Chapter Thirty-Two; part two

2 0 0
                                    

[CHAP 32-CONTINUATION]

“Okay. Thank you. Who’s next?”

I smiled at Mrs. De Castro. Mukhang mabait nga siya.

I think that my final year here at high school will be great. Finally, my story is complete—

*someone knocking on the door*

Nasa gitna na ako ng classroom namin ng napalingon saglit ako sa may pinto.

Bukas ang mga pintuan namin at bintana dahil public school lang naman ito eh. Wala din namang mangyayari kung magka-aircon. Mas masarap kaya ang preskong hangin.

“Oh, looks like your new classmate’s here.” Bati ni Ma’am.

Humarap ako ng maayos para makita ko ng mas maayos ang bagong dating na lalaki. Matangkad siya, unang observation ko. Second observation, medyo maputi’t makinis. Third, may… may muscles? Eh! Binatukan ko yung sarili ko.

May boyfriend na ako eh. Tapos pagnanasaan ko pa ang isang taong nakatalikod sa buong klase? Ayst.

Nag-uusap sila ni Ma’am sandali.

“Gwapo ba?”

“Huh?”

Napatingin ako kay Aira na nakatayo na’t kaharap ako pero sa may pintuan nakatingin.

“Susumbong kita kay Nathan!”

“Gaga! Nagtanong lang ako…” she retorted.

“hahaha. Joke lang.”

“Ano daw ba yung pangalan niya?”

“Aba, malay ko. Pero feeling ko familiar siya sakin eh.” I picked up the sense of familiarity with the new stranger the moment I saw him—technically, his back.

“Nakita mo na itsura?”

“Hindi pa nga eh. Hindi ko pa nakikita yung mukha niya. Halata namang may itsura—“

Naputol ni ma’am ang usapan namin ng sabihin niya na yung bagong transfer na muna ang magpakilala sa harap para makilala kami. Langya, nakatalikod pa rin samin?

“Ano ba yan.” Hinarap ko si Aira. “Mukha din na mayabang eh.” Bulong ko.

“Why don’t you come inside the classroom and introduce yourseld Mr. Hontiveros.?”

“Sure.” Sabi nung lalaki.

Nanlamig ako.

Hontiveros? Magkaparehas sila ni Jo ng apelyido…

Di ko alam kung bakit di ako makatingin sa harapan. Pero hindi ko kaya. Hindi nga ako makakilos eh. Imposible naman siguro na—

“Good morning. Name’s James Joseph Hontiveros—“

James Joseph Hontiveros…

“—I came home from Manila. Matagal na ko dun, ilang taon na rin pero nung nagkaroon na ako ng chance, umuwi na rin ako dito sa Bataan.—“

Galing ng manila

“—Dito ako talaga nakatira bago lumipat ang mga magulang ko sa Manila. Nagtransfer ako sa school niyo kasi una, mukhang maayos naman siya at ang academic values ay maganda. At ang pangalawa naman…”

Tinipon ko na lahat ng lakas na meron ako, at pinilit ang sarili ko na harapin ang taong nasa harapan ng klase.

“…hinahanap ko ang isang taong napakahalaga sa akin at gusto kong bumawi sa kanya dahil sa lahat ng mga ginawa ko’t pagkukulang ko sa kanya at pati na rin sa mga nangyari noon.”

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon