CHAPTER TWO :
Aaaaaaah!! Konti na lang! Yan na... matatapos na rin sa wakas... konti na lang talaga... bilisan mo kasi Lex! Ito na nagmamadali na ako... shit! Aaaaaaaahhh... yan na... yan na... last na to... patay! Lumalabas na sya!
... ummmmmmm... ... ... yan na, yan na, yan naaa...DONE!
Nakita ko si Aira na patakbo na sana palabas, kaso hinarang ko muna sabay abot nung akin...
"Bes, pasa mo na nga rin tong project ko dali. Sabay mo na"
Di na siya nagsalita pa, tumakbo na lang palabas para habulin yung teacher namin sa Mathematics. Nang makabalik na si Aira...
"Grabe bes, akala ko di na ako aabot sa oras kanina!"
"Ounga Bes, akala ko din ako hindi aabot! Buti natapos ko siya agad. Ang hirap din kaya magdesign tsaka maglagay ng mga kung anu-anong pampaganda... "
"Mas mahirap naman mag-cramming bes." Hahaha. Oo nga naman. Parang di lang namin kagagawa nun ngayon ahh?
"Nga pala, salamat sa pagpasa nun."
"Okay lang yun bes." Ay ang bait bait naman nitong si bes.
"Basta 'Oo' ang isasagot mo sa itatanong ko sayo ahh."
"Tanong? Tapos 'Oo' agad? Ano ba yun?" Hala, nacucurious ako!
"Oo ka muna!"
"Ehh?"
"Ge na, tiwala ka lang! Oo ka na dali." Tiwala daw ohh! Eh mahirap kaya magtiwala sa mga taong may sapak! Eh ano tawag sayo?
"Ehh? Baka naman ipahamak mo lang ako nyan sa kung ano mang gagawin mo!"
"Hindi ah! Ano ka ba? Sige na."
"Tao. Tao ako. Wala ng iba."
"Ay hindi obvious. Baka halaman ka bes. Lalabasan ka ng dahon at ugat sa bibig, ilong, mata tsaka tenga! Sige na kasi! Payag ka na! Please na. Sige na. Please? Please? Please? Please? Puuuh-leeeeeeeaaaaassssee?"
"Oo na nga. Oo na. Sanay naman na akong napipilitan recently. And another reason is that I know that you won't stop na kulitin ako hanggang di ako pumapayag na sumama sayo. Ano? Sabihing hindi!"
"Yown! Yun oh."
"Oh, wag naman masyadong pahalata na natuwa!"
"Hehehe. Sige. Sabi mo yan eh. Wag ka mag-alala, pinagpaalam na kita kay Tita para sa lahat lahat."
Pinagpaalam? San?
"Kahit nga kuya mo pummayag eh!"
"Wow ah. Excited ka?"
"Yung totoo? OO. Sobra!" sabay ngiti ng nakakaloka ng bruha. Ganda din nitong si Aira eh. Pero simple lang siya, humble. Kaya nga nagkakasundo kami nito eh. Parehas nga kami ng ayaw eh. Parehas naming ayaw sa mga malalandi at maarteng babae, lalo na yung mga tipong nagmumukhang bakla dahil kung makapag-apply ng make-up, kala mo wala ng bukas! Pagkakapalkapal grabe. But who am I to judge them right? Dun sila maligaya eh kaya hahayaan ko na sila. Wag na lang din nila ako papansinin. Baka masungitan ko lang di oras. Hehehehe.
Speakin of masungit, lagi ako nasasabihan ng mga kaklase ko na masungit daw ako. Kahit yung mga boys nga nasasabi yun saken eh. Okay lang naman sakanila. Sanay na sila. Alam naman din kasi nila na mabait ako. Hehehe.
Ay, kelan kaya yun??
Teka, san nga pala kami pupunta ni Bes Aira at pumayag naman ata agad si Mama? And take note ah, super excited ang bruha? Baka magpapasama sa bago niyang date kasi nahihiya?

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...