Chapter 10 (Third Wheel)

311 10 0
                                    

Matapos ang mahirap at may halong kasamang 2nd year,tumuntong ng 3rd year sina Kenneth at Mariel.Wala naman silang bagsak kaya masaya sila. Si Mariel naman ay hindi na irregular kaya ngayon ay block section na sila ni Kenneth at araw-araw na silang magkasama at araw-araw din naman nasasaktan si Kenneth dahil na lamang ay classmate nya din yung nanliligaw sa kanya.

Na minsan nga nagseselos na si Kenneth sa bes nya dahil kay Charles na kapag kausap nya ay ang saya-saya nya at minsan pa nga ay sila pa ang madalas magkasama, iniintindi na lang ito ni Kenneth dahil nga manliligaw nya ito. Pero isang araw lumapit sa kanya si Mariel at niyaya ito sa paboritong lugar nila sa little bagiuo.

"Bes ! Punta tayong little bagiuo namimiss ko na kasi dun eh, gusto ko ulit ng fresh na hangin at malamig na hangin."

"Teka, kasama si Charles ? kung kasama siya kayong dalawa na lang."

"Grabe naman bes samahan mo lang kami pls, para may pang dp ako at para may kasabay ako umuwi."

"Minsan lang ito, hindi na tayo nagbabonding bes."

"Oh sige na nga third wheel ako."malungkot na sinabi ni Kenneth kay Mariel

Pumunta sila ng little bagiuo kasama ang mortal na kaagaw niya kay Mariel na si Charles masakit man para sa kanya ginawa niya na lamang ito para sa kanyang bestfriend, hindi man siya masaya pinipilit na lang niya para hindi magtaka ang bestfriend niya.

"Bes ! Picturan mo nga kame dito malapit sa puno." sabay abot ng cellphone niya kay Kenneth

"Akin na, sige eto na 1..2..3.."

"Thank you bes ! Tayo naman, picturan mo nga kame Charles ! "

"Oh sige ! Game ngiti naman diyan Kenneth ang ganda ganda dito oh nakasimangot ka."

"Eto na ngingiti na."

Habang magkaholding hands sila at nagkukwentuhan ni Mariel si Kenneth naman ay nagsoundtrip lang sa gilid at nakikinig ng malahugot na kanta at tagos sa puso niya.

"Bes ? Okay ka lang ba diyan ? "

"Ah oo bes sige lang sulitin nyo na, wag mo akong intindihin."

"Sige bes thank you talaga makakahanap ka din ng ganto rin bes."

"Ah baka hindi ko pa siguro time, teka kayo na ba ? "

"Ah wala pa, hindi ko pa alam eh."

"Sige sabihin mo lang kung uuwe na tayo, nandito lang naman ako."

"Sige bes ! Thank you talaga ! 

Mahirap man tanggapin ng puso na wala talaga kayong label kundi pagkakaibigan lang, tanggapin na lang natin dahil para na rin sa ikabubuti ng relasyon nyo at ng iba hindi naman masama magmahal ang masama lang ay maging tanga ka sa mahal mo na hindi dapat mangyari. Pero sabi nga nila kung sino pa ang mahal mo yun pa ang mananakit sayo kaya tanggapin na lang natin ang maykapal na ang bahala kung anong mangyayari sayong buhay pag-ibig.



Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon