Matapos ang graduation nila napagpasyahan ng magtotropa na ganappin ang celebration nila sa bahay nila Kenneth, at sa kadahilanan na hindi na aabutan ng birthday ni Kenneth dito sa Pinas, nag-usap usap sila para surpresahin si Kenneth. Bumili ng cake si Mariel para kay Kenneth at t-shirt para na rin regalo sa bestfriend niya at ang mga ibang tropa niya ay may mga kanya kanya ding mga regalo. Nagsabsay-sabay sila ng punta mga tropa sa bahay nila Kenneth , hindi naman nakasama si Charles dahil pang gabi siya sa tinatrabahuhan niyang fast food restaurant. Para mapaghandaan ang surpresa nila may mga banner sila na Advance Happy Birthday Kenneth ! at may dalawang cake, at may mga dalang alak pagpunta nilang bahay nila Kenneth.
Knock..............Knock................Knock...............
"Nandiyan na ata sila."Dali daling sinabi ni Kenneth at binuksan ang gate.
"Advance Happy Birthday Kenneth !"Sabi ng mga tropa ni Kenneth.
"Ay grabe kayo, ang aga naman guys !"Sabi ni Kenneth.
"Ganun ka namin ka mahal pare ! Hindi ba nga dun ka na aabutan ng Birthday mo sa kuwait na kaya dapat dito sa Pinas may memories ka ng birthday mo."Sabi ni Jolo.
"Thank you guys hah, naku buti na lang talaga at nakilala ko kayo."Sabi ni Kenneth.
"Tara pasok na tayo."Sabi ni Mariel.
Nang gabing yun ay ginawa nila ang lahat nagsaya sila, kumanta, at mga nagdrama. Ang hindi nila alam ay may namumuo na palang pagmamahalan sa mga tropa nila kaya sinabi na nila ito, para hindi na sila magkagulatan.
"Ah guys ! May sasabihin lang sana ako importante."Sabi ni Dave sa tropa niya.
"Guys kami na ni Cammile."Sabay hawak sa kamay ni Cammile.
"Kami na sinagot ko na siya nung isang araw kasi alam mo naman ang ate mo? Ang haba-haba ng buhok hahah charot !"Sabi ni Cammile.
"Congrats sa inyo sabi ko na nga ba yung mga asaran nyo, nagkakagusto na kayo sa isa't isa nun eh mga pabebe lang kayo."Sabi ni Kenneth.
"Ahmmmmm... Guys pwede ako rin ?"Sabi ni Mark.
"Ano naman yun Mark hindi ba may jowa ka na wag mong sabihin na kayo na ni Claudine?"Sabi ni Jolo.
"Hindi mga pare, wala na kame ni Bhea."Sabi ni Mark.
"Ang lungkot naman nun pare, ano naman dahilan ?"Tanong ni Daniel.
"Alam mo naman pansin ko na siya nung dati pa na may katext at kameet hindi ko lang pinapansin, guys isang taon kami isang taon akong naging tanga sa kanya, alam mo yun ? Yung tipong sabay lagi kami umuwi yun pala iba ang iniisip niya nung araw na yun yung ex niya pa rin, guys ginawa lang akong rebound alam mo yun pakshet!"Mangilid ngilid na sinabi ni Mark.
"Okay lang yun pare malay mo may right girl pa pala para sayo hindi lang naman siya ang babae sa mundo pare ko, malay mo katabi mo na pala yung babaeng yun."Sabi ni Dave.
"Si Claudine ? Pare kaibigan ko lang ito oo lagi kaming magkasama pero diba Claudine ?"Sabi ni Mark.
"Mark yun nga lang ang turing mo sa akin pero Mark iba ang tingin ko sayo dati pa, gusto kita pero hindi mo lang pinapansin yung feelings ko sayo dahil may Bhea ka pa nun pero alam ko naman yung limitasyon Mark eh, alam ko naman na hanggang kaibigan lang talaga tayo."Sabi ni Claudine.
"Ganun ba Claudine, pag-isipan kong mabuti dahil alam ko naman na mabait na tao ka para sa akin kailanman hindi mo ako iniwan kagaya na lang nina Mariel at Kenneth."Sabay akbay kay Claudine.
