Chapter 8 (Kaibigan lang pala.)

358 13 1
                                    


Halos isang linggo hindi pumasok at hindi rin nagpakita si Kenneth kay Mariel dahil sa sakit ng nadarama ng malaman nya na may nanliligaw pala kay Mariel kain, tulog, at facebook lang ang ginagawa nya palagi na nakaoffline chat kay Mariel para hindi malaman na online sya.

Hindi alam ni Mariel ang bahay ni Kenneth kaya ganun na lamang ang pangangamba nya kay Kenneth dahil hindi nagrereply sa fb at text. Hindi alam ni Mariel ang rason kung bakit hindi ito nagpaparamdam sa kanya ang alam nya lang baka nagselos ito kay Charles dahil nalaman na nanliligaw  sa kanya.

Kinabukasan pumasok na si Kenneth at tuwang tuwa naman si Mariel dahil nakita niya na ang bes nya, pero tila bang hindi na ganun ang pakikisama ni Kenneth kay Mariel.

"Bes ! namiss kita ano bang nangyari sayo?" patanong na sinabi ni Mariel kay Kenneth

"Nagkasakit kasi ako."

"Sakit saan?"

"Sa puso." pabulong na sinabi ni Kenneth

"Ano san ? " 

"Sa ulo sumakit kasi ulo ko dahil sa mga projects at maraming assignments."

"Pero grabe naman isang linggo, siguro nagselos ka no?"

"Wait lang. Ako magseselos sayo at kay Charles?"

"Mariel alam mo ba ang sinsabi mo?"

"Oo bakit hindi ba totoo ?"

"Bestfriend kita Mariel wala akong gusto sayo, mahal lang kita bilang kaibigan."

"Okay ! Bukas sama ka ? Niyayaya ako ni Charles kumaen daw kami sa "The Yard". "

"Sige okay lang kayo na lang, para kahit papaano makapag date kayo."

"Oh sige, pasok na ako mag text ka huh nakakamiss ka bes eh." sabay yakap ng mahigpit kay Kenneth.

"Oo sige na malelate ka na."

Nang matapos ang araw na yun tila ba balisa si Kenneth sa sinabi nya kay Mariel. Tinawagan nya si Daniel para kausapin tungkol dun sa nangyari.

"Pare ang sakit pala noh, pag sayo galing ang salitang magkaibigan lang tayo kahit na ang sakit sakit sabihin sa kanya, wala eh nasabi ko na lang para hindi siya mag-isip."

"Wala eh, ang hirap talaga ng ganyan pare ! Kahit na gusto mo siya ikaw na lang mag-aadjust sa feeling mo sa kanya para manatili pa rin ang friendship nyo."

"Oh sige na Kenneth ! Magiging okay din kayo nyan, mo uminom tayo bukas tayo tayo nila mark."

"Oh sige ba, para na rin mabawasan yung sakit ng puso kong ito."

Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon