CHAPTER EIGHTEEN
“Kuya naman eh!!”
Sabi ko na nga ba eh!
“Ah basta. For one week yan!”
“Di naman ikaw si Daddy ah?! Andaya daya mo! Tsaka bakit yan pa sa lahat ng bagay?”
“Kasi alam ko na ala kang pakialam sa kahit anong gamit mong device. Kahit pa cellphone mo yan. Pero itong gitara mo? Araw-araw ata hawak mo to!”
“Di ko naman yan dinadala sa school eh!”
“Pero hawak mo naman lagi paguwi mo.”
Naglakad na si Kuya papasok ng kwarto niya.
“Unfair.. so unfair” I mumbled
“Narinig ko yun! Bakit nga ba hindi mo sinabi sakin-samen- nila kuya na boyfriend mo si Luke?”
“UGH! For the nth time kuya! Di ko nga siya boyfriend! Di mo ba narinig usapan namin kanina? Sabi ko, and I quote hah, ‘No Luke, thank you. For being a really good friend to me’!”
“Ah basta.”
I groaned internally. I know that I wasn’t gonna win over my brother. Mas matigas pa ulo niyan kesa sakin eh.
Minsan ang sweet ng pagkaprotective ng isang lalaki tulad ni kuya, kaso wag naman sosobra! Nakakasuffocate kasi pag ganun. Mga bunsong babae dyan… tama ako di ba?
+++++++++++++++++
Mabilis lang dumaan ang isang araw. Di ko na namalayan, Lunes na naman pala.
Bangon. Ligo. Sipilyo. Suklay. Bihis. Sapatos. Bag.
“Huy Lex, para ka namang zombie dyan.”
“Hmm?”
Inaantok pa ko…
“Tulog ka pa ata eh. Di ka pa ba nagising kanina nung maligo ka?”
“Hmm..”
Kinuha ko na yung bag ko at cp ko tsaka yung iba ko pang gamit. Lumabas ako ng kwarto ko kasabay si Kuya.
Pagdating ko sa school, dumiretso na ko sa room namin. Ala daw ceremony ngayon. Umalan kasi kagabi.
Dukdok. *yawn*. zzZZZ---
“Huy!”
“Ah!” anak naman ng tinapa =.=’
“Ba’t natutulog ka pa dyan? Aga aga, antukin?”
“Aga aga, nangiistorbo?”
“Ewan ko sayo. Huy, nabasa mo ba yung announcement dun sa may gate papasok ng school?”
“Hmm?”
“Sabi dun, since bago na yung principal school natin, marami na rin daw babaguhin. Kasama na dun yung bagong building dyan. Tatapusin din daw yung bago matapos yung bakasyon. Basta busy sila kaya wala muna daw tayong flag ceremony dahil busy sa mga meetings yung principal.”
Pa-VIP naman pala yung isang yun eh.
“Meron pa Bes. Nabasa ko din dun na nag-aalok sila ng college applications.”
“Ano?” napabangon ako. “Bakit?”
“Parang may balak daw kasing gawing university tong school natin instead of puro HS students lang. Pero dahil pa sure kung magwowork out, nagbabalak sila ng experimental years para dun. Yung mga sasama daw sa additional years na to, parang nag-college na rin so pagkatapos mo dun ng atleast 4 years, pwede ka na magtrabaho. Oh di ba?” Aira said proudly. “Atleast di ka pupuntang Maynila…” she said thoughtfully since maraming nagbabalak pumunta dun since, nga naman, ang gaganda din ng offer ng colleges dun tulad ng La Salle at UP, di ba? Pero kung ako yung tatanungin niyo, di na ko aalis dito kung pwede.

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...