Makalipas ang isang buwan natapos na ang therapy ni Kenneth batid niya na nagbago siya, nagbago ang pananalita niya na dating pautal-utal ngayon ay ayos na, at dating mga ala-ala niya ay bumalik na pero minsan ay sumasakit pa rin ang ulo niya, at may mga konting ala-ala pa rin siya naman na hindi pa niya maalala.
Hindi munang lumabas ng bahay si Kenneth ng isang linggo sinusuri niya pa rin kung sumasakit pa ang ulo niya at kung kailan ito sasakit, makalipas ang isang linggo ay balak niyang magpuntang tagaytay kasama si Mariel agad naman na pumayag ang Mama ni Kenneth.
(Knock...Knock......Knock....)
"Bes ? Nandiyan ka ba ? "Sigaw na tanong ni Kenneth.
"Wait bes ikaw ba talaga yan ? Bakit hindi mo naman sinabi na nakabalik ka na ?"
"Dapat nga alam mo yun eh kasi bestfriend kita, nandun lang ako sa bahay."
"Ay sorry bes kasi masyado akong busy sa trabaho ko andami kasing problema eh."
"Bes may sasabihin lang sana ako."Sabi ni Kenneth.
"Ano yun bes ? Infairness bes hindi ka na pautal-utal hah."
"Oo bes aayain sana kita magpuntang tagaytay kung okay lang ?"
"Kailan ba bes ?"Tanong ni Mariel.
"Ikaw kung kailan ka free sabihin mo lang punta kang bahay."
"SIge tignan ko sched ko, namiss kita ng sobra bes ! Payakap nga ako."
"Ako hindi miss na miss na miss kita, at mahal kita."
"I miss you very much ! Mahal din kita."Sabi ni Mariel.
Papalapit ng papalapit ang kanilang mga labi pero nahinto na naman ng tawagin si Mariel ng Mama niya.
"Sige na tawag na ako puntahan na lang kita sa inyo."
"Sige ! "
Pinayagan na sumama si Mariel kay Kenneth papuntang Tagaytay at sabado sila umalis dahil dun lang ang walang pasok ni Mariel.
Dahil wala silang sasakyan ay nag grab car sila papunta sa Tagaytay dahil may pera naman silang dalawa, pagkapunta nila dun ay sinulit nila ang bawat isa, sinulit nila na sila lang dalawa kaya ganun na lamang sila magmahalan. Nagpunta silang peoples park in the sky dahil sobrang lamig dun ay magdamag naman na uupo silang dalawa ay nakayakap si Mariel kay Kenneth.
"Grabe noh ang ganda dito, parang langit at sobrang lamig pa."Sabi ni Mariel.
"Oo nga eh, mabuti na nga lang tagaytay lang ang malamig hindi tayo."
"Tsss enebe mainit kasi ganun kita kamahal hindi ka nga nilalamig kasi ako lagi yumayakap sayo, ako naman yakapin mo."
"Hmm oh sige walang problema, grabe wala pa rin pagbabago pag niyayakap kita kinikilig pa rin ako, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko na kahit na hindi kita naalala dati sinisigaw ka naman ng puso ko. Mariel.. Mariel...Mariel..."
"Hahaha ikaw rin naman eh kahit na kami ni Charles nun hindi mo ako binalewala, nananatili ka pa rin sa gilid ko pero ngayon na dating kaibigan lang kita ngayon, mahal na."
"Mahal na mahal kita Mariel !"Sigaw ng malakas ni Kenneth, sabay halik sa noo ni Mariel.
"Mahal na mahal din kita Kenneth!" Sigaw naman ni Mariel.
"Bes pa ba ang itatawag ko sayo?"Tanong ni Kenneth.
"Ikaw kung anong gusto mo kasi hindi naman callsign ang basihan para malaman na mahal mo ang isang tao, basta nararamadam mo ito."
"Mahal ? Babe ? Loves ? ang pangit kasi pag bes baka sabihin nila magkaibigan pa rin tayo."Sabi ni Kenneth.
"Hayaan muna kahit pangalan na lang natin, hindi naman pinagbabasehan yun, hindi naman pampatagal ng relasyon yun ang mahalaga ay tiwala at respeto sa isa't isa at magmahalan lang tayo yun lang."
"Sige po Mariel, my loves."
"Sige rin po Kenneth my loves."
Pagkatapos nila pumunta sa peoples park in the sky nag horse back riding naman sila at pagkatapos nun ay zipline.
Wala ng mas sasaya pa sa araw na yun sa dalawang nag-iibigan batid natin na magkaibigan sila ng umpisa pero siguro sila nga ang tinadhana dahil may mga ganun naman saktan ka man ng nakaraan ang tadhana ang gagawa ng paraan para kayo'y pagtagpuin.
Nagmahal, nasaktan, naging magkaibigan, nagmahal ulit pero hindi na sasaktan pa.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...