Hindi na sila nagkakasabay pumasok ni Mariel sa eskwelahan kasi nga iba na ang section at ng sched ni Mariel kay Kenneth. Si Kenneth ang pasok ay 9 ng umaga si Mariel naman ay 12:00 pa kaya ganun na lamang mejo hindi na din sila nakakapagkwentuhan minsan sa sobrang busy sa school.
Sumali ng theater si Mariel sa school nila at agad itong sinabi kay Kenneth pero busy nung oras na yun si Kenneth kaya tinext nya na lang si Kenneth.
Convo to text
"Bes ! sumali ako sa theater acts dito sa school natin nakuha ako ! "
"Well ! Congratz Bes ! "
"Kailan ka ba free ? Hindi na tayo nagkikita oh nagkukwentuhan man lang?"
"Hindi ko pa alam kasi busy ako sa paggawa ng report eh."
"Ah okay."
"Text na lang kita pag free ako."
Kinabukasan ng pagpasok ni Mariel ng school yun naman ay lunch break ni Kenneth kinamusta nya ito pero hindi siya napansin ni Kenneth dahil may kausap siyang babae na kagrupo nya ata sa reporting.
"May tumawag ba sa akin ?"
"Oo hindi mo ba nakita yung bes mo." Sabi ito ng kaibigan nyang si Daniel
"Hindi eh nasaan na ba sya?"
"Wala na, nako nagtatampo na yun."
Agad itong tinext at tinadtad ng sorry ni Kenneth pero hanggang gabi ay wala pa rin itong reply sa kanya kaya naisipang surpresahin ni Kenneth si Mariel kinabukasan at bigyan ito ng isang red rose at toblerone para mapatawad sya.
"Ang tagal naman nya alam ko 12 pasok nya bakit wala pa din sya 2 na hindi na nga ako pumasok ng 2nd subject ko para sa kanya."
Sabay text ng mama ni Mariel na mataas ang lagnat ni Mariel at agad agad naman pumunta si Kenneth sa bahay ni Mariel at manghingi ng tawad.
"Hi Bes ! Kamusta ka na ? "
"Bes tinatanong kita ? Sorry na please ito na para sayo red rose at toblerone para matuwa ka naman sorry na po." Sabay kiss sa noo ni Mariel.
"Ewan ko sayo Kenneth ! Ganyan ka eh noh, porket maganda yung kausap mo kahapon kinalimutan mo na ako ni kahit tingin wala tinawag pa kita wala ka kinalimutan mo na ako."
"Sorry na nga kasi malalim yung pinag-uusapan namin ng kaibigan ko na yun may problema kasi sila ng boyfriend nya kaya yun nag-advice lang ako sa kanya."
Sabay pasok ng mama ni Mariel sa kwarto nya.
"Hay nako Kenneth nasaan ka ba kahapon umulan ng malakas yang best friend mo yun wala palang payong sumulong sa ulan."
"Sorry po tita, nasa bahay na po kasi ako nun at mejo busy rin po."
"Oh sige basta ang mahalaga gumaling ka ngayon Mariel buti nandyan si Kenneth para sa iyo at laging nandyan."
"Thank you bes ! " Sabay yakap kay Kenneth ng mahigpit
"Wala yun. Ano ka ba kaya bes diba? Bestfriend walang iwanan."
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Novela JuvenilSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...