Successful ang naging defense nila sa kanilang thesis, kaya ng araw na yun ay kumaen sila sa labas para ipagpunyagi ang magandang defense nilang magkakaklase, eh sakto nung araw na yun ay birthday ni Cammile at Dave kasi sabay sila ng birthday kumaen sila sa mamahaling restaurant malapit sa tomas morato. Na late naman ng dating si Mariel dahil kinausap niya pa si Charles sa labas ng school, pagpasok niya ng restaurant medyo mangilid-ngilid luha siya kayo nagtanong agad si Kenneth kung anong nangyari sa kanila kanina.
"Bes, anong nangyari sayo ? At parang umiyak ka ? Nag-away na naman ba kayo ni Charles? "Tanong ni Kenneth.
"Bes wala."
"Anong wala?"Tanong ni Kenneth.
"Wala na kami ni Charles."Sabay yakap ni Mariel kay Kenneth.
"Bakit ano daw bang dahilan ?"Tanong ni Kenneth.
"Nawawalan na daw ako ng oras sa kanya, lagi na lang daw thesis ang inaatupag ko hindi ko na daw siya mabigyan ng oras."Sabi ni Mariel.
"Hindi niya ba alam na kailangan mong seryosohin ang thesis para makagraduate ka, alam mo kulang sa kaniya bessy ? Intindi hindi marunong umintindi, oo na sige na kulang ka sa oras oh sige subukan nating unahin mo siya ano ng mangyayari sa thesis mo ? Edi kami naman ang magagalit sayo dahil pag wala ka ng gumagawa tayo oh nagrereview tayo sa thesis diba?"Sabi ni Claudine.
"Tama na yan Mariel at kumaen ka na muna tapos mamaya mag videoke tayo para malabas mo lahat ng sama ng loob mo para sa Charles na yan."Sabi ni Cammile.
"Bes hinay-hinay lang sa pagkain hah, baka sa sobrang stress mo damihan mo, diet ka bes naku ayoko ng bumalik yung dating katawan mo na mejo chubby okay na yan bes sexy."Sabi ni Kenneth.
"Oo na kakain na ako, hindi ko naman talaga dadamihan ang pagkain alam ko ang limitasyon ko bes, at mamaya magwawala ako sa videoke."
Nang matapos silang kumaen pumunta silang KTV Bar para magkantahan at para na rin mailabas ng hinanakit niya kay Charles.
"Bessy, pumili ka na ng kanta."Sabi ni Maridel.
"Oh sige, para ito kay Charles ito type mo 14369 ano yan?"
"Malaya ka na, wow bessy para talaga kay Charles yan hah, sige maganda yan."
Matapos ang kanta ni Mariel, hindi lang isa ang kinanta niya halos limang kantang pang hugot dahil lubos na lungkot sa pagkakahiwalay nila ni Charles
"Bes hugot na hugot yung mga kanta mo na yun hah, pang Charles talaga."Sabi ni Kenneth.
"Bes ! Ang hirap gusto ko pa rin siya, hindi ako makakatulog yata pag hindi siya nakakausap."Mangiyak-ngiyak na sinasabi ni Mariel kay Kenneth.
"Bes gagawin ko ang lahat tignan ko kung makakaya ko na suyuin pa rin si Charles."
"Sige bes thank you."Sabay yakap kay Kenneth.
"Bes nandito lang naman ako para sayo, hindi kita iiwanan ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko."
"Bolero, oh sige na ikaw na rin ang gwapo kong bes."Yakap ng mahigpit kay Kenneth.
Kinabukasan nakita niya si Charles na naglalakad sa pathwalk agad agad naman itong nilapitan ni Kenneth at kinausap si Charles tungkol sa kanila ni Mariel.
"Charles, ano bang nangyari ?"Tanong ni Kenneth.
"Wow nagtatanong tanong ka pa akala mo talaga hindi mo alam."
"Oh sige na nawalan sayo ng time ang bestfriend ko pero, Charles hindi naman yun dahilan para kalimutan ka niya nawalan siya ng oras sayo dahil sa thesis namin, pero ang hindi mo lang alam tuwing nagkakausap kami lagi ka niyang bukang-bibig yung mga magagandang memories nyo kinukwento niya sa amin Charles mahal na mahal ka ng bestfriend ko. Lagi kasi kaming nagrereview para sa thesis kailangan nandun lagi siya para hindi siya mahuli at para kung may matanong man ang pannelist ay makakasagot siya, oo na nagkulang na ang bestfriend ko ng oras sayo pasensya na Charles ako na ang humihingi ng pasensya sayo sana naman pasiyahin mo ulit ang bestfriend ko dahil kagahapon pa malungkot yun simula ng mag break kayo."Paliwanag ni Kenneth kay Charles.
"Alam mo Kenneth ako rin naman hirap din ako na kalimutan yang bestfriend mo dahil mahal na mahal ko yan, siguro talaga yun lang talaga ang hanap ko para sa akin. Ano Kenneth tutulungan mo ba ako na surpresahin bestfriend mo?"Tanong ni Charles
"Oh sige ba, basta para sa bestfriend ko at para bumalik ulit siya sa dating siya na masiyahin at makulit. Ano bang gagawin?"
"Ito yun.............................................................................
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...