baka naghahanap pa ng paraan para dagdagan tong sakit na binigay nila samin—sakin.
Baka naghahanap lang ng sakit ng katawan? Sa palagay mo?
Bumbaba na ako ng sinasakyan kong tricycle at kamuntikan pang malimutang magbayad. Naglakad na ako papalapit ng gate namin. Nakita naman niya ako
Deadmahin mo na lang. Mahirap na, baka matakot yung mga kapitbahay niyo. Baka kasi may biglang sumulpot na bugbogsaradong lalaki na pagewang gewang pauwi! Hahaha.
Tumayo na siya.
Kung gano katagal siyang nag-intay diyan? Ala ako pakialam.
Naglakad na ako papalapit sa bahay namin habang hinanap ko na yung susi ng bahay sa bulsa ko. Bahay namin yun. Bat ako aalis, purkit nakita ko lang siya? I won’t let him faltter himself.
“Alex..”
Nasa tapat na ako ng gate namin at ramdam ko na rin ang init. Ipinasok ko na yung susi sa keyhole. Alam kong nasa loob lang ng bahay sila Mama at Kuya Xander. Yung gate kasi namin yung tipong instant lock pagkasarado nito. Lahat kami may susi ng bahay. Kahit nga sila Kuya Niko at Kuya Xavier meron eh. Ewan ko na lang kung nasan na yung duplicate nilang yun. Basta ako, laging nasa akin yung akin.
“Alex…” he bagan once more.
Inikot ko na yung susi. Pero wala pang 1/4 yung nabubuksan ko sa kapirasong gate na to, ay hinawakan ni Rico ang kamay kong nagtutulak sa medyo mabigat na bakal na to, sa harapan ko. Napilitan tuloy akong tumingin sa kanya.
“Alex—“
“Ano?” I snapped. “Ano na naman bang kailangan mo? Hah?” Hinintay ko siya muna siyang sumagot pero since wala, tinuloy ko yung sasabihin ko. “Kulang pa ba? Kulang pa lahat ng pasakit na binigay niyo? Di pa kayo nasiyahan?”
Di ako umiiyak. Di ako iyakin eh.
“Alex, sorry. Alam kong malaki tong hinihingi ko sayo pero sana patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa namin sa inyo ni Aira. Sa lahat ng nagawa ko sa inyo.”
“Wow. Parang hindi kahapon lang yung nangyaring away tapos ngayon hihingi ka sakin ng tawad? Hinihingi mo ang kapatawaran ko? Grabe ka naman pala Rico! Ano tayo? Mga bata na nag-agawan ng candy, naglokohan, tapos magbabati pagkatapos?”
“Hindi. Hindi naman sa ganun…”
“Oh, edi explain. Pls.”
“Alex, patawarin mo na ako. Hindi man ngayon pero balang-araw—“
“So may deadline ang pagbibigay ko sayo ng kapatawaran, ganun?”
Napansin ko na hawak pa rin nya ang kanang kamay ko na nakababa. Yung tipong parang holding hands? Parang. Agad ko naman hinatak pabalik.
“Hindi naman sa ganun Alex. Pero sana balang-araw, mapatawad mo ko. Sa lahat-lahat.” Di muna ako sumagot. “Alam kong mali yung ginawa namin…ginawa ko—“
“Eh yun naman pala eh. Alam mo naman pa lang mali yung ginagawa niyo. Bakit ginawa mo pa rin? Bakit tinuloy mo? Bakit pumayag ka?” kalmado lang ang boses ko. Simula pa kanina nung nag-start kaming mag-usap. Siguro kung papakinggan mo ngang mabuti ang boses ko, mahahalata mo na hindi galit ang nandyan, kundi pagod.
BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...