Chapter Six

14 0 0
                                    

CHAPTER SIX :

Hmm…

Ano ba mas maganda?

Red o blue? Hmm… black na nga lang. Okay na to.

At kinuha ko na yung itim na panyo na nakaayos ng tupi sa may drawer ko.

Tumingin ako sa may orasan sa dingding ng kwarto ko.

Ay! Ang aga aga pa pala! Shete, eh 5:48 am pa lang eh tapos 7:30 pa yung oras ng pasok namin. Di bale, okay na yung maaga kesa naman sa late. Tutal maglalakad pa naman ako.

Bumaba na ako ng kwarto. Nasan na si Mama? Ah, baka nasa kusina.

Pagpasok ko…

“Ma, una na po a—Kuya? Huy! Ano ginagawa mo dyan?”

“Hah?”

Ano naman to?

“San?”

“San pa ba? Syempre dyan sa kusina. Ala nga naman sa banyo? Aano ka sa banyo ng may hawak na sandok tsaka tinidor?”

“Ah, baka magtatanggal ng bara sa lababo gamit ang sandok. Ano ba naman to. Natural nagluluto ako. Halata ba Lex?”

“Medyo…medyo hindi.” Tumingin siya sakin. “Eh pano naman kasi, hindi ka naka-apron eh. Malay ko bang nautusan ka lang ni Mama ng hawakan yang sandok at tinidor na yan buong araw dahil trip lang niya?”

“Oo na. Kaso nakakawala ng pagkalalaki eh.”

“Nako. Hindi rin Kuya. Pogi ka naman at ala namang makakatalo dun!”

“Yan tayo sa mga papuri eh. Ano na namang gusto mo hah?”

“Hahaha.Gusto? Anong gusto? Gusto kaagad? Di naman kuya. Pero now that you asked me about it, bukod sa masarap na pagkain, gusto ko sanang makahingi ng ano eh… kasi yung ano, yung gitara ko… well naputol yung string tapos… pwede ba kuya? kuya. Please?”

“Humihingi ka ng string ng gitara? Oh, almusal mo.” Sabay lagay ng plato sa harapan ko ng maple syrup at pancakes

“Kuya, yoko nito. Yung strawberry syrup na  lang yung iabot mo sakin, plelase. Thanks. Kuya, di kasi ako nakakadaan sa bilihan ng gitara para magtanung ng string. Tsaka alam ko naman na nandyan ka.. Yung magaling at nakapogi kong kuya, Yung henyo sa pagigitara. Eah bat pa naman ako hahanap at babaling sa iba di ba?”

“Talino mo talaga. Grabe. Nakakabilog ng utak. At bat naman sa palagay mo eh papayag ako dun? Kasi?”

“Kasi… gwapo ka??”

“Yun lang, sige. Bigay ko na lang sayo mamaya pag-uwi mo.”

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon