CHAPTER THIRTY-TWO
Nakakabaliw ang buhay ng tao. Hindi mo namamalayan na ganun ganun na lang, tapos na pala ang pasukan. At ganun ganun lang, tapos na rin ang bakasyon. Nakakabitin nga eh. Pero sa 2 months vacation na yun, ako na siguro ang pinakamasayang nilalang sa mundo. Well, at least sa mundo ko.
Nung gabi na sinagot ko si Luke, umangal ang mga kuya ko. Pero pumayag sila na manligaw siya. Pati na rin ang parents ko pumayag sa relasyon namin. Para namang bata sa pasko ang nanay ko sa sobrang saya niya, nung malaman niya na ‘kami’ na nga. Going strong naman kami ni Luke—2 months na. Astig noh? Hahaha. Kahit ako hindi pa rin makapaniwala.
Alam ko, bata pa ako at ngayon pa lang ako nagsisimula na matutong magmahal. Malaki ang chance na masasaktan ako sa huli, pero kahit kailan, hindi ko yun pagsisisihan. Sandali lang ang buhay ng tao. Sa paglingon ko sa kahapon, nakita ko ang pamilya ko at ang mga taong nakasama ko. Hindi ako ang magiging Alex ngayon kundi dahil sa kanila at sa mga nangyari sa buhay ko.
Natututo tayo sa pamamagitan ng mga karanasan na natatamo natin habang lumalaki tayo. Hindi man tayo sigurado sa kinabukasan na sasalubong satin, dapat pa rin harapin natin ito ng positibo at syempre, may ngiti sa labi. Lagi lang dapat natin isipin na may plano ang Diyos para sa atin. Confidential nga lang kaya bawal i-share. Damot ni God noh? Hehehe.
*yawn*
Inaantok pa ako. Late na kasi ako nakatulog kagabi. Pano naman kasi panay ako tinatawagan ni Luke. Di ko pa mababa-baba yung tawag nya. Nagdradrama yung tao kasi hindi na daw niya ko makakasama lagi kasi college na siya.
Napakasweet ni Luke at naging 2 times more ang kabaitan niya sakin. At dahil gf na niya ako—OMG, di pa rin ako sanay sa term—hindi na siya pwede magtago sakin ng mga bagay na dapat alam ko. nalaman ko nga sa kanya na ako nga ang pinagusapan nila ni Michael nung dating pinagbati namin sila ni Elaine.
Umamin pala siya kay Michael na mahal niya ako ng tunay at kahit bugbugin pa siya Michael, paninindigan niya ang sinabi niya at hindi na niya ito ikakaila. At hindi na rin niya ako lalayuan, kahit ano pa ang sabihin o gawin ni Michael. Kahit pa nga daw hindi na sila magkabati eh. Kaso mukhang bumait si Michael—ano kaya nakain niya nun for lunch?—at biglang… tada!! Nakipagbati siya kay Luke.
Tama nga yung matandang ale na nakilala ko. Siguro yung sinasabi niya na maswerte ang numerong 18 sakin, sinasabi din niya na ang pang-labingwalong lalaking magmamahal sakin ang taong tunay kong mamahalin. There’s no other logical reason. Simula nung nakawin ni Mak-Mak yung folder ko na spongebob at nung makabunguan ko siya sa may mall. Tadhana nga siguro na magkakilala kami. Dagdag niyo pa nung siya ang saktong nautusan ng former adviser namin na pagsabihan ang klase namin nung may urgent meeting ang mga teachers. Siya nga siguro ang para sa akin noh?
Malaki ang pasasalamat ko kay Luke dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako matututong humarap sa mga pagbabago na nangyayari sa buhay ko. Hindi ako sanay sa pagbabago. Ako ang tipo ng taong hindi kayang sumabay sa mga malalaking kaganapan na ibinibato sa buhay ko ni God. Pero dahil kay Luke, tumibay ako—mas lalong tumatag. Ano na lang ang gagawin ko kung wala si Luke?
“Huy, kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan! Kung akala mo hindi ko nakikita yang mga ngiti mo dahil nakadukdok ka, well, you are wrong.” Sabi ni bes Aira.
Akalain niyo yun? Imbes na kami ni Nathan ang magkatuluyan, sila pa ni Aira? Hahahaha. Siguro nga sila na yung nagkadevelopan. Nakakatuwa naman. Bagay na bagay sila sa isa’t isa. And I am happy for for both of them, especially Aira.
“Yung boyfriend mo na naman ba yang iniisip mo?”
“Bakit mo natanong?”
“Eh may pasok na’t lahat, todo ngiti ka pa habang kami, nagmumukmok dito kasi bitin ang bakasyon.”

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Ficção AdolescentePeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...