Simula ng magkita sila ulit ng Papa niya, araw-araw siyang masaya at puno ng kaligayahan kaya napagpasyahan ni Mariel na ipaalam na sa Mama niya na bumalik na ang Papa niya, pero hindi niya alam kung ano na lang ang sasabihin ng Mama niya sa Papa niya kapag nagkita na silang dalawa. Kaya agad niyang tinext ang Papa niya para magpuntang bahay nila.
Text Conversation
Mariel : Pa kita tayo sa puregold Q.i tapos punta tayo sa bahay.
Papa : Wag na anak alam ko naman na hindi papayag ang Mama mo.
Mariel : Pa pag nandito ka na wala ng magagawa yun, malay mo pa miss ka na din ni Mama.
Papa : Sige basta pag ako nalagot ikaw ang sisisihin ko anak haha.
Mariel : Hindi yan Pa, akong bahala.
Papa : Sige bili na lang tayo ng pasalubong dun na tayo kumain sa bahay niyo.
Mariel : Bahay natin Pa dati ka rin naman dun nakatira eh.
Papa : Oh sige bahay natin tara ana kita na tayo.
Nagkita at bumili sila ng makakain at pumunta na ng bahay nila nagulat na lamang ang Mama ni Mariel na kasama ang Papa niya at hindi niya ito pinansin.
"Anak ikaw pala yan, pasok ka."Sabi ng Mama niya.
"Sige na uwi na ako."Sabi ng Papa ni Mariel.
"Ma sige na pls, kain lang tayo na kumpleto minsan lang mangyari ito oh."Sabi naman ni Mariel.
"Bahala ka nga diyan, ihanda mo na yung mga dinala niyo."Galit na sinabi ng Mama ni Mariel.
"Si Mama pabebe pa gusto din naman, tara na Pa!"
"Sige anak sunod na ako."
Habang kumakain sila ay tila ba naging tahimik bigla ang bahay nila at hindi umiimik ang Mama at Papa niya pagkatapos ni Mariel kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan niya binilisan niya kasing kumain para makapg-usap sila ng Mama at Papa niya.
"Amanda, patawarin mo ako."Sabi ni Fernando na Papa ni Mariel.
"Patawad ? Yun lang ang masasabi mo ? Matapos mo kaming iwanan ng anak mo ?"Galit na tanong ng Mama ni Mariel.
"May dahilan naman ako kung bakit ko nagawa yun."
"Anong dahilan mo ?"Galit na tanong ng Mama ni Mariel.
"Dahil lagi na tayong nag-aaway nung mga panahon na yun hanggang sa napagpasyahan ko ng tumira sa mga magulang ko."Sabi ni Fernando.
"So yun ang dahilan mo ? Fernando naman hinintay kita ng gabing yun para mag-usap tayo pero ano ? Hindi ka sumipot dahil duwag ka ? Tapos ang kapal ng mukha mo na bumalik pa ulit dito ?"Sigaw na sinabi ni Amanda.
"Nag-isip talaga ako nung araw na yun kung makikipag-usap pa ba ako sayo ? Kasi tuwing nag-uusap naman tayo kahit anong paliwanag ko hindi ka makikinig."
"Bakit makikinig pa ba ako sa mga paliwanag mo kung paulit-ulit mo pa rin naman gagawin?"
"Wala naman kasi akong babae nung araw na yun lahat na lang ng makakasama ko babae ko na ? "Tanong ni Fernando.
"Bakit babae kasi ako Fernando alam ko lahat ng mga gawain niyo."
"Ganun ba laging nasa isip mo ? Oh sige nagkababae ako pero ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko na tukso lang ako ng araw na yun. Patawarin mo na ako lalaki naman kasi ako pasensya na dapat kinausap na kita nung araw na yun talagang naguluhan lang ako kaya hindi kita sinipot."
"Oh hindi ba umamin ka rin ? Kinalimutan ko na naman yun eh, pero ang hindi ko malimutan yung kinalimutan mong maging ama kay Mariel ni kahit konting pera wala kaming natanggap sayo o kamustahin man lang ang nangyayari sa anak mo dito."
"Hindi naman kasi agad-agad lumago yung negosyo ko dun eh, kaya nga ngayon bumabawi na ko na dahil napalago ko ang negosyo namin dun na computer shop pls mahal patawarin mo na ako."Sabay luhod sa harap ni Amanda.
Sabay lapit ni Mariel sa mga magulang niya na kanina pa pala nakikinig.
"Ma patawarin mo na si Papa pls."Sabi ni Mariel.
"Anak kanina ka pa nakikinig samin ng Papa mo ?"Tanong ng Mama ni Mariel.
"Ah Ma hindi po kakababa ko lang po, pero Ma pls patawarin mo na si Papa."
"Tumayo ka diyan, sa totoo lang Fernando kahit iniwan mo kami natuwa ako at hindi ka naghanap ng iba kundi gumawa ka ng paraan at nagsumikap ka para magkapera at umasenso patatawarin na kita, basta wag ka ng mawawala ulit."Sabay yakap ng mahigpit at yumakap na din si Mariel.
Ito na ang isa sa magandang nangyari sa buhay ni Mariel, na nagbalikan ang Papa at Mama niya at buo na ulit sila ng pamilya niya. Lahat naman tayo ito ang gustong mangyari kapag nagkapamilya tayo na buo at walang mawawala pero hindi natin maiiwasan na may mawala dahil walang permanente sa mundo at lahat-lahat nawawala, kaya kung nandiyan pa ang mahal mo sa buhay ay bigyan natin siya ng halaga at pagmamahal dahil ang buhay ay maikli lang ang buhay patawarin natin kung sino man ang nagkasala.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...