Makalipas ang gabing yun nabigla ang lahat, akala nila na nakarecover na talaga si Kenneth yun pala ay hindi pa may sinabi pa ang doctor sa kanila.
"Ah sir meron pa po pala."Sabi ng doctor.
"Ano pa yun?"Tanong ng Papa ni Kenneth.
"Huwag po kayong mabibigla, nagka brain damage po ang anak nyo naapektuhan po ang temporal lobe niya, at dahil dun ay may mga hindi na siya maalala na tao o ala-ala sa buhay niya."Sabi ng doctor.
"Doc, magagamot pa po ba ito ?"Tanong ng Mama ni Mariel.
"Sa kasamaang palad wala po, ang magagawa nyo na lang po ay intindihin nyo na lang po kung anong mangyari kay Kenneth at alagaan nyo na lang po pero meron naman pong therapy para diyan, para makapag-adjust ang pasiyente pero depende po sa inyo."
"Kaya naman po naming alagaan si Kenneth sa abot ng aming makakaya."Sabi ng Papa ni Kenneth.
"Ah sir pag sumakit po ulo ni Kenneth ay normal lang po sa pasiyente, huwag po kayong mangamba painumin nyo na lang po ng pain killers para kahit papaano mawala. Kailangan niya rin ng kalinga nyo, samahan nyo lagi para mas lalo kayong maalala kasi minsan nakakalimot siya ng mga nakikilala niya dahil nga temporal lobe ang naapektuhan sa kanya ay ang function nun ay una understanding language, pangalawa memory yun nga, pangatlo hearing, yun po kaya dapat understanding lang po pag uminit ulo niya isipin nyo na lang na may sakit siya, sige po alis na po ako at may next pa ako na pasiyente."
"Salamat doc."Sabi ni Mariel.
"Bakit nangyayari ito sa kanya ? Dapat dapat ako nandyan hindi siya malaki ba ang kasalanan ko sa Panginoon para harapin ang lahat ng pagsubok na ito."Sabi ng Papa ni Kenneth.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo alam ng Panginoon lahat yan binigay sa inyo kasi alam niyang matatag na pamilya kayo."Sabi ng Mama ni Mariel.
"Wait tatawagan ko si Marieta at hindi niya pa alam ang nangyari."
Matapos tawagan ng Papa ni Kenneth ang Mama niya ay agad agad namang pumunta ng bansa ang Mama niya para kamustahin si Kenneth kahit na may trabaho pa sa Kuwait. Makalipag ang isang araw ay dumating na ang Mama ni Kenneth at binisita ito sa ospital niya sa Delos Santos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Kenneth halos mag iisang linggo na siyang tulog. Kinakausap siya ng Mama niya habang nasa tabi niya.
"Anak, magpakagaling ka hindi ko kayang mawala ka."Sabi ng Mama niya.
"Marieta gagaling yan anak mo matibay yan, lumalaban siya sabi ng doctor ayaw pa niya mawala, marami pa siyang gagawin sa mundo."Sabi ng Papa niya.
"Tita kumain muna po kayo hindi pa po kayo kumain ng almusal ito po."Sabi ni Mariel sabay abot ng pagkain sa kanya.
"Maraming salamat Mariel, salamat sa lahat na naging bestfriend mo ang anak ko paano at dahil din sayo naging aktibo ang anak ko nagka-pake na siya sa lahat ng gagawin niya na, dati kasi walang pake sa lahat yun kahit ako parang wala lang sa kanya dati pero ng makilala ka niya nagbago ang lahat."Sabi ng Mama ni Kenneth.
"Wala po yun tita nagpapasalamat din po ako kay Kenneth dahil kung hindi po sa kanya ay wala po akong bestfriend na laging nasa gilid ko po na sumusuporta at laging nandiyan, hindi po siya nakakalimot lagi po niya akong minamahal bilang kaibigan."Sabi ni Mariel.
Nakakiyak yung kwento ko noh? Alam nyo nung araw na yan naririnig ko lahat ng mga sinasabi nila sa akin gusto ko silang yakapin, gusto kong sabihin na maraming salamat dahil hindi nila ako kinalimutan sa oras na nagkasakit ako. Akala ko tapos na ang lahat ng makatapos ako ng pag-aaral, akala tapos na lahat ng hirap na yun, yun pala hindi pa nagsisimula pa lang pala ang pagsubok para sa amin.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Fiksi RemajaSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...