CHAPTER TWENTY-TWO
“Alex…”
“Alex…”
“Alex… huy, Alex… O-Okay lang yan. Try harder na lang next time..”
Bakit nakapangalumbaba ka dyan, Alex? Purkit ba ikaw yung nakakuha ng lowest score sa test? Wag ka nga ganyan! Tama si Bes Aira mo, okay lang yan. May next time pa!
Nakatingin lang ako sa may puno sa labas ng classroom sa may bintana.
Uy. Huwag mo naman balewalain lahat ng nag-aalala sayo.
Hayy. Bakit naman hindi? Bakit hindi kung ako nga binalewala ng taong alam niyang pinag-aalala niya?
Uhm… hayst. May rason kung bakit niya sinabi at ginawa yun, Lex.
Alam ko…
Pero hindi lahat, hindi lagi, kaya kong intindihin ang lahat tao sa paligid ko. tao lang din naman ako di ba? Sana… Sana…
Sana kahit minsan… ikaw naman intindihin nila?
Masama bang hilingin yan? Minsan nakakapagod din yung lagi kang matibay, laging matatag. Pero kailangan mo lalo na para sa ibang tao yun. Minsan, naiinis ako. Naiinis ako sa mga taong nakapaligid sakin. Sa mga kuya ko. Sa mama at papa ko. Lalo na sa bestfriend ko.
Alam mo ba kung bakit? Kasi… kasi lagi kong naiisip na ako, ako ay laging nandyan para sa kanila kapag kailangan nila. Saulo ko na silang lahat. Kilos, galaw, ugali, reaction, sagot, iniisip… Pero ako ba ganun na nila kakilala? Kilala lang nila ako sa pagiging matalino ko, maganda, tahimik, at matatag. Ni hindi nga nila alam na marunong ako tumugtog ng gitara (pwera kay Nathan na nasa bahay pa namin nun). Hindi rin nila alam kung bakit ko sinasara yung sarili ko sa kwarto araw-araw at tumutugtog lang ng gitara o nagbabasa ng libro o nakikinig ng music. Hindi nila napansin yun, mali ba ko? Dahil di rin nila alam yung dahilan kung bakit ako naging ganito, sa simula pa lang. Alam nila ang ilang mga sekreto ko, kung anong klaseng tao ako at kung pano ako kumilos at kung ano ang kaya kong gawin.
Pero kung kilala nila talaga ako, bakit di nila makita yung totoong nangyayari sa loob ko? Sa puso’t isip ko tulad ng kung paano ko nakikita sa kanila? Napakaunfair naman! Bakit sila napakadali para sakin na basahin sila kahit di sila magsalita?
Siguro nga unfair. Kaso may kasalanan ka na rin dun kasi dun mo sila sinanay.Dun mo sinanay yung sarili mo. Hindi mo kayang ipakita yung totoong ikaw dahil aminin mo man o hindi, Alex, takot kang may mapalapit sayo ng sobra, na baka dumating yung araw na yung taong mahalaga na yun sayo, ay mawawala lang din. Na sa huli, masasaktan ka, magiging mag-isa. Tama ako di ba?At hindi lovelife mo ang pinag-uusapan natin dito, mali ba ko?
Bakit ka naman hindi magiging tama? Parang utak na rin kita di ba? Iisa lang tayo. *sigh*. Sa huli, sarili’t sarili mo lang ang nakakaintindi sayo.
Unconsciously, I smirked. But it was sort of a sad smirk; a painful smile.
“hayst. Pinag-alala mo naman ako, Lex. Akala ko sobrang depressed ka na.” Aira breathed out.
See?
Hindi niyo makita yung totoo kong nararamdaman.
Aira, I am depressed. So very very much depressed that I want to cry alone all day in my room.
But I can’t.
Di ko alam kung bakit. Basta di pwede.
(Flashback)
“Umaano ka ba dun sa bubong ha? Delikado dun!” –Kuya Xander
Clearly, mas galit sa tatlo si Kuya Xander. I smiled. Mas protective yan sa lahat pagdating sakin eh.

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...