Chapter Four

6 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

“Okay class. That would be it. Are you finished with the essay?”

“Ma’am naman!”

“Ubo ubo, assignment.”

“Ehem ehem, take home.”

Mga sira naman tong kaklase ko. Hahaha. Pero ayos lang. Dinapuan ako ng katam ata eh. Kanina pa ako nahuhuli ni Bes Aira na nakatulala. Panay ko kasi naaalala yung panaginip na yun. Hindi ko na siya maalala lahat. Pero yung tatlong bagay sa canopy naaalala ko pa pati yung hinabol ko sa hagdanan  tsaka yung ending ng dream ko.

Bat kaya ganun yung mga panaginip no? Lagi mo siyang nakakalimutan. Nakakainis. Pero ilang saglit lang naman yun nang magising ka. Pagkalipas ng ilang oras, limot mo na talaga siya. Para namang napakasama niya para makalimutan mo sya. Pero siya pang mga nightmares yung naaalala mo. Asar yan ahh.

Para kasing sinabi na rin ng universe na bawal ka maging masaya. But then  again, lahat ng bawal, ginagawa.

Example? Yung mama sa kanto iihi sa may pader na may nakalagay na ‘Bawal umihi dito’. Oh kaya naman yung matandang ale pupunta sa may bakanteng lote na may nakapaint sa dingding na ‘Bawal magtapon ng basura dito’, sabay bato ng plastic bag ng mga mumo at sime ng mga pinagkainan nila. Minsan nga, may mga lumilipad pang pakpak sa loob ng plastic bag na yun eh. Girls, gets nyo ba?

Pwede din naman na sasabihin mo sa puso mo na ‘Bawal yan’ pero mamahalin mo pa rin yung isang tao na yun kahit dapat hindi. Hahanapin mo. Mamimimiss mo kahit BAWAL ang isinisigaw ng isip mo.

Oh, san naman nanggaling yan?

Sa mahiwaga mong bumbunan!

Weh? Di—

“Yeess!!”

“Thanks Ma’am!”

“Ma’am, gumaganda ata kayo lalo araw-araw?”

“Eh, yan tayo sa mga banat noh Josh?”

“Hahaha, SSG portion!”

“Hahaha. Ounga!”

“Plus five na yan!”

“Hahahaahahaha.”

Ang iinggay ng mga kaklase ko eh.

“Bes, ano ba yung ‘Yes’ na yun?”

“Ah, kasi pumayag na si Ma’am na take home na daw yung essay. Sanay naman daw siya sa atin. Hehehe.”

“Ah, ganun ba? Osige, salamat. Ma’am, ang ganda niyo po talaga! Pramis! Sa akin po kayo maniwala! Pawang katotohanan lang po ang sinasabi ko!”

“Weh?” –silang lahat. Sabay tawa.

Haahaha. Ala, nakigulo na rin ako. Kami pinakamainggay ata sa buong sa floor namin eh. Hahaha. Ayss lang yan. Kami naman pinakamasaya.

Mamaya ko na gagawin yung assignment na essay na yun... Teka, tungkol ba san ulit yun?

“Aira, tungkol ulit san yun?”

“Ah sa friends pre.”

Friends. Friends? Okay.

Tumango na lang ako. Friends lang naman pala eh.

“Okay class, magrecess na kayo.”

“Thanks Ma’am!”

“Oy, pabili naman Angel!”

“Ayoko nga! May paa ka dyan!”

“Jan Paul, yung notebook ko amina dali! Ala pa ako assignment sa Chemistry!”

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon