Halos araw-araw silang nagkikita ni Kenneth tuwing pag-uwi ni Mariel galing ng trabaho niya ay dinadalaw hindi niya nakakalimutan si Kenneth. Kaya minsan ay nagseselos na si Charles kay Kenneth, dahil magkaiba ang oras ng uwi nila si Charles ay gabi ang pasok si Mariel naman ay pang umaga kaya ganun na lang minsanan nalang din sila magtext o magchat, kaya medjo nanlalamig ang relasyon nila ngayon hindi tulad ng dati.
Ngayon ay 1 year and 2 months na sila nung monthsary nila ay kumaen sila sa labas at napag-usapan si Kenneth na tila ba pinagseselosan niya ang bestfriend niya.
"Kain na tayo, ay btw kamusta na yung bestfriend mo?"Tanong ni Charles.
"Okay naman siya mabuti nga at medjo nakakarecover na siya."
"Buti pa siya noh? Ako itong boyfriend mo, natuwing weekend lang nagkikita tapos pag nagkikita naman tayo parang hindi ka na sanay na makasama ako. Tanungin nga kita sawa ka na ba ?"
"Plss Charles, bestfriend ko yun at alam mo yung sakit nun kailangan maalala niya ako bilang bestfriend ulit."
"Bakit Mariel ? Inalala mo ba ako nung panahon na nag-iisa ako?"
"Charles, lagi kitang tinetext at chinachat sa tuwing tinetext naman kita offline ka naman hindi tayo magtugma ng oras dahil sa mga trabaho natin."
"Oh ako mag-aadjust ? Pls Mariel, lagi na lang akong nag-aadjust sayo."Pasigaw na sinabi ni Charles kay Mariel.
"Charles anong nangyayari sayo ? Hindi ka naman ganyan dati hah ?"
"Bakit ako ganto ? Dahil yan sa putangina mong bestfriend !" Sigaw ni Charles.
Sinampal ni Mariel si Charles ng malakas kaya nagtinginan ang mga tao sa kanila, kasabay nun ay umalis na agad siya hindi na lamang siya nagsalita at umuwi na ng bahay nilang luhaan. Nagulat ang Mama ni Mariel na umiiyak pauwi ang anak niya.
"Anak bakit umiiyak ka ?"Tanong ng Mama niya.
"Wala po ma."
"Dahil ba yan sa boyfriend mo ?"
"Ma kasi nagseselos siya kay Kenneth, inexplain ko naman po kung anong meron kay Kenneth atsaka ma hindi tugma lagi ang oras namin kaya weekend na lang talaga kami nagkikita. Pero ang ayoko ma minura niya si Kenneth."Umiiyak siya habang sinasabi ito.
"Ang kapal ng mukha na mamura-mura si Kenneth, kakausapin ka yang Charles na yan ng malaman niya ang hinahanap niya."Galit na sinabi ng Mama ni Mariel.
Kinabukasan pumasok si Mariel sa trabaho niya na maga ang mata, napansin ito ng ka officemate niya kaya tinanong siya nito.
"Huy beb, anong nangyari sayo bakit maga yang mata mo?"Tanong ni Shasha
"Wala ito beb, kinagat lang ng ipis kagabi nabuwiset nga ako eh, letcheng ipis yun ang lakas makapagmura."
"Beb ? Ipis nagmumura kailan pa ? Sino ngayon beb ? Sabihin mo na ano parang bago lang wala na ba kayo ni Papa Charles ?"Tanong ni Shasha.
"Anong wala kami pa, pero ang kapal ng mukha niya na murahin si Kenneth yung bestfriend ko nagseselos kasi, eh alam mo naman si Kenneth naaksidente yun bigla akong nakalimutan kaya ganun na lang ang bonding naming dalawa, at hindi kasi kami magkatugma ng oras ni Charles eh kaya lagi kong kasama pag-uwi ko si Kenneth."
"Alam mo kung ako si Charles magseselos din ako, kasi tignan mo kahit saan natin tignan mali ka beb kasi kahit ako magseselos sa inyo ni Kenneth eh. Para kung mag break man kayo nandito ako para kay Papa Charles."
"Wow beb ang harot mo dun hah, kasi alam niya naman yun na bestfriend ko lang yun si Kenneth wala, nung college pa naman na kilala niya na yun."Paliwanag ni Mariel.
"Naku bahala ka, balik na nga tayo sa trabaho baka makita pa tayo ni mam."Sabi ni Shasha.
Pagkauwe niya hindi niya muna binisita si Kenneth, dahil baka malaman niya na umiyak siya dahil kay Charles ayaw niyang mangamba ang bestfriend niya tungkol sa kanilang dalawa ni Charles.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...