Nagbago ang lahat ng pagkatao ko simula nung makilala ko sya, nawala lahat ng hiya ko sa lahat ng bagay.
Siya si Mariel, si bes kumbaga dahil sya lang ang iisang naging bestfriend ko simula ng maging college na ako.
Nagkakilala kami sa hindi inaasahan ang pagkakaalam ko sa canteen, dahil wala siyang maupuan dahil nga lunch hour nung oras na yun kaya tumabi siya sakin para kumain.
"Kuya ? may kasama ka po ba ? "
"Wa-wa-wala" natatarantang sinabi ni kenneth
"Pwedeng makiupo kasi wala na talaga akong maupuan."
"Si-Sige."
Pinagpapawisan pa ako nung oras na yun ewan ko ba pagdating sa babae mejo natotorpe na talaga ako. Lalo pa sa kanya kay bes maganda, mejo chubby, cute, na sa kanya na ata ang lahat pero nung oras na yun hindi ko pinapahalata na tumitingin ako sa mukha nya pasulyap sulyap lang.
"May problema po ba kuya ? bakit pansin ko kanina ka pa tingin ng tingin sa akin ? "
"May ketchup ka kasi, oh tissue."
"Ay ganun ba sorry huh."
"Btw ! Mariel nga pala."sabay hawak sa kamay ni kenneth
"Ahmm kenneth."
Pabebe pa ako nung araw na yun akala mo talaga, hindi pa rin ako makapaniwala na naging bestfriend ko sya. Kaya heto inihahandog ko ang aming kwento na may kasamang saya, kilig, at lungkot.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...