CHAPTER TEN
“Mama, dito ka oh.”
Sabi ko para tabi kami sa may sofa habang nanunuod ng horror movie sa may living room.
Dito na raw matutulog sila Kuya. May byahe kasi si Kuya Niko sa lunes. Dito na lang daw siya sa Linggo. Si Kuya Xavier naman, dito na lang muna din daw. Nakakamiss daw eh. Lagi naman daw siyang mag-isa dun sa bago niyang condo.
Okay lang naman para sa akin kasi talagang nakakamiss yung mga times na ganto. Lalo na sa tuwing naaalala ko na ala na siya. Nakakamiss lang. Ako na lang tuloy naiwan sa mga mongoloid kong kuya na to..
“AAYY!”
“HAHAHAHA! Mga kuya ko pa talaga kayo? Hahahaha! Daig niyo pa kami ni Mama tumili ah?”
“Sobra ka naman! Porket ba tibo ka hah Alex?” –Kuya Xavier
“Oo nga na—“ may kumatok sa pinto namin.
Napatayo naman yung tatlo. Tignan mo nga. Ganyan ba ang hindi natatakot?
“Oh, ano pa ginagawa niyo dyan? Buksan niyo na.” sabi ni Mama
“Ikaw na.”
“Bat ako? Xander ikaw na. Ikaw pinakabata.”
“Anong ako? Si Alex na lang.” bumabaleng na naman sakin.
“Sige. Okay lang sakin. Hindi naman ako duwag eh.” Sabi ko.
Aakto na sana ako na tatayo…
“Hindi na pala, ako na.” Kuya Niko
“Di ako na.”
“Ako na”
Nagvovolounteer nga, di naman makarating sa pinto para buksan.
Bigla naman kumatok ulit yung taong nasa pinto. Napatalon silang tatlo.
“Sige pre, ikaw na nga.” Tinulak nila si Kuya Xander na pumalikod at tinulak si Kuya Niko na hinablot si KuyaXavier para siya yung mappunta sa may unahan.
“Akala ko na ikaw na?”
“Anong ako? Baka ikaw?”
“DI ba sabi niyo kayo na?”
“Ay nako. Ako na sige na. Ako na.” nangingiti kong sabi.
Pagkabukas ko ng pinto, napasigaw ako. Nagtakbuhan naman silang lahat. Pati si Mama.
“ALEEEXX?????!!”
“hahahahaha! Joke lang! Hahahah! Ang gaganda ng itsura niyo ah mga Kuya ko? Hahaha.” Sabi ko habang nakasakay sa may likod ni papa.
“Uy papa. Kayo lang po pala. Akala po namin kung ano na.”
“Akala nila multo na. Hahahaha.”
“Mga anak ko ba talaga kayo?” –Si papa
“papa naman…”
“Nako nga Laurence! Takot ka din kaya sa mga multo at aswang! San pa nga magmamana yang mga yan kundi sayo??”
Hahahaha. Sagot ni Mama yun. Buking si Papa!
Wow grabe. Ang saya ko. Ngayon lang ulit kasi kami nakomplete na pamilya. Madalas laging alang laman ang bahay na to. Panay tahimik. Mapagkakamalan mo ngang alang naninirahan dito eh.
Kung pwede nga lang lagi lagi ganto eh kaso ang selfish ko naman para hilingin yun. Di pwede yun eh. Kailangan din kasi nila na magtrabaho at may sarili-sarili na rin silang mga buhay at pamilya tuulad ni Kuya niko kaya di dapat ako humihiling ng mga ganung bagay.

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...