Chapter 14 (Kenneth vs. Charles)

246 10 4
                                    

Nang araw na yun halos buong araw silang nagsaya ginawa nila lahat kumanta, kumaen ng marami at siyempre nagtawanan at ng sumapit ang gabi dun na nagsimula ang inuman, emperador lights ang inininom nila at chaser nila ay ice tea.

Nakapa-ikot sila at ang katapat ni Kenneth ay sina Mariel at Charles na nakikita niyang naglalampungan na kahit ang sakit sakit sa piling niya tinatanggap niya na lang dahil wala naman siyang panama kay Charles dahil siya naman talaga ang legal na gumawa sa kanya ng ganun at hindi siya, dahil nga bes lang siya.

Nagdaan ang alas dose ng gabi naka dalawang empi na sila sina Claudine at Maridel ay nagsi-uwian na si Cammile na lamang ang natitirang kaibigang babae na natira dun sa inuman dahil balita ko si Cammile ay bihasa sa pag-inom ng alak at hindi mo ito agad agad mapapabagsak. Pero ng gabing yun mukhang mejo bumabagasak na si Cammile dahil na rin sa rami ng nainom niyang alak.

"Bessy Camms ? ikaw na nahihilo ka na ba ? kanina ko pa sayo ito inaabot hahaaha wag kang susuka hah."Sabi ni Mariel kay Cammile

"Nako Cammile akala ko ba matibay ka sa inuman ? Pinapahiya mo naman ako, ako pa naman ang tanggero dito." sabi naman ni Charles

"Cammile ? okay ka lang ba ? ah bes pwede ako na lang uminom sa alak niya baka kasi hindi na ito makauwe eh."

"Kenneth hayaan mo siya gusto niya naman yan eh diba nga sabi niya kanina gusto niyang magpakalasing dahil nga kakabreak lang nila ng jowa niya hahah ! " Malakas na sabi naman ito ni Charles

"Charles pls, nandun na nga tayo pero babae pa rin siya, paano na lang mamaya pag-uwi nya kung anong mangyari sa kanya at ako na lang pala maghahatid sa bahay niyan."

"Bakit ba kasi nangingielam ka dito Kenneth ? Sino ka ba ? Alam ko bestfriend ka nitong girlfriend ko, may gusto ka ba kay Cammile sabihin mo lang baka molestiyahin mo lang siya mamaya."

"Ano ka ba Charles ! Hindi kita kilalang ganyan ! Charles ano itong pinagsasabi mo si Kenneth yan at kilalang kilala ko yan marespeto at may galang lang siya pagdating sa mga babae ikaw lang ang nag-iisip niyan Charles ! " Galit na sinabi ito ni Mariel at sampal kay Charles.

"Sorry na lasing lang babe, nakarami na kasi eh sige na babe sorry na, neth sorry sa mga words ko." sabay yakap kay Mariel kahit binibitawan siya nito.

"Okay lang alam ko naman na lasing ka lang kaya mo nasasabi yan."

Habang nagbabangayan sila hindi nila napansin na nakatulog na pala si Cammile, at dun na lang pinatulog ni Mariel si Cammile dun sa kwarto niya at tabi silang matulog kaya sinamahan niya na ito para maalalayan.

"Saan ba nakatira yan si Cammile ?  Baka hanapin yan ng nanay niya hah wala ako diyan." Birong sabi ng Mama ni Mariel

"Magtabi kayo hah at yung mga lalaki pauwiin mo yan mga yan baka dito pa makitulog yan pag-uuntugin ko yan." sabi ng Mama ni Mariel.

Nang sumapit ang ala una ng madaling araw tatlo na lang sila kahit ganun ay tuloy pa rin ang pag-inom nila pero konti na lang ang empi at ang last shot ay si Kenneth na, pero tumanggi na siya dahil hindi niya na talaga kaya pero sa pagtanggi ni Kenneth ay uminit na naman ang ulo ni Charles at ang naisipang ikagalit kay Kenneth ay ang pagiging close nila ni Mariel.

"Kenneth last na ito oh, ang arte mo naman akala mo ang pogi mo."

"Pare personal na yan hah, hindi naman ako ganun ka pogi eh pero kung lalaitin mo ako ng ganyan ang sama mo naman dun pre, hindi porket gwapo ka at pinagpala sa lahat pwede ka ng manglait ng iba."

"Kaya nga salamat kay Lord at binigyan ako ng ganitong kagwapuhan, tangkad at tangos ng ilong. Kasi ni isa niyan sampung taong ligo pa bago mo makamit o inumin mo na ito wag kang maarte para hindi kita laiitin."sabay apir sa bestfriend niyang si Justin

"Pag ininom ko ba yan mananahimik ka na ?Pls lang hah pati pagkatao ko inaapakan mo na eh."

"Bakit ? Hindi mo ba inapakan pagkatao ko sa tuwing nakikita ko kayong dalawa ni Mariel na magkayakap sabay umuwi at nagbebeso, ako yung boyfriend niya at dapat ako lahat gumagawa nun hindi ikaw isa ka lamang hamak na kaibigan "bes" Hhahahahah! "Sabay apir ulit kay Justin at lakas ng tawa.

Hindi na lamang nakaimik si Kenneth at biglang bumukas ang pinto sa kwarto ng Mama ni Mariel.

Sa ingay nila ay nagising si ang Mama ni Mariel at pinagsabihan sila at pinauwe na dahil madaling araw na raw at baka pagalitan na sila.

"Sige po tita uwi na po kame ! Pasabi na lang po kay Bes Mariel na umuwi na kami."sabi ni Kenneth sa Mama ni Mariel.

"Sige po Mommy alis na po kami ! " biro naman itong sinabi ni Charles sa Mama ni Mariel.






Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon