CHAPTER TWENTY-EIGHT
Ang pagiging masaya, may katumbas na kalungkutan. Ang kaginhawahan, may katumbas na paghihirap at pagpupursigi. At ang pagmamahal, may katumbas na sakit sa puso. Sometimes, the truth has a way of changing a person’s heart, her point of view and her plans.
Sana pala hindi na ako nagsuot ng hoodie ko since maraming puno dito sa park; malilim. Nagsuot ako ng high-cut na sapatos ko, above-knee shorts at sando na itim na natatakpan ng black hoodie ko. Itinaas ko na lang yung manggas ko dahil mainit. I checked my phone as I was listening to music through my SkullCandy headphones.
‘2:35 pm’
Kaya naman pala mainit eh.
Hayyst. Mas marami pa ng konti ang tao ngayon dahil na rin siguro sa walang pasok ang school namin at puro school namin ang nakatambay dito. Lalo naman sa may covered court. At dahil diyan, lalayo tayo.
Naglakad ako sa may sidewalk, sa lilim lang ng mga puno na nakatanim dun syempre. Ayoko ngang umitim.
(Flashback)
“O’ sige, eh ano pala ang sinasabi mo?”
“Sinasabi ko lang na mas okay na yung makaiwas sa heartbreak. Pero mas okay naman ding may experience ka kahit papano di ba? At least natututo ka. Mas okay na yung nagmahal ka at nasaktan kaysa naman sa hindi ka nagmahal. Di ka na ata tao kung di ka nagmahal.” Naalala ko yung mga pinagsasabi sakin dati nila Mama at Kuya Xander tungkol sa relationships..
“ Makes sense?”
“Yup. Makes sense.”
When I looked at him when he said that, I was surprised to see what he was doing.
“Tulad nga ng sabi mo, mas okay na yung nagmahal at nasaktan kaysa sa hindi ka nagmahal.” Bulong niya at sakin lang siya nakatingin.
OHMYFUCKINGLIFEFORCEHINDITALAGAAKOMAKAHINGASASABOGNAATA YUNGPUSOKOOHMYGODHELPMEPLEEEEEEASE !!!!
Tinignan niya lang ako at tinignan kolang siya. Actually, parang pareho kaming gulat sa ginawa namin. My hand shot up straight to myneck and he did the same to his, scratching the back of his head.
“Uhm…s-sorry?”
“B-Bakit ata p-patanong?”
“Di ko alam?”
I smiled. Kahit kasi yung sagot niya patanong din. I shook my head. After a few minutes, nagkalakas na rin ako ng loob na magsalita.
“Don’t be sorry. O-Okay lang.” I whispered.
“Ahm… okay.”
“Di ko inakala na tototohanin mo pala yung sinabi mo sakin nung Valentines. Siraulo ka, Luke.”
He chuckled and I smiled na rin.
“Nag-enjoy ka nga ata nung hinalikan mo si RJ eh.”
“H-Hoy! Pinilit mo naman kasi ako eh! Nanakot ka nga ba dyan? Tapos sa cheeks ko lang siya hinalikan eh. Pinagmukha ko lang na sa lips para makatakas na ko sa inyo.”
“Oh bat ang defensive mo?”
“A-Ano… bakit nga ba hinuli mo pa ko nun?”

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...