"Oh ano ? Ito pala yung highlights ng college natin eh magkakadevelopan pero ang saya lang na atlis nalaman natin yung mga feelings na tinatago natin, atlis nasabi nyo sa taong mahal nyo na mahal nyo sila, tara na at mag-inuman na tayo ! "Sigaw ni Jolo.
"Wait lang hindi pa pala na bo-blow yung candle ! Game na blow muna Kenneth!"Sabi ni Maridel.
"Anong wish mo bes ?" Tanong ni Mariel.
"Ang wish ko lang sana magaganda ang maging career nating lahat, sana walang maging tambay at sana lahat tayo yumaman hindi lang sa pera pati na rin sa pagmamahal yun lang. Maraming salamat sa inyo mga tropa ko, pati na rin sa mga regalo nyo sa akin. Bes lalo na sa iyo na laging nandiyan para sa akin sa tuwing nalulungkot ako lagi kang nasa gilid ko para payuhan ako at para pasiyahin ako. Labyu bes ! Mahal na mahal kita bilang kaibigan at sana tumagal kayo ni Charles !"Sabi ni Kenneth.
"Ganun din ako bes, tinatanong ko nga ang sarili ko paano na lang kung hindi tayo nagkakilala siguro hanggang ngayon ay mahiyain ka pa din at wala ka pa ring self confidence sa mga lahat ng gawin mo. Thankful ako dahil nagkaroon ako ng bes na gwapo ? mabait ? marespeto ? Pero lahat yun tinanong ko muna kung ganun ka nung una tayong nagkakilala pero nung malaman na ganun ka pala. Lahat ng tanong sa sarili ko ay nasagot na ng magkakilala tayo siguro yun nga ang plano ng Panginoon para sa atin lalo na sa mga tropa natin at nagkakilala tayo yung tropa mo at tropa ko ay pinag-isa maraming salamat sa inyo!"
"Oh game na inuman na ! Tama na yan drama !"Sigaw ni Cammile.
Buong gabi sila nag-inuman at nagwal-wal kumbaga parang wala ng bukas, dun na din sila inabot ng umaga sa sobrang lasing ay hindi na sila nakauwe at hindi na rin sila pinauwe ni Kenneth dahil delikado na sa daanan. Magkakatabing matulog ang magtotropa sa kwarto ni Kenneth pero sina Cammile at Dave ay sa dating kwarto ng Mama niya hindi ko na lang alam kung ano ng nangyayari dun sa mga yun. Ang saya lang sa buhay na makahanap ka ng tropa na masaya, makulit, mongoloyd, at mabait dahil kung wala ito hindi sila magtatagal ng ganyan at hindi sila ganyan kung umasta na para bang pamilya na. Sabi nga nila lahat ng tao nagbabago kagaya na lang ni Kenneth na dating mahiyain ngayon katulad na rin nila na makulit at kabog, kailanman hindi naghanap si Kenneth ng magmamahal sa kanya dahil kusa siyang minamahal ng pamilya niya, tropa niya, wala man siyang mahal sa buhay hindi sa kanya importante yun ang importante sa kanya ay masaya at buhay pa ang mga mahal niya sa buhay.
Ako nga pala si Kenneth Patricio Guevarra, grabe noh andami ko ng napagdaanan simula first year hanggang 4th year college akalain mo yun natapos ko yun, pero hindi ko natapos yun ng mag-isa natapos ko yun ng kasama sila. Iisa-isahin ko pa ba ? Kilala nyo na sila diba ? Pero nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila, dahil kung hindi isa lamang akong hamak na estudyante na nag-aaral at walang saya sa buhay. Pero sa isang araw aalis na ako ng Pinas pupunta na akong Kuwait para dun na din ako magtrabaho. Marami akong ala-ala na mami-miss ko dito sa Pinas lalo na ang bestfriend kong maganda ang hinding hindi ko malilimutan dahil siya lang naman ang minsan ng nagpaiyak sa akin nagpalungkot at higit sa lahat ay nagpasaya. Kaya kung may mga bestfriend kayo ngayon, pahalagahan nyo sila dahil sila ang bestfriend mo hindi mo man sila kasama araw-araw pero ramdam mo naman na lagi silang nandiyan para sayo. Mahalin natin ang mga bestfriend natin maging kayo man o hindi walang problema dun, dahil kung wala sila ay wala kang mapagsasabihan ng problema at mg pagsubok na hindi mo kayang mag-isa kundi kayong dalawa.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...