Makalipas ang araw na yun ay may halong saya at lungkot ang nadarama ni Mariel dahil makakapag therapy na siya at makakabalik na ulit siya sa dati ngunit ang malungkot ay wala siya ng isang buwan. Pagkauwi ng Mama ni Kenneth dumaan ito sa bahay nila Mariel at may binigay sa kanya.
"Mariel, sabi ni Kenneth ibigay ko raw sayo itong kwintas nagpabili siya sakin para daw sayo tignan mo may mga picture nyo pa. Tanong ko nga ano na nga ba kayo ng anak ko ? Kayo na ba ?"
"Tita sayang naman hindi ako nakapagpasalamat sa kanya, ano yun tita wala naman po kami."
"Hmmm, naku Mariel, may sinabi sa akin si Kenneth sabi niya mahal ka daw niya ikaw hah nahuhulog na yung anak ko sayo."
"Tita naman, may sasabihin lang din po ako parang tinamaan na din po ata ako sa kanya."Sabi ni Mariel.
"Naku, sinasabi ko na nga ba basta ayoko ng mangielam sa inyo matatanda na namn kayo."
"Tita may tanong po pala ako anong oras po yung dalaw dun po sa pinag the-therapy ni Kenneth?"Tanong ni Mariel.
"Araw-araw pwede kang dumalaw sa kanya pero alas-diyes hanggang alas-tres lang ang dalaw eh hindi ba may pasok ka umaga hanggang hapon."
"Oo nga po eh, paano yan hindi ko siya mabibisita."Malungkot na sinabi ni Mariel.
"Wait paano kung sulatan mo na lang siya, para kahit papaano sumaya ng doble ang anak ko."
"Pwede rin po tita, pero tita makakasulat din po ba siya sa akin ? Hindi po ba hirap din po siyang magsulat tita?"
"Yun nga eh, baka sabihin na lang niya tapos ako na lang ang magsulat."
"Sige po tita."Kinilig na sinabi ni Mariel.
Kinabukasan pagpasok niya ng trabaho napag-usapan nila si Kenneth.
"Huy beb ano na ? Kamusta na yung bes mo?"Tanong ni Shasha.
"Yun nandun na siya sa therapy kailangan kasi niya talaga yun eh, para talaga makarecover at bumalik siya sa dati."
"Edi malungkot ka na niyan beb ? Kasi wala na si Papa Kenneth mo ? Ay btw kami na ni Papa Charles charot ! hahaah"Birong sabi ni Shasha.
"Yun nga eh, echosera ka talagang babaita ka kaya nga gagawan ko na lang daw siya ng letter yun kasi nga salungat sa uwi yung araw ng dalaw dun kaya ganun na lang."
"Paano na lang kung mabalitaan mo na may nakilala siyang babae dun naku, Mariel cute si Kenneth alam mo yan naku habulin yun."
"Tss naku hindi yun at alam naman niya kung sinong mamahalin niya, at ako yun."
"Ay beb gumaganun ka na hah, parang dati lang s Papa Charles ang sinasabihan mo nyan naku wag kang magsalita ng tapos beb, nasa huli ang pagsisisi."
"Puro ka kasi nega kasi puro ka lang crush ayaw mo kasing magmahal ?"Tanong ni Mariel.
"Eh kasi beb itong mukhang ito mamahalin beb andami ng magagandang babae sa mundo pang rank 200 na lang ako beb sawa na sila sa gandang pilipina."
"Naku beb hindi naman lagi sa mukha tumitingin ang mga lalaki, minsan tumitingin sila sa ugali at kung paano ka maging mabait sa iba atsaka maganda ka beb, mas maganda lang siguro sila hahaha."
"Ay ganun ba beb ang galing mo talaga noh ? Pag ikaw maganda tapos ako ganda lang ? Nasaan ang hustisya dun kami napapansin niyo lagi kaming ngetpa. Charot ! Beb kasi hindi pa rin ako handa."
"Wow hindi handa wasak na nga."
"Huy tigil-tigilan mo nga yang bunganga mo nakakahