Chapter 11 (Sila na ?)

261 10 0
                                    

Matapos ang araw na yun ng labis na kasawian ni Kenneth ang araw na super third wheel siya, hindi niya na lamang inisip yun dahil para na rin sa bestfriend niya, at para na rin makauwi ng ligtas kaya na lamang niya hinintay si Mariel. Gabi-gabi naman nagskype sila ng mama niya para na rin mangamusta kung ano na nga bang nangyayari dito sa pinas ni Kenneth at kung anong balita sa kanya.

Sa kapatid niyang si Kim wala siyang balita dahil hindi nagtetext sa kanya at lagi raw offline sa fb kaya hindi ito masabi ni Kenneth sa mama niya ang sinasabi na lang niya ay okay lang daw kahit hindi niya alam kung ano ng nangyari sa kapatid niya.

Nang pagpasok niyang school hindi niya alam kung anong nangyayari tila ba may pinaghahandaan si Charles may hawak siyang bouquet of flowers at may hawak na tsokolate.

"Aba, siguro papasagutin niya na ang bestfriend ko."

"Kenneth ! hawakan mo tong cellphone ko, click mo yung video button tapos videohan mo kami hah, maayos pare sige na para sa bestfriend mo thank you par ! "

"Oh sige nandito na naman ako."

Habang hawak niya ang cellphone ni Charles magkakasama sina Mark, Dave, at Jolo at pinag-usapan si Kenneth.

"Pare tignan mo oh, si Kenneth yung nagvivideo hahaha!" sabi ni Dave 

"Oo nga no, sinasaktan niya ba sarili niya hahaha !"sabi naman ni Mark

"Pare hayaan mo na siguro napilitan lang ni Charles yan, tignan na lang natin kung anong mangyayari."

Pagdating ni Mariel sa school, isa-isang may nag-abot sa kanya ng mga red roses at yun naman ay kinatuwa ni Mariel na habang tinatanggap niya ang mga red roses ay labis na ngiti sa kanyang mga mata at tinatanong kung saan ito galing.

"Saan ba ito galing ? Bakit ayaw nyong magsalita ? " 

Nang makita niya si Charles sa likod ng puno at may hawak na bouquet of flowers ay kinilig na ito.

"Mariel, flowers for you."

"Charlesles naman lagi mo na lang ako sinusorpresa."

"Sasagutin mo na ba ako Mariel ?" Sabay sigaw ng mga nakapaligid sa kanilang estudyante

"Sasagot na yan ! sasagot na yan ! "

"Oh sige na, tayo na. I Love You ! "

"I love you din Mariel! " Sabay yakap sa kanya.

Habang magkayakap sila ni Charles si Kenneth naman ay supportive bestfriend kahit na sa loob loob ay nasasaktan ito kinukuhanan pa ng magandang angulo sa video silang dalawa, pero sa kabilang banda naman na sina Mark, Dave, at Jolo ay pinag-uusapan sina Mariel at Kenneth.

"Pare ! Ang sakit nun para kay Kenneth hahaha ! "sabi ni dave

"Oo nga ehh yan oh patuloy pa rin siya magvideo, nako mamaya yan mag-aaya na naman mag-inom yan hahaha ! " sabi ni Jolo

"Nako kailangan mamaya pare dadamayan natin ang tropa natin kawawa naman eh."






Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon