Chapter 9 (Lakas ng Amats !)

361 8 0
                                    

Kinabukasan niyaya ni Daniel si Kenneth para uminom at para na din mabawasan ang lungkot dahil wala silang klase nung araw na yun,ang mga kasama ni Kenneth uminom ay sina  Daniel, Mark, Jolo, Dave, at Justin. Sila sila ang mga kaibigan ni Kenneth na ka block section nya rin.

Umorder sila ng tatlong bucket ng red horse at dalawang plate ng sisig para sa pulutan.

"Pare magpapakalasing tayo buong magdamag ! " Sigaw na sinabi ni Dave

"Oo at para mabawasan naman ng lungkot ang tropa nating si Kenneth para sa bes nya daw, ahaahahah ! " sabi naman ni Jolo

"Hahaha hayaan natin sila Kenneth walang forever ano ka ba? " Sinabi naman ni Justin.

"Thank you mga pare sa mga magagandang advice nyo hah ! Tara na nga umpisahan na natin ito ! " Sigaw na sinabi ni Kenneth

Alastres sila nagsimula uminom natapos naman sila ng alas-dose na ng gabi, inubos nila ang tatlong bucket ng red horse at halos lahat sila ay lasing na lasing nakulang na lamang ay humiga sila sa sahig. At kanya kanya silang nagdrama tungkol sa love.

"Pare ganun ba sila kaganda para maging tanga tayo sa kanila ? tignan mo naman hindi na siya nagtetext ngayon? Ang kapal ng mukha." Pasigaw na sinabi ito ni Mark

"Alam mo pare ganun talaga babae yan eh. Asahan mo ng mga pabebe yan, gusto kasi nila sinusuyo talaga at yung sincer ka sa kanya hindi yung gusto mo lang makipagbati kundi gusto mo siyang mag stay lang at manatili pa din kayo." Sabi ni Kenneth.

"Eh ikaw ba Kenneth kamusta na ba kayo ng bes mo ? " patawa tawang sinabi ito ni mark

"Yun siguro ngayon naglalampungan na yun hahaha! " Pasigaw na sinabi ito ni dave

"Bawiin mo sinabi mo! Alam mo kanina pa ako nagtitimpi sayo Dave kanina ka pa pag si Mariel pinag-uusapan ganyan lumalabas sa bunganga mo!" pagalit ito na sinabi ni Kenneth kay Dave

"Bakit hindi ba totoo yun ? Tangina mo kasi umaasa ka pa rin sa kanya."

"Hindi ako umaasa Dave ang sakin lang napamahal na ako sa kanya, pero may mahal na siyang iba mali ba yun?"

"Ganun na rin yun."

"Tama na nga yan ! Baka magkasapakan pa kayo eh, tara na umuwi na tayo." Sabi ni Jolo

Pagkauwe nila naisipang tawagan ni Kenneth si Mariel at pinapalabas ito ng bahay para kausapin nya ito.

"Bes ano ba yun? Anong oras na oh ano bang sasabihin mo?" tanong ni Mariel kay Kenneth

"Bes, may pagtatapat sana ako sayo."

"Ano naman yun? At bakit amoy alak ka ?"

"Ah uminom kasi kami bes ng mga tropa ko."

"Kailan ka pa natutong uminom bes ? At anong oras na oh "

"Bes mahal ............"

Nang pagkasabi ni Kenneth ng salitang yun ay bigla na lamang siyang bumagsak at agad naman itong sinalo ni Mariel, at tinawag ang mama niya para alalayan siya na patulugin muna si Kenneth sa bahay nila at dun muna magpalipas at para mahimasmasan. 

"Ano ka ba naman kasi Kenneth bakit naglalasing ka ? Wala ka naman problema ?" Kinakausap nya si Kenneth habang ito ay tulog.

"Anak anong oras ka matutulog ? "

"Ma punasan ko lang po basang bimpo to si Kenneth para kahit papaano mahimasmasan."

"Sige wag kang magpupuyat hah, hayaan mo na yan si Kenneth bukas okay na yan."

Habang pinupunasan nya ito ng basang bimpo ay mejo nagising gising si Kenneth at hinawakan ang kamay ni Mariel.

"Bes, thank you hah paano na lang kung wala ka? Paano na lang kung hindi tayo naging magkaibigan? Paano na lang kung hindi kita nakilala siguro hindi ako magkakaganto."

"Ano ba kasing dahilan mo at bakit ka uminom?"

"Wag munang tanungin bes malalaman mo rin yun, halika nga dito yakapin mo ko ang ganda ganda mo bes, subukan ka lang saktan ni Charles ako makakaharap niya." Sabay yakap sa kanya ng mahigpit ni Mariel.

"Bes nandito lang ako palagi sayo hindi kita iiwan."pabulong na sinabi ito ni Mariel.

Sabay tulog ulit ni Kenneth. Nang kinaumagahan ginising agad ng mama ni Mariel si Kenneth para maghanda para pumasok sya, pero pinakain muna sya ng almusal at may tinanong sa kanya.

"Kenneth kumain ka muna ng almusal para kahit papaano may laman yan tiyan mo."

"Thank you po tita ! The best ka po talaga."

"Wala yun, nasaan na nga pala mama mo Kenneth?"

"Ah si mama po yun bumalik po ulit sa abroad sa kuwait po para daw po may pang tuition ako at yung isang kapatid ko po pinatira niya sa papa ko diba nga po broken family kami para hati daw po sila, si mama po ang magpapaaral sakin tapos sa isang kapatid ko naman po ay si papa."

"Ah ganun ba, basta next time wag ka na ulit iinom hah parang ako nangangamba sayo eh parang anak na din kita dahil sa bestfriend mo ang anak ko, maliwanag ba yun Kenneth?"

"Opo maliwanag po hindi na po, sige po tita uwe na po ako para makahanda na rin po ako."

"Sige na, mag-ingat ka magpaalam ka muna kay Mariel."

"Sige po."

"Bes ! Bes ! huy gising ! uuwi na ako hah para makahanda na rin ako papasok na ako." Sabay halik sa noo nito.







Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon