CHAPTER TWENTY
“Nakakahiya kaya!”
“Nako di naman eh. Okay lang yan. Kasama yan sa paglaki Bes. Tsaka di naman siguro niya yun mami-misinterpret.” She said. “Unless syempre..”
“Ano?”
“Unless syempre… may dapat i-missinterpret. Meron ba?”
“HAH?”
“Ay, patay tayo diyan. Meron nga!” she was smiling at me.
“What?! No—first of all, that is so creepy. Don’t smile at me like that. And second of all, he is my friend! He is just a friend! Ugh! Lahat na lang kayo, you are all insisting that we are more just friends!”
“Well, may right kami magdoubt di ba?”
“Really, Aira? I mean, what’s there to doubt?”
“Well, kung gusto mong i-identify ko for you then I guess I will—“
“Identify--?”
“Una, kapag di kita kasama, siya yung kasama mo. Second, kapag kasama mo siya, blooming ka hah.—“
“Wait, stalker ba kita??” I am utterly surprised that she knows this much.
“Well, nakikita ko kayo, don’t deny and don’t judge. Pangatlo, nabanggit sakin ni Michael na ang hirap mo daw palayuin kay Luke. So I’m thinking, why?”
Why?
“Ugh..” Aira just chuckled at me. “Manahimik ka na nga, nandiyan na si Ma’am oh.”
++++++++++++++++
It’s Tuesday and uwian na. Bilis nga ng oras eh. Di ko na napansin.
“Babye!” sigaw ng iba naming kaklase na mga nauna na. Tumambay muna ako sa may canopy at medyo nagulat ako sa nakita ko.
Si Luke at si Michael ba yun? Magkaharap dun sa gilid ng ginagawang buiding?!
A-Anong ginagawa nila? Shit baka away na naman yan!
“Ah, Aira, babalik ako ah!” sabi ko ng hindi lumilingon at tumakbo na ko pababa, iniwan ko ang bag ko.
Hinihingal pa ko ng makarating ako sa kinatatayuan nila pero di nila ako agad pinansin.
“Tell me one good reason kung bakit hindi ko dapat basagin yang mukha mo.” –Michael
“Ayoko lang ng away.” –Luke
“Sana inisip mo yan bago mo ginulo ang buhay ni Elaine. Sa totoo lang kasalanan mo rin kung bakit ayaw na niya sakin eh.”
Tahimik lang si Luke, no emtions, just his lips set in a firm line.
“Mahal ka pa rin niya. Ikaw. Ikaw na isang tarantadong manloloko!” tinuro-turo niya si Luke at napapaurong naman si Luke ng konti. “Ikaw pa rin yung iniisip niya hanggang ngayon!” the way Michael spits out his words are like venom-coated arrows piercing you one by one. I can tell, kasi nakatingin lang sa baba si Luke. “makati ka kasi. Di mo kayang pigilan yang sarili mo. Nakakadiri ka. Madumi kang taoo. Tapos ngayon lalapitan mo si Alex. Kung akala mo magagamit mo si Alex para saktan ako, pwes hindi!”
Para saktan siya? Sumosobra naman ata si Michael?
“Hindi na ako ang mahal ni Elaine, Michael. Ikaw. Sana makita mo yon. At hindi ako ang dahilan kung bakit ganyan siya sayo. Ikaw din.” Sabi ni Luke na nakatingin na kay Michael, eye to eye. “At hindi ko ginagamit si Alex para saktan ka at mas lalong para hindi siya saktan o gamitin. Ni hindi ko nga kayang isipin na kaya ko yung gawin sa kanya eh. Mahalaga sakin si Alex.”
BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...