Chapter Thirty-Seven

5 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

<Alex’s POV>

Nakakaloko talaga si Tita Steph. As in nakakabaliw. Pero masaya siya kasama. Para bang kasama mo lang ang katropa mo. Nga pala, speaking of katropa, dapat masabihan ko na sila Bes Aira at Luke kung makakasama sila sa outing sa Sabado na swimming.

Oo, swimming na lang daw. Panay kasi reklamo ni James eh. Panay nakaangal kay Tita. May topak talaga yun. Pati baga mommy niya ginaganun niya? Tsk tsk.

“Bes, san ka punta?” tanong ko okay Aira na lumabas ng classroom namin. Hinabol ko siya sa may pathwalk.

“Hah? Ala naman. Maglalakad lakad lang sana sa may garden dyan sa likod. May free time pa tayo eh. Faculty meeting daw kasi ng mga teachers.”

“Ah ganun ba.” Inis naman. Nagbasa pa ako ng notes para sa next subject. Oh huwag na magtaka. Kailangan mapanatili ko ang grades ko at makagraduate na valedictorian. Maraming magandang options ang meron na trabaho kapag nakagraduate ako na valedictorian. Pero feel ko, hindi na ko malilihis sa landas na kinuha ni Dad. Baka magdoctor na lang din ako.

“Samahan na kita.”

“Ako din.”

Hayy nako. Daig pa ang multo nitong si James. Bigla bigla na lang sumusulpot at nangingialam sa usapan ng may usapan. Di ba siya tinuruan ni Tita na masama mag-eavesdrop sa usapan ng iba? Malamang tinuro ni Tita kaso masyadong matigas yung ulo para i-absorb. Hayst.

“Bakit pati ikaw sasama?” angal ko.

“Bakit? Bawal ba?”

“Hindi.”

“So I’m coming. I could use some fresh air too.”

“I could use some fresh air too.” I made faces while mockingly copied his statement. Sabay irap syempre. Ang childish ko, alam ko. Siya kasi eh!

 

Sige, Alex. Sisihin pa ang inosenteng tao.

Inosente? Sinong inosente?

“Aira, nga pala. May outing sa Sabado. Swimming daw sa isang farm. Malapit daw yun sa isang sapa. Malinis naman daw yung tubig. Sama ka naman para may kasama ako.”

“Sino-sino ba yung kasama mo?”

“Sinama lang kasi ako ng Tita ko eh.”

“Tita mo? Hala, baka hindi ko yun kilala. Huwag na. Nakakahiya.”

“Hindi. Alam naman niya na magsasama ako ng kaibigan ko eh.”

“Pano mga pinsan mo? Mga kuya mo?”

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon