Chapter 17 (Good Decision)

229 7 2
                                    

Nagising na si Kenneth at naiwanan niyang bukas yung laptop niya at hindi na siya nakapagreply sa mama niya sa labis na pagiisip, nagmadali na lang siya dahil malelate na siya sa school.

Nang pagpasok niya ng school napansin ni Mariel na tila balisa si Kenneth, minsan tulala na lang at malalim ang iniisip kaya naisipan niya itong lapitan at kausapin.

"Huy bes ! Bakit parang tulala ka diyan at kanina mo pa tinitignan yang semento siguro nga baka pag babae yang semento kiligin na yan sayo, joke lang ano ba nangyayari sayo?"Birong sinabi ni Mariel

"Wala bes, wala ito."malungkot na sinabi ni Kenneth.

"Bes naman ang tagal tagal na nating magkaibigan ngayon ka pa magdadamot ng problema mo."

"Wala nga ito bes."

"Ano nga sige na sabihin mo na."Sabay tapik ng tapik sa balikat ni Kenneth

"Aalis ako."Sabay lingon ni Kenneth kay Mariel

"Saan ka naman pupunta bes ?"Tanong ni Mariel

"Sa kuwait, pagtapos ko daw mag-aral gusto akong pagtrabahuhin ni Mama dun malaki daw sahod at may asawa na siyang hapon dun kaya ganun na lang."

"Ah ganun ba bes, edi iiwan mo kame kapag nakatapos na tayo ng pag-aaral, iiwan mo na yung besfriend mo simula ng 1st year college, iiwan mo na yung lagi mong kasama pag may problema ka, iiwan mo na yung mahalagang tao sa buhay mo maliban sa Mama mo."Sabi ni Mariel

"Bes ang hirap inisip kita, inisip ko sila Mark inisip ko sila Cammile, ako rin bes hirap na hirap sa desisyon na yun ayoko man na gawin pero bes si Mama yun higit pa dun ang pagmamahal ko sa kanya kaya napagplanuhan ko na sumama na lang sa kanya dun na lang ako magtabaho tutal malaki din naman sahod dun." Mangiyak ngiyak na sinabi ito ni Kenneth kay Mariel.

"Bes okay lang, career mo yan bes pagtapos natin may mga kanya kanya na naman tayong mga buhay kaya okay lang basta bes ako pa rin ang mananatiling bestfriend mo okay. "Sabay yakap kay Kenneth.

"Bes kahit saan man ako mapunta hinding hindi kita makakalimutan yung katulad mo na walang arte, laging nandiyan, at pinakamaganda kong bestfriend sa buhay ko."

"Thank you bes ! Ikaw naman ang pinakagwapong bestfried sa buong mundo na kahit marami akong makilala ikaw pa rin ang pangalawang lalaki na nakilala ko sa buhay ko na lagi rin nandiyan pag ma problema ako at laging nandiyan kapag kinikilig ako kay Charles."Sabi ni Mariel 

"Tara na pumasok na tayo nandun na yung mga tropa natin."Sabi ni Kenneth kay Mariel.

Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon