Makalipas ang dalawang buwan dumating na ang kaarawan ni Mariel. March 20, 2014. Sina Kenneth at Charles ay tila ba naghahanda sa kaarawan ni Mariel kanya kanya silang bili ng pwede nilang iregalo kay Mariel para sa kaarawan niya.
Si Charles ay bumili ng bouquet of flowers at siyempre chocolate na iba naman sa binigay niya ng sinagot siya ni Mariel. Si Kenneth naman ay iba binilan niya ng life size na teddy bear sa blue magic.
Konti lang ang inimbita ni Mariel sa kaarawan niya yung mga importante lang sa buhay niya tulad ng mga kaibigan niya sa school na sina Claudine, Cammile, at Maridel, at syempre ang babe niya si Charles. At syempre hindi naman mawawala ang long time bestfriend niya si Kenneth.
Balak ni Kenneth na surpresahin si Mariel kasama sina Claudine, Cammile, at Maridel at para na rin ganapin ang tatlong taon nilang pagiging mag bestfriend.
Ganun din naman ang balak ni Charles na surpresahin din si Mariel at kasama niya ang bestfriend niya si Justin.
Pero nung araw na yun ay sabay pa silang nakarating ng bahay ni Mariel pero iba ang kanilang direksyon ng pinagdaanan si Kenneth ay sa kaliwa si Charles naman ay sa kanan siya dumaan na kalye. Nagkagulatan na lang ang lahat ng dumating sila ng sabay sa bahay ni Mariel.
"Bes ! " "Babe ! " Sabay na tawag kay Mariel
Sabay tingin ni Mariel sa kanilang dalawa na may mga hawak na bulaklak at teddy bear.
"Ano to bes? babe?"
"Surprice ! " sabay masamang tingin ni Charles kay Kenneth
"Ahm babe flowers for you happy birthday ! Bago na yan, at chocolate pala." sabay kiss sa lips ni Mariel.
Nang paghalik ni Charles kay Mariel, nagtilian sina Claudine, Maridel, at Cammile. Yun naman ay hindi nakita ng nanay ni Mariel dahil busy ito sa pagluluto sa handa ni Mariel.
"Hoy bessy kayo na talaga ! tignan mo maganda at gwapo nako perfect ! " Sabi naman ni Claudine
"Ahm bes, regalo ko Happy Birthday ! Sorry mejo malaki hah basahin mo mamaya yung letter ko para sayo hah."sabay abot kay Mariel
"Bes ! thank you talaga ang tagal na natin 3 years na pala tayong mag bestfriend sige bes babasahin ko yan ang sweet mo talaga sa bestfriend mo! " ng sinasabi niya yun ay yakap yakap niya si Kenneth."
Habang magkayakap ang dalawa masama ang tingin ni Charles kay Kenneth na tila ba nagseselos dahil sa pagyakap at pag-uusap ng masinsinan.
"Grabe bes ang laki nito magkakasya ba sa kwarto ko ito?"
"Kasya yan bes, ang hindi lang naman nagkakasya yung puso ko." pabulong ito na sinabi ni Kenneth kay Mariel.
"Ano bes? bumubulong ka na naman."
"Sabi ko bes kasya yan malaki naman kwarto mo eh."
"Halika na kayo at kumaen na, wait lang pala mag bo-blow muna ng cake si Mariel."Sabi naman ng Mama ni Mariel.
"Kantahan muna natin ng Happy Birthday si Mariel."
Sabay sabay nilang pinagdiriwang ang kaarawan ni Mariel, nagpabusog, nagkantahan at syempre mawawala pa ba ang inuman yun dun na nangyari ang gulo ng malasing si Charles.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...