Halos araw-araw na silang nag-uusap nagkakatext ni Mariel kung anong gawin nilang dalawa kailangan updated silang dalawa. Pati na rin sa mga exams nagtutulungan sila kapag hindi nakapag-aral si Mariel papakopyahin ito ni Kenneth para may maisagot.
Fast forward.......
Nang makatungtong sila ng 2nd year college mas lalo pa silang naging close sa isa't isa na para bang magkaptid na ang turingan at syempre ang call sign ni la ay "bes" ang korny man pero yun ang gusto nila.Ganun pa rin ang mga sections ni Mariel pero si Kenneth ay block section pa rin pero nagkikita pa rin sila nito pag tuwing lunch at uwian ay sabay sila nito pero malimit na lang ito dahil sa sobrang busy nila.
Kaya na lamang kung sinong kaibigan ni Mariel sa ibang section ay nagiging kaibigan na rin ni Kenneth. Ibang-ibang kenneth na ang nakilala nyo dati na ang dating kenneth na mahiyain ngayon ay palatawa na at mejo dumadaldal na dahil na rin yun kay Mariel.
Lahat ng kaibigan ni Mariel ay may mga kanya kanyang bf at gf kaya kapag uwian na sila na lamang natitirang dalawa nakatambay sa campus para magkwentuhan.
"Bes ? hindi ko alam huh nung unang kita ko sayo kamukha mo si jollibee ! Hhahaha "
"Anong jollibee ganun ba kalaki pisngi ko para maipagkumpara mo dun? "
"Jollibee ! Jollibee ! tignan mo galit na siya nagiging kamukha mo na talaga." Birong pagsabi ito ni Kenneth kay Mariel
"Ewan ko sayo tara na nga!" galit na tumayo si Mariel sa kinauupuan nya.
"Hindi ka naman mabiro Bes, wala kang pagbabago nung dati ako yung tahimik tapos ngayon ganto ka na ano bes hahaha gusto pa kitang makasama."
"Kasi kung lagi mo akong inaasar pag magkasama tayo wag na lang."
"Aba parang hindi ka naman nasanay sakin kahit isang taon palang tayo magkaibigan inaasar na kita tuwang tuwa ka naman pero ngayon nag-iinarte ka dyan."
"Halika nga dito ! " Sabay patong ng ulo sa balikat ni Kenneth
At akbay ni Kenneth kay Mariel.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...