CHAPTER EIGHT
Tumayo si Mak tapos hinila si Aira.
“Huy san kayo pupunta?” –Luke
“Laro po tayo Ate Aira dali!”
Nagkibit balikat na lang si Bes.
Inis naman. Manong ako na lang hinila ni Mak. Naiwan pa tuloy ako sa monggoloid na to sa harapan ko.
Kakain na lang ako.
“So…”
So? So ano nga ba?
“Talaga bang tingin mo sakin is mayabang.”
(ubo ubo ubo)
Aray. Ansakit. Nachoke ata ako sa french fries na kinakain ko.
“Okay ka lang?”
Sa palagay mo? Try mo kayang mabilaukan tapos itatanong ko sayo kung okay ka lang afterwards?
Tumango na lang ako. Alang-alang kay Mak-mak, hindi ko to aawayin… masyado.
“Sorry.”
“Say what?” with accent pa yan
Tumingin siya sakin. Bakit ganyan yan makatingin?
Para naman kasing ibang lengwahe yang gamit mo.
Ibang lengwahe naman talaga ahh? English.
Lengwahe ng mga unggoy at alien.
“bat ka nagsosorry?”
“Kasi nagalit ka sakin nung isang araw. Eh, hindi ko naman sinasadya eh. Pasensya na.”
Tango na lang ako. Nakakakonsensya. Wait lang, meron ba ako nun?
“Pwede man lang ba ako magpaliwanag?”
“Luke, luke name mo di ba?”
“Oo.”
“Luke, sa totoo lang, ako dapat mag-sorry kasi alam ko na… yun nga nagsasalita ako ng tapos tungkol sayo tsaka hindi naman kita ganun kakilala para husgahan ka. Kaya sorry na rin. Pero kasi huwag mo sana masamain, pero di ka dapat lumalapit ng basta basta sa mga tao na alam mo naming di ka kilala. Lalo pa kung babae. Siguro sa iba, ganun ka pero iba ako sa kanila. Tandaan mo yun.”
Galing ba yan sa ilong?
Oy, hindi ah. May sincerity yang apology na yan.
“Sorry. Alex diba?”
“Oo.”
“Sorry Alex. Siguro nga medyo napabilis yung moves ko.”
Teka, moves?
Tinitigan ko siya.
“As in literal moves. Kilos, galaw… mga ganun. Di ko naman talaga sinasadya eh. Pero di ako mayabang. Di na. Nagbago na ako.”
0.0
Ano? Di ka makapagsalita ngayon noh?Told you that you shouldn’t judge others by their cover. Di rin sa mga naririnig mo lang na chismis.
Hindi naman chismis yun eh. Galing din kay Michael yun. At pinagkakatiwalaan ko naman kasi si Michael. Di naman marunong manira ng kapwa yun eh. Di ba?
“Alex, kung mamarapatin mo, pwede ba ako humingi ng second chance for friendship?”
Second chance? For friendship? Niloloko ba ako nito?
“Para mapatunayan ko na rin sayo na hindi na ako yung dating Luke na malamang naririnig mo sa ibang mga tao.” Nakatingin lang siya sa may paa niya.

BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Teen FictionPeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...