Maraming pinagdaanang pagsubok sina Kenneth at Mariel sa nagdaang 3rd year college, may saya, hirap, at lungkot pero sa mga pagsubok na yun ay nakaya nilang magtotropa para na rin sa mga grades nila at ang magandang balita ay walang bumagsak sa year na yun.
Kaya ngayon bagong pagsubok na naman ang haharapin nilang magtotropa at kung paano nila haharapin yun at isang taon na lang din ay magtatapos na din sila ng pag-aaral at yun din ang araw na aalis ng bansa si Kenneth. Nagsabay-sabay silang mag-enroll magtotropa para magkablock pa rin sila pagpuntang 4th year.
"Huy mga bes ! 02 pa rin kukunin nating section hah, para tayo tayo pa rin."Sabi ni Claudine sa mga tropa niya.
"Oo naman, lagi naman 02 yung section natin eh, pero sana may slot na ng 02."Sabi ni Daniel
"Si charles ata baka hindi na muna mag-aaral ngayong sem magtatrabaho muna daw siya."Sabi ni Mariel.
"Ah ganun ba sayang naman bakit daw anong dahilan?"Tanong ni Maridel.
"Nawalan daw kasi ng trabaho mama niya kaya ganun na lang, pinahinto muna siya ng mama niya at naghahanap ngayon siya ng pwedeng pasukan na trabaho."Paliwanag ni Mariel sa kanila.
"Ah kaya pala sayang naamn hindi natin siya makakasabay magmartsa."Malungkot na sinabi ni Cammile.
"Oo nga eh pero ganun talaga."Sabi ni Mariel.
"Tara na tignan natin kung may slot na 02."
"Yun yes ! Bukas na yung 02 !" Sigaw ng malakas ni Mark.
Nagsimula pa lang ang klase nila sa 4th year college ay marami na agad silang ginawa na ibang-iba talaga ng mag third year sila na easy go lucky muna sa una pero sa 4th year ay kailangan masipag at laging alisto ka sa mga pinapagawa ng mga prof dahil kapag na late ng pagpasa ay may kaukulang bawas sa grade nila. Sa 4th year ay gagawa na sila ng mga thesis nila at dun na rin sila mag on the job training(OJT). Kaya simula ng mag 4th year sila ay tila ba naging seryoso bigla ang buhay nila na yung dating gumagala sila after ng class ngayon ay minsan na lang pag naisipan nila.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Fiksi RemajaSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...