Dumaan ang mga araw dahil nga nakasali si Mariel sa theater acts sa school nila siya naman ang naging busy sa nagdaraang mga araw halos ginagabi na siya ng uwi dahil nga sa pag practice para sa kanilang gagawing stage play na halos dalawang araw na lang kaya ganun na rin ang pagpupursigi ni Mariel na mag practice na siya pa ang bida. Kahit ginagabi man ng uwi si Mariel hindi ito naging hadlang kay Kenneth para hintayin siya kahit gabihin man siya kahit pauwiin na siya ni Mariel.
Nagpupumilit si Kenneth na antayin sya araw-araw para ma sundo ito sa bahay nya ng ligtas, araw-araw din na may ibang kausap si Mariel tuwing matatapos ang kanilang practice na gwapong lalaki na siguro ay ka partner nya sa kanilang stage play na nagkatuwaan pa sila at parang kinalimutan na may naghihintay sa kanya sa labas.
Kaya nakabusangot na sinalubong ni Kenneth si Mariel at tinanong
"Alamo mo bes ? araw araw na hinihintay kita lagi mong ka kwentuhan yun, sino ba yun?"
"Ahh siya kasi yung ka partner ko sa stage play namin, ang gwapo noh super crush na crush ko yun bes ang gwapo, ang bango, at ang tangos ng ilong at ang tangkad pa bes diba."
"Ah ganun ba sige, alis na ako mukhang nakahanap ka na ng ipapalit sa akin."
"Nagseselos naman agad ang bes ko, ikaw pa rin ang mananatiling bes ng buhay ko ano ka ba ?"
"Okay, tara na at anong oras na wala pa tayong kain."
"Libre kita bes ?."
"Oh bago yan huh sige ba minsan lang ito susulitin ko na, baka bukas wala na eh."
Nilibre ni Mariel si Kenneth sa isang mumunting karinderia lamang at ang inorder nyang ulam ay yun pala ang ayaw na ayaw ni Kenneth yung bopis na talagang hindi niya na enjoy.
"Bes masarap ba?" tanong ni Mariel kay Kenneth
"Oo masarap masarap itapon." pabulong ito na sinabi ni Kenneth
"Anong sabi mo ulet?"
"Ah ang sabi ko oo sobrang sarap."
"Sige isang order pa nga ate masarap daw eh."
Hinding hindi makalimutan ni Kenneth ang araw na yun dahil pagkauwe niya nagtae at sinuka nya ang kinain nya dahil yun talagang ulam na yun ay pinakayaw niya dahil nga dun sa rason na yun.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Fiksi RemajaSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...