Halos araw-araw si Mariel nandun pag oras ng dalaw sinulit niya ang isang linggong half day niya para sa bestfriend niya lahat ginawa nila nagtakbuhan, nagbike, nag-asaran. Pero huminto bigla ang oras ng may ipakilala si Kenneth kay Mariel na naging kaibigan niya dun. Maganda, mistisa at parang hindi pa nadadapuan ng lamok ang pinakilala ni Kenneth at kasing edad rin nila.
"Bes si-si Jenny, kaibigan ko di-dito siya yung ki-kinukwento ko sayo na anak ng nag therapy sa a-akin ma-mabait yan sa-sana maging close din kayo."
"Hi Jenny, Mariel nga pala bestfriend ni Kenneth."
"Hi Jenny kaibigan din ni Kenneth."
Habang nasa garden silang tatlo ay umalis muna si Kenneth na tila ba sinadya niya para makapag-usap ang dalawa.
"Ang bait ni Kenneth noh ? At ang gwapo pa."Sabi ni Jenny.
"Oo ganun talaga si bes mabait na gwapo pa."
"Ah bes pala tawagan nyo, matagal na ba kayong magbestfriend ?"Tanong ni Jenny.
"Ah oo simula first year college pa magkaibigan na kami at hanggnag ngayon."
"Ang tagal na rin pala, single ba si Kenneth ?" Tanong ni Jenny.
"Bakit ? Gusto mo ba siya ?"Galit na tanong
"Hindi naman tinanong lang, kasi sa gwapo niya walang magkakagusto sa kanya?"Tanong ni Jenny.
"Letche itong babaeng ito hah, inaagawan pa ako kay Kenneth sabagay hindi niya siguro alam na kami na ni Kenneth."Sinabi ni Mariel sa isip niya.
"Okay lang ba sa iyo kung maging kami ni Kenneth?"
"Ahm Jenny may dapat kang malaman, kami ni Kenneth."
"Oh kayo pala, congrats ang swerte mo."
"Oo kaya pls pwede pag magkasama kayo hinay-hinay lang."
"Oh sige walang problema."
"Oh sige."Sabay ngiti kay Jenny.
Lumipas ang isang linggo natapos na ang half day ni Mariel sa trabaho niya pero minsan dumadaan si Mariel dun pero hindi siya nakakapasok sumisilip lang siya, pero habang sumisilip siya dun ay nakita niya na papuntang garden sina Kenneth at Jenny at masayang masaya pa sila nagkukwentuhan kaya nalungkot na lamang si Mariel.
"Bakit kasama niya si Jenny naku Kenneth."Galit na sinabi ni Mariel.
Kinabukasan ay pagpasok niya ng trabaho ay tumambad sa kanya ang maraming chocolates at flowers hindi niya alam kung sino ang nagbigay sa kanya nun, kasi ang sabi sabi ay may nag-iwan daw sa table niya pero hindi nila nakita nag mukha.
"Sino kayang nagbigay nito ? Imposible namang si Kenneth kasi nandun siya ngayon sa therapy."
At makalipas ang limang minuto may nagtext sa kanya pero number lang kaya tinanong niya kung sino talaga siya.
Text Conversation
Anonimous : Hi natanggap mo ba yung bigay ko sayo ? Para sayo yan ang ganda mo kasi eh.
Mariel : Thank you hah, pero bakit mo alam number ko at may boyfriend na ako kaya tigil-tigilan mo na ako.
Anonimous : Ah ganun ba ? Sige hintayin mo pa yung mga pasalubong ko konti pa lang yan.
Mariel : Bahala ka sa buhay mo, ang kapal ng mukha mo sino ka ba?
Anonimous : Malalaman mo din kung sino ako, wait ka lang.
End of Conversation
"Bes sino daw yun ? Ang effort niya hah."
"Hindi ko alam bes hindi niya sinabi."
"Sa tingin ko si Kenneth yan, malay mo diba ?"
