Chapter 20 (Selos si Bes.)

235 7 0
                                    

Sa araw-araw magkasama nina Claudine at Kenneth nakasanayan na nilang sila ang magkasama tila ba nakalimutan na ni Kenneth si Mariel nang magka marketing plan sila at isa pa roon ay naging successful ang marketing plan nila kaya ay nilibre ni Kenneth si Claudine sa isang fast food restaurant ng kung anong gusto ni Mariel.

Pansin din ng mga tropa nila na sa araw-araw na kakain sila ng lunch ay laging magkatabi sina Kenneth at Mariel tuwing kumakain sila at sila na ang magkavibes na ngayon, kaya si Mariel ay nagtatampo na kay Kenneth dahil sa hindi na silang masyadong nakakapag-usap at nakakapagsama. Kaya ng sabado na wala silang pasok ay pinuntahan ni Mariel si Kenneth sa kanila para kausapin siya tungkol sa kanila ni Claudine.

(Knock..Knock...)

"Bes ? Bes ? Nandiyan ka ba?"Sigaw ni Mariel.

"Bes ? Ano yun ?"

"Wala lang pwede bang pumasok?"

"Oo naman, pasok ka."Sabi ni Kenneth, at pasok sa bahay nila.

Nang makapasok na si Mariel sa bahay nila Kenneth agad tinanong ni Mariel ang tungkol sa kanila ni Claudine.

"Bes kamusta na kayo ni Claudine?"

"Wala bes okay lang naman, bakit mo naman natanong?"

"Wala bes, pansin ko kasi na mejo close na kayo, eh dati naman hindi kayo nagpapansinan."Sabi ni Mariel kay Kenneth.

"Bes ? Patingin ng mukha nagseselos ka noh ?" Lumapit sa mukha ni Mariel at pinisil ang pisngi niya.

"Hah ? Bes ako magseselos ? Wow naman bes, ako lang naman itong bestfriend mo ng 1st year college pa at laging nasa tabi mo kapag may problema ka at pag wala kang sagot kumokopya ka sa akin, ako lang naman ito ang dating bestfriend mo na ang bes ko ngayon ay may bago na palang bes ngayon."

"Bes totoo ba yan ? Bes hindi naamn kita pinagpalit kay Claudine eh."

"Hindi pinagpalt pero halos araw-araw magkasama kayo kulang na nga lang mag live-in partner na kayo."

"Grabe ka naman bes mag-isip bawal ba ako makipagkaibigan ng iba? Halika nga dito kulang ka lang ng lambing kay Charles eh."Sabay yakap kay Mariel.

"Hindi bitawan mo ko bes, pinagpapalit muna ako."Birong sinabi ni Mariel.

"Ano bang gagawin ko para patawarin ako ng bestfriend kong maganda ?"

"Kasi bes mejo nagugutom na ako eh, pagluto mo naman ako ng paborito nating ulam."

"Wait bes, sinigang na baboy yan?"

"Hah ? Bestfriend ba kita ? Bakit hindi mo alam yun?"

"Sorry hah nakalimutan ko na kasi eh."

"Diba ? Kinalimutan mo na talaga ako."

"Joke lang, ang hindi ko lang naman makakalimutan sa buhay ko ang mga nagmamahal sa akin at mga mahal ko sa buhay eh nandun ka, kaya hindi kita makakalimutan. Chicken curry bes? tama ba?"

"Okay tama mabuti naman, akala ko nakalimutan mo na ako eh."

"Oh sige kaya hintayin mo ko dito at bibili ako ng mga kakailanganin para maluto ang chicken curry okay ? Manuod ka muna ng TV diyan at ayokng mapagod ang bes ko eh, baka biglang magkapimples hahaaha !" Birong sabi ni Kenneth.

Bumili si Kenneth ng mga ingredients sa Chicken curry at niluto niya na ito at kumaen na sila at ano pa nga ba nagbonding na naman sila, para naman daw makabawi kay Claudine.

"Ano bes ? Okay ba luto ko ?"Tanong ni Kenneth

"Bes nako, nakalimutan ko na ata pangalan ko."

"Anong pangalan ko bes?"

"Charles ? Hahah joke lang, masarap bes walang panama yung mga professional chef sayo charot!"Birong sinabi ito ni Mariel.

"Thank you bes, eh baka bestfriend mo ito poging chef."

"Ay ganun wait lang kukuha lang ako ng karayom dito bes, putukin natin ang laki na eh hahaha charot!"

"Wag mong ubusin lahat hah, ulam ko pa mamayang gabi yan bes, ikaw pa naman pag kumaen akala mo wala ng bukas, pero infairness bes mejo nag slim na katawan mo yan ba dulot ng inlove?"

"Bes minsan kasi hindi na ako kumakaen ng kanin sa gabi, kaya ganun at puro fruits na ako at vegetables oh panis ka na naman bes yung dating chubby ngayon sexy na hahah charot!"Birong sinabi ni Mariel.

"Okay ikaw na ang sexy."

"Huy si bes si mama nagtetext na sige na bes uwi na ako, thank you ulit."Sabay beso kay Kenneth.

"Sige lang bes mag-ingat ka pauwe."


Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon