CHAPTER THIRTY
Ano kaya mangyayari sa susunod naming usapan?
Dapat di ko na yan itinanong sa sarili ko…
Dumaan ang isang linggo bago ko ulit makausap si Luke. Sabado at buo ang pamilya; nakaday-off si Dad. Hulaan niyo kung saan natripan niya na pumunta?
++++
“Anak… may bisita ka.”
“Po? Sino po?”
Bisita? Hindi naman pupunta si Aira ng walang pasabi ah? Sino pupunta ng bahay ng Sabado?
“Ma? Mama?”
San naman napunta si Mama? Parang sila Kuya lang. Mga biglang nawala. San sila nagsipunta? Ah, baka nasa kusina lang kasama si Mama at Dad. Baka mga gutom na kasi malapit na rin siguro kami magtanghalian eh.
“Mama?” tawag ko. “Sino ba yung bisitang sina—“
Natigilan ako nung bumungad sakin ang buong pamilya ko sa may sala na nakaupo. At wow naman. Nasa gitna ang bisitang pan-rangal—si Luke. Oh, di ba? Ang bait niya naman. Kaganda pa ngingiti… parang ngiting tuta lang. Asar =.=’
“Good morning, sis.” Bati ni kuya Xander na napakahalata ng emphasis sa ‘sis’. Napansin ko din na tinutunaw niya sa titig si Luke sa gilid ng mga mata niya. Ang tanong, natunaw ba?
Katabi ni Dad si Mama at nakatingin sila sa akin, may sariling usapan.
Ito ang sitting arrangement nila sa sofa sa sala: Mama – Dad – Luke – Kuya Vi – Kuya Niko – Kuya Xander. Nasa gitna ako, kaharap ng isang maliit na lamesa, pinaanood silang lahat. Nakakatawa kasi…
I blurted out laughing kaya pati yung mga kuya ko na seryoso at intimidating ang itsura, mga naging quizzical. Natawa tuloy ako lalo. Grabe. If only you guys could see their faces.
“Hoy! Ano tinatawa-tawa mo diyan?” tanong ni Kuya Vi habang nakakunot yung noo niya. Mukha siyang matanda kapag nakakunot yung noo which pinagpapasalamat ni Kuya Xander, hindi niya nakuha—which is weird since kambal nga sila. Lalo ako natawa kaya tinakpan ko ng kamay yung bibig ko.
“Anak, may sapi ka ba?” tanong sakin ni Mama.
“Wala po. Ano lang po kasi…” inaayos ko yung sarili ko kasi kung hindi baka di na ko makahinga kakatawa. I breathed properly a few seconds before answering. “Napakaseryoso niyo po kasi Mama. Nakakatawa lang po ang mga itsura niyo, lalo na sila kuya. Kung hindi kayo mukhang natatae, para kayong sinabihan na may manliligaw ulit sakin.”
Ganyan din kasi sila nung may inuwi ako na bulaklak sa bahay for the first time nung first year high school ako. Nag-arrange pa talaga sila ng family meeting na parang gani—
“Anak, may nanliligaw nga sayo.”
“hahahayy. Nako po, Ma. Tapos na tayo diyan. Madami sila. Ala pa ko sinasagot. Nagbabalak na nga po ako mag-madre eh.”
“Madre ka diyan? Baka tanggapin ka dun. Huling rinig ko, bawal dun yung mga lalaki. Baka mag-pari ka kamo.”
Dumampot ako ng unan sa may sofa at ibinato kay Kuya Xander.
“Babae ako! Prokit bakla ka diyan—“
“babae? Seryoso ka? Tignan mo nga yang suot mo.”
Tinignan ko naman. Sando na itim, boxer shorts na batman tsaka tsinelas na pambahay na itim.
“Oh, anong masama naman dito?” tanong ko.
Lahat sila nakatingin sakin na para bang tinubuan ako ng pangalawang ulo. Sumilip ako sa likod ko. Baka may tao?
“Eh, Lex, para kang lalaki magdamit.” Sabi ni Kuya Niko.

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...