Chapter 16 (Malabo at magulong isipan ni Kenneth.)

218 9 0
                                    

Matapos ang araw na magbasketball sina Kenneth may kumikirot-kirot pa rin sa mata niya at minsan lumalabo labo ang pagtingin nya. Nang araw na yun ay pinahinga muna niya ang katawan niya baka paggising niya ay okay na ang mata niya at hindi na katulad ng dati.

Pero ng gumising siya hindi siya makapaniwala na ganun pa rin lumalabo-labo minsan pero minsan naman ay lumilinaw. Habang naglalaptop siya ay nagchat sa kanya ang mama niya.

Chat Conversation 

Mama : Anak, kamusta ka na diyan?

Kenneth : Ma okay lang po, okay naman po yung mga grades ko wala naman po akong tres at bagsak po ngayon.

Mama : Mabuti naman basta lagi kang magsumikap mag-aral natatanggap mo ba yung mga pinapadalang pera ko sayo ? at yung mga pagkain ?

Kenneth : Ah ma, opo natatanggap ko po maraming salamat po ma.

Mama : Kamusta na yung kapatid mo si Tristan?

Kenneth : Ma chinachat ko pa siya eh pero lagi pong offline siguro po wala po silang computer dun kila papa o wala siyang marentahan.

Mama : Tinetext ko yung Papa mo pag may pinapadala ako sana natatanggap niya at sana wag niya gamitin sa bisyo nya.

Kenneth : Sana nga ma wag nyang gamitin. Ah Ma, kailan ka po uuwe dito ? 

Mama : Seen 8:45 pm

Matagal-tagal hindi nagreply ang Mama ni Kenneth tila ba na may pinag-iisipang sabihin kay Kenneth na tila ba kuwestiyon kay Kenneth.

Mama : Anak, may sasabihin sana ako sayo.

Kenneth : Ano po yun ma ?

Mama : Nak, nakapangasawa na ako dito sa kuwait, japanese yung lahi niya siya yung Vice President sa pinagtatrabahuhan ko.

Kenneth : Ganun po ba ma edi hindi ka na po uuwe dito sa Pilipinas ?

Mama : Yun nga yung dapat ko sabihin sayo anak, pinapasama ka niya papuntang kuwait pagtapos mo daw mag-aral, dito ka daw magtrabaho sabi niya kasi anak malaki ang sweldo dito, doble diyan sa Pilipinas.

Kenneth : Ma hindi pwede yun ayoko magtrabaho sa ibang bansa.

Mama : Pero ayaw mo ba ako kasama anak ? 

Kenneth : Ma gusto kitang kasama pero ayokong iwan yung Pilipinas ma at yung bestfriend ko pati yung mga ibang kaibigan ko dito.

Mama : Anak career mo na ito may mga kanya kanya na kayong mga buhay pag nakatapos na kayo ng pag-aaral, sa tingin mo bubuhayin ka ng mga kaibigan mo diyan sa tingin mo lagi silang nandiyan para sayo anak sila din ay may kanya kanya ding mga trabaho na kapag nakatapos na kayo, kaya anak mag-isip ka dahil ang buhay ay maikli lang gusto kitang makasama dito sa kuwait para kahit papaano may magpapasaya sa akin hindi lang ang live-in partner ko na japanese anak mabait siya at siya na raw bahala kapag gusto mong magtrabaho dito.

Kenneth : Seen 9:03 pm

Hindi na nakachat si Kenneth sa mama sa kakaisip sa desisyon na gagawin niya pagtapos niyang makapagtapos mag-aral dahil marami siyang mamimiss kapag umalis siya ng Pilipinas. Hanggang sa nakatulog na lamang siya sa labis na pag-iisip.

Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon