Mas lalong humihirap at dumadami ang mga ginagawa nila sa mga subject nila at may mga activities pang ginagawa sa mga ibang subject nila. Kasabay pa nun ang marketing plan nila na dapat matapos na sa susunod na linggo.
Nag groupings sila para sa marketing plan pero ang groupings nila ay halo-halo hindi yung magkakilala. Pito ang miyembro kada grupo, maaga pa lang nandun na sina Mariel, Maridel, Cammile, Mark, Daniel, Dave, at Jolo sa room hinihintay nila ang dalawa dahil mag-uumpisa na ang bilangan para sa groupings.
Nalate sina Kenneth at Claudine ng pasok pagkababang jeep ay saktong kita ni Kenneth kay Claudine.
"Huy Claudine ! Late na tayo bilisan natin."Sabi ni Kenneth kay Mariel.
"Oo nga eh, meron pa naman na groupings ngayon yari tayo kay mam nyan at mawawalan tayo ng grupo."Sabi naman ni Claudine.
Sabay sina Kenneth at Claudine pumasok sa room nila at pero ng pagpasok nila ay saktong tapos na rin ng bilangan ng groupings.
"Mr. Guevarra and Ms. Dionisio maghanap na lang kayo ng may mga kulang pang grupo para makasali kayo kasi kailangan nyo itong marketing plan, palate-late pa kayo alam nyo naman na may groupings tayo."Sabi ng teacher nila Kenneth.
"Sige po mam, sorry po." Sabi ni Kenneth
"Sino pa bang kulang diyan na miyembro?"Sabi ni Claudine sa mga classmate niya.
May grupong kulang pang dalawa pero hindi nila ito kilala wala silang magawa kundi maging kaibigan din sila. Nang matapos ang at lunch hour na rin ay nagsama-sama ang tropa ni Kenneth at tropa ni Mariel sa malapit na fast food restaurant nila.
"Bakit kasi nalate kayo ng pasok siguro nagdate pa kayo noh." Pabirong sabi ni Jolo
"Anong date eh di nga kami close nyan ni Kenneth."Sabi naman ni Claudine.
"Bakit may balak ka ba na maging bes rin ni Kenneth ? " Tanong ni Daniel.
"Huy wala noh, si Mariel lang ang bes niyan."Sabi ni Claudine.
"Hmmm tama na nga yan at kumaen na tayo para mabusog naman ang tiyan natin."Sabi ni Kenneth sa kanila.
Dumaraan ang mga araw halos araw-araw ng magkasama sina Kenneth at Claudine dahil nga sila lang ang magkakilala sa mga kagrupo niya, kaya minsan silang dalawa na lang ang nagkakasama minsan niya na lang sila magsama ni Mariel.
Nang nasa bahay sila ng classmate nya para magtulungan para sa marketing plan. Hindi pa tapos ang marketing plan nila kaya gagawin na lang nila bukas.Umuwi na sila ang laging kasabay ni Kenneth umuwi ay si Claudine na taga kamuning pa. Hinahatid nya pa ito sa bahay nila. Habang naglalakad sila papuntang bahay ni Claudine ay may nakita silang nagtitinda ng kwek-kwek na parehas nilang gusto.
"Kenneth may kwek-kwek dun oh!"sabi ni Claudine.
"Oo nga noh tara kain tayo."nagmamadaling sinabi ni Kenneth.
"Ang sarap talaga ng kwek-kwek no, walang katulad."Sabi ni Claudine kay Kenneth.
"Naku sinabi mo pa, lilibre mo ba ako Claudine ?" Tanong ni Kenneth.
"O sige ililibre kita ngayon pero next time ako naman ang ililibre mo, okay ? " Sabi ni Claudine.
"O sige walang problema, Clauds na lang kaya itawag ko sayo masyadong mahaba kasi yung Claudine eh." Sabi ni Kenneth
"Ikaw bahala kung saan ka masaya, sayo naman neth haha."Sabi naman ni Claudine.
"Haha osige ikaw bahala, tara na nga anong oras na pala ubusin mo na yang kwek-kwek mo."
Sabi ni Kenneth."Wow Kenneth hah, sino bang manlilibre sayo aber?"Pabirong sinabi ni Mariel.
"Sabi ko nga."
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...