Chapter 30 (The lost memory)

210 9 3
                                    

Umabot na ng isang buwan, pero hindi pa rin gumigising si Kenneth pero ng araw na yun biglang gumalaw ang kamay ni Kenneth, at batid ng doctor na gigising na si Kenneth. Sa wakas dumilat na si Kenneth pero parang gulong gulo siya sa mga nangyayari ang kilala niya lang ay ang Mama at Papa niya pero si Mariel ay hindi niya maalala.

"Ma ? Pa ? Si-si-si-sino sila ?"Nanghihinang tanong ni Kenneth.

"Kenneth mabuti at okay ka na."Sabay yakap sa kanya ng Mama niya.

"Kenneth hindi mo ba sila natatandaan si Mariel yung bestfriend mo."Sabi ng Papa ni Kenneth.

"Pa hi-hindi eh, sino ba yung Mariel na yun parang wa-wala naman akong kilalang ganun."Sabi ni Kenneth."

"Doc bakit ganun siya magsalita ?"Tanong ng Mama ni Kenneth.

"Ay sir and ms sorry nakalimutan ko pong sabihin na naapektuhan din po pala ang frontal lobe ni Kenneth, pero hindi naman ganun kalakas ang damage, may mga salitang hirap lang siyang banggitin yung frontal lobe po pala ay sakop yun ng pagsasalita, pagsulat, paggalaw ng katawan at hirap magdesisyon, kaya po mam and sir kailangan ni Kenneth ng aruga nyo at pati na rin ang mga kaibigan nya."Sabi ng doctor.

Habang nag-uusap sila umalis muna si Mariel, at umiyak sa labas ng hospital at dumiretso sa simbahan at iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kenneth at hindi siya maalala pati rin ang Mama niya, nagdasal siya sa Panginoon na sana'y gumaling si Kenneth.

"Panginoon, sana po pagalingin nyo po ang bestfriend ko ayoko pong makitang nahihirapan siya ayoko pong madama na nakakalimutan niya ang mga ala-ala niya. Panginoon tulungan niyo po siya pati na rin ang magulang niya na alagaan si Kenneth. Nagsusumamo po ako Panginoon bigay niyo na po ang mga problemang darating kay Kenneth pati na rin sa pamilya niya sa akin ayoko pong nakikitang nagkakaganun sila, kahit ako na lang po ang parusahan niyo mahal na mahal ko po ang bestfriend ko Panginoon ikaw na pong bahala sa kanya."Habang nagdadasal siya ay iyak siya ng iyak.

Pagkatapos niyang magdasal ay dumiretso siya kay Kenneth at nagpakilala siya bilang bestfriend niya.

"Kenneth, hi ako yung bestfriend mo hindi mo ba ako naalala?"Tanong ni Mariel.

"Wa-wa-wala akong ma-ma-maalalang Ma-mariel, baka ma-masamang ta-tao ka."Sabi ni Kenneth.

"Bes ang tawagan natin nun diba ? Ako yun si Mariel ang bestfriend mo at hindi ako masamang tao, masisimula tayo muli okay ayokong kalimutan mo lang ako ng ganun ganun lang."

"Hi-hi-hindi ko a-a-alam pi-pi-pinagsasabi mo, u-u-umalis ka dito."Sabay tulak palayo kay Mariel.

"Mariel hayaan mo muna, makikilala ka rin niya hindi ba sabi ng doctor na may mga ala-ala siyang mga nawala dahil nga sa damage sa part ng utak niya, umupo ka muna dito ako na lang muna diyan."Sabi ng Mama ni Kenneth.

"Hindi tita eh, tita ayoko pong nahihirapan bestfriend ko at tita ang sakit pala noh pag yung sariling bestfriend ko nakalimutan na ako, tita mas masakin pa ito sa heartbreak."Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Mariel at yakap sa Mama ni Kenneth.

"Pagsubok lang lahat ito Mariel, at lalong wag kang mawawalan ng pag-asa ito ang magpapatatag ng pagkakaibigan nyo ng anak ko at alam ko na napakabait mo kaya hindi magdadamot sayo ang Panginoon."Sabay yakap kay Mariel.

"Anak tara na at anong oras na may pasok ka pa."Sabi ng Mama ni Mariel.

"Sige po tita mauna na po kami, anong oras na po pala."

"Sige mare una na kami."

"Sige mag-ingat kayo hah."

"Babalik po ulit kami dito tita."

"Sige lang pero baka next week makalabas na siya ng ospital."

Araw-araw pinupuntahan ni Mariel si Kenneth sa Delos Santos Hospital. Naniniwala siya na kapag araw-araw siyang nakikita ni Kenneth ay maalala siya nito pero hindi parang laging unang araw lagi nilang magkita hindi sila magkasundo ni Kenneth. Pero nung araw na yun ay si Mariel lang nagbabantay mag-isa, habang tulog si Kenneth kinukwentuhan ni Mariel ito ng mga magagandang ala-ala nila dati.

"Alam mo Kenneth hindi ko alam hah, nung unang kita ko sayo sa canteen grabe di kapa masyadong gwapo nun pero ngayon grabe ang kinis muna dati may mga ilang pimples ka pa nun pero iba ka na at lalo kang bumait sa totoo lang may gusto ako sayo nun, pero parang mas maganda na magkaibigan tayo yun nga nagbunga, naging mag bestfriend tayo at apat na taon na tignan mo ang tagal na natin, tapos ngayon kinakalimutan mo na ako nako bes ayoko ng ganyan."Sabi ni Mariel sa tulog na Kenneth.

Habang kinakausap ni Mariel si Kenneth, bigla naman dumating ang mga tropa nila nagulat na lamang siya na bigla silang bumisita kay Kenneth at yun din ang dahilan kung bakit nagising si Kenneth. Nagulat si Kenneth na katabi niya na si Mariel.

"Du-dun ka ! Hi-hi-hindi naman tayo ma-magkakilala !"Sigaw ni Kenneth.

"Oo na bes ako na ang lalayo."

"Huy hindi kayo nagsasabi na bibisita pala kayo."Sabi ni Mariel sa tropa niya.

Tinitignan ni Kenneth sila isa-isa ang mga naalala niya na lang si Mark at Dave pati na rin si Claudine yun lang ang mga naalala niya sa mga tropa niya, kaya nagseselos si Mariel bakit siya na apat na taong kaibigan hindi naalala.

"Dave, Mark, at Claudine ? Si-si-sino yu-yung ka-ka-kasama mo?"Tanong ni Kenneth.

"Ah pare sila yung mga tropa natin hindi mo ba sila nakikilala?"Tanong ni Mark.

"Hi-hi-hindi ka-kayong tatlo lang."Sabi ni Kenneth.

"Kasi kaya nagkaganyan ang bes ko dahil naapektuhan ang isang part ng utak niya yung temporal daw yun yung mga memories at kung ganyan siya magsalita dahil sa frontal lobe daw yun yung pagsasalita at pagsusulat at hirap magdesisyon yun ang sabi ng doctor, pero ako hindi niya maalala nakakainis."Sabi ni Mariel sa tropa niya.

"Pare gusto mo bang kumaen may mga dala kaming mga prutas dito."Sabi ni Dave.

"Si-si-sige sa-sa-salamat."Sabi ni Kenneth kay Dave.

Nung araw na yun ay tila ba nabahiran ng saya ang malungkot na buhay ni Kenneth na kahit ganun ang kalagayan niya ay pinasaya siya ng mga kaibigan niya kahit yung mga iba ay hindi niya na maalala nagsayaw-sayaw ang mga tropa niya, kumanta, at nag joke. 

Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon