Makalipas ang dalawang taon, engaged na sina Kenneth at Mariel at nagtayo sila ng pagpeperahan sa tapat ng bahay nila na computer shop, at dahil may trabaho naman si Mariel at napromote na siya bilang vice president ng kompanya nila, si Kenneth naman ay pumasok bilang marketing executive sa pinapasukan din ni Mariel. Naging matagumpay ang mga sipag at tiyaga nila sa isa't-isa at pati na rin ang pagmamahal.
Naging maganda ang pag-iibigan nila Kenneth at Mariel road to forever na nga sila, may mga tampuhan naman minsan pero hindi sila papayag na aabot ng isang araw ang away nila gusto nila bati agad para hindi na lumaki pa ito. Ang bilis lang ng araw akalain mo yun na dating best friend lang ni Kenneth ngayon future wife na niya at ang dating umaasa na maging sila ngayon hawak na ang kamay at puso niya para dalhin ang apelyidong guevarra. Ang sarap isipin na may ganto pala na pagmamahalan hindi man kayo nung una pero sa huli ay kayo pa rin ang pagtatagpuin ng tadhana.
Ang mama at papa naman ni Kenneth ay nagbalikan din dahil nga wala na ang hapon na kasintahan ng mama ni Kenneth sa kuwait, kaya napagdesisyunan na lang nila na magbalikan para na lamang sa mga anak nila at para na din sa kanila.
Minsan na lamang lumabas o mamasyal sina Mariel at Kenneth dahil na lamang sa mga trabaho nila, pero nung araw ng sabado na parehas nilang walang pasok ay nag date sila sa isang magandang restaurant at ng araw din ng yun ay pinagdiriwang nila ang pangatlong taon ng pagmamahal nila.
"Happy 3rd anniversary Mariel my loves."Sabay hawak sa kamay ni Mariel.
"Happy 3rd anniversary din Kenneth my loves."
Abot ng regalo kay Kenneth. "Oh ito buksan mo na."
"Ay talagang nagregalo ka din, thank you."Sabay bukas sa regalo
"Yan yung gusto mong bilhin dati."Sabi ni Mariel.
"Ay thank you mahal ! Ito yung relo na gusto kong bilihin pero hindi ko mabili kasi wala pa akong pera nun thank you talaga."Sabay lapit kay Mariel at yakap.
"Wala yun eh kasi mahal kita kaya binili ko yun."
"Pero sorry mahal wala akong regalo sayo, di ako nakaalis kahapon eh."
"Ah okay lang yun, ang mahalaga magkasama tayo."
"Joke lang, tignan mo sa ilalim ng lamesa natin."
"Mahal ano ito ? Bakit naka box pa na malaki."Tanong ni Mariel.
"Buksan mo na lang."
"Thank you mahal ! Bags, make-up, at mga teddy bears grabe ka sakin pinaiyak mo ko dun mahal hah."Mangiyak ngiyak na sinabi ni Mariel.
"Alam ko kasi mga gusto mo eh, pag nag-uusap tayo nasasabi mo laaht yan na yan yung gusto mo kaya binili ko para sayo at nialgay ko pala yan nung umihi ka kinuha ko agad sa sasakyan natin."
"Kahit kailan ka talaga laging hindi ko alam, pero maraming salamat sa tatlong taon na pagmamahal natin road to forever na tayo mahal."Sabi ni Mariel.
"Oo hindi kita iiwan may makita man ako na mas maganda sayo, hinding hindi lilingon ang mukha ko sa kanya, sayo lang kasi ikaw lang ang magandang prinsesang nakilala ko."
"yiee grabe ka naman, o yan pala ang pagkain natin tara kumain na tayo at magpakabusog."Sabi ni Mariel.
After 30 mins.....
"Masarap ba ?"Tanong ni Kenneth.
"Oo grabe busog pala dito minsan nga sama natin mga parents natin hindi natin nasasama eh."
"Eh busy rin kasi sila eh, pagkinasal na tayo yan sama-sama na yan."Sabi ni Kenneth.
"Excited ka na ba na magpakasal tayo ?"Tanong ni Mariel.
"Oo naman lahat ng lalaki inaabangan yun na dalhin ang mapapangasawa nila sa altar, at sasabhin na i do father tapos kiss the bride, tapos honey moon ilan ba gusto mong anak mahal ?"Tanong ni Kenneth.
"Ako siguro bente ? hahah hindi sugro kahit tatlo o lima okay na yun basta mapalaki natin sila ng maayos at may takot sa Diyos."
"Oo maganda yun, saan na tayo after nito ? "Tanong ni Kenneth.
"Little bagiuo?"
"Pwede rin nakakamiss rin yun."
Nagpunta silang little bagiuo at tumambay dun ng isang oras pero hindi na ito yung dating puro puno may mga tinatayo na din dung mga gusali yung mga dating puno ay konti na lang kaya hindi na ganun kasarap ang simoy ng hangin at mainit na.
Ang sarap sa pakiramdam na ang kasama mo ngayon ay ang nagpapatibok ngayon ng puso mo, akala mo laging first time niyo lang magkita dahil sa bilis ng tibok ng puso kapag kasama mo siya, kaya kapag nahanap mo na ang forever mo huwag natayong maghanap ng iba dahil sila at sila pa rin ang bagsak natin papahirapan pa ba natin ang tadhana pinagtapo na nga tayo tayo pa lalayo, magpasalamat na lang tayo dahil dumating na ang taong para sayo. Pero kung wala pa naman antayin na lang natin kasi naghihintay naman ang pagmamahal hindi naman nagmamadali yan, kasi kung unahan natin ang tadhana na magdesisyon tayo rin ang masasaktan.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...