"Anong Kenneth eh busy yun at hindi yun makakaalis dun."
"Ah okay kilala ko na, si Charles malamng yun siya talaga yun."
"Siguro nga."
Kinabukasan ay nag text ulit ang misteryosong lalaking nagtext sa kanya nun.
Anonimous : Lumabas ka ng bahay niyo, may makikita ka.
Mariel : Hah ? Alam mo ipapareport na kita hindi ko alam mga pinaggawa mo baka bigla na lang akong damutin diyan hindi ako lalabs noh, ano ako uto-uto.
Anonimous : Sige ikaw bahala, basta kung matanggap mo man yun matutuwa ka.
Mariel : Ewan ko sayo.
Lumabas ang Mama ni Mariel para magwalis sa labas pero nagulat na lamang siya na may gitara dun at may pangalan na para daw kay Mariel.
"Anak para sayo daw ito, sino bang nagbigay sayo nyan ? Kay Kenneth ba galing yan?"Tanong ng Mama ni Mariel.
"Ma hindi po pero matagal na rin po akong walang gitara paano niya nalaman yung hilig ko ?"Tanong ni Mariel.
"Eh kaibigan mo yun eh."
Nagtext ulit ang misteryosong lalaki kay Mariel.
Anonimous : Natanggap mo na ba yung regalo ko sayo?
Mariel : Maraming salamat pero sino ka ba talaga ?
Anonimous : Malalaman mo rin gusto mo magkita tayo ikaw bahala kung saan.
Mariel : Oh sige, bukas alas- kwatro ng hapon, sa luneta park tayo magkita tignan natin.
Anonimous : Oh sige itext na lang kita.
Kinabukasan ay araw ng sabado kaya libre ang oras ni Mariel, sinasama niya ang Mama niya pero hindi ito pwede kaya si Shasha na lang ang niyaya niya dahil libre naman ito palagi. Hinihintay na nila ang misteryosong lalaki sa luneta.
Text Conversation
Mariel : Nasaan ka na nandito na ako.
Anonimous : Nandito na ako tumingin ka sa likod mo.
Mariel : Sige.
"Pa anong ginagawa mo po dito ?"Tanong ni Mariel.
"Ako yun, ako yung nagbigay sayo ng flowers at chocolates at gitara, anak patawarin mo ako dahil umalis ako nung grade 6 ka palang."
"Pa namiss po kita, maraming salamat po."Sabay yakap ng mahigpit sa Papa niya.
"Sino naman yang kasama mo ?"
"Si Shasha po, katrabaho ko po."
"Hello po tito."
"Hi, nagulat ka ba ? pasensya na anak hah hindi na ako nakabalik sa inyo dahil yun nga alam mo naman na lagi kaming nag-aaway ng Mama mo yun napagpasyahan na lang namin na maghiwalay na lang kami, kumain na nga muna tayo libre ko."Sabi ng Papa niya.
Habang kumakain sila ay napag-usapan nila yung tungkol sa sa kalagayan ng kanyang ama.
"Ah pa kamusta na po kayo, saan po kayo nagpunta nung maghiwalay kayo ni Mama."Tanong ni Mariel.
"Nagpunta ako ulit sa lola at lolo mo dun ako nagtayo ng negosyo nagtayo ako ng maliit na computer shop hanggang sa lumago yun kaya ngayon okay na si Papa ngayon pero hindi ko lang alam kung matatanggap pa ako ng Mama mo."
"Matatanggap ka nun pa mabait ka naman po eh."
"Tignan natin sana nga."
Nung araw na yun napuno yun ang isa sa mga pinakahindi malilimutan ni Mariel dahil nakita niya na ulit ang Papa niya na talagang namiss niya dahil ilang taon itong nawala sa kanila simula nang grade 6 palang siya, kaya ganun na lamang ang saya ni Mariel ng araw na yun, na akala natin si Charles o si Kenneth ang nagbigay ang Papa niya lang pala. Magkakabalikan pa kaya ang Mama at Papa niya ?
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...