Chapter Five

9 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

“Sige Alex, una na ako hah.”

“Ah sige, bye. Salamat sa paghatid Rico hah.”

“Walang anuman.”

“Ah, Rico—“putol ko nung paalis na siya. “San ba yung room niyo?”

“Bakit? Para alam mo kung san ako hahanapin…”

“Oo sa—“

“…kapag namiss mo ako?”

“—na. Hindi! Gagi!”

“Hahaha. Di joke lang. Sa  third building kami. Second floor din.” Sabay turo sa abot tanaw na building sa kanan nung amin. Halos magkaharap na lang din kasi.

“Ah sige. Pasok na ko ahh. Bye. Salamat ulit.”

“Sige. Bye din.”

At umalis na siya.

Pagikot ko papasok ng classroom, nakita kong silang lahat, lahat ng mga kaklase ko na mga nakatingin sakin. Yung iba naman mga nakanganga. Ay, ano to? May sapi ba ang mga to?

“Oh, ano problema niyo? May dumi ba ako sa mukha ko?” Hinaplos ko naman yung mukha ko. Ala naman ata.

Tumingin ako ulit sa mga itsura nila. Bumalik naman na sila sa paggagawa ng mga kung anu anong ginagawa nila kanina.

Problema ng mga to?

“Huy, itsura mo naman.” Sabi ng isa kong kaklase. Si Lyka.

“Ano ba kasi meron?”

“Ikaw!” Si Leni.

Umupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan sa tabi ni Leni. Tinignan ko muna kung nandyan na yung si Bes. Ala naman. Sige, makikipagkwentuhan muna ako sa mga to.

“Anong ako?”

At yan na po, nagulat na lang ako na nakapaikot napo yung kalahati ng klase namin na hindi nagrecess. Mga gusto makinig at sumali sa usapan. Kahit mga lalaki ah, nakikichismis. Hahaha. Kaloka. Ano ba talaga meron?

“Oy, kayo na?”-Sandra

“Hah?!” Nakakagulat naman! “Anung klase ng tanong yan?”

“To naman. Kailangan biglaan?”-Lyka

“Syempre, para sagot agad, di ba?”-Sandra

“Sa bagay… ano? Kayo na nung lalaking naghatid sayo?”-Lyka

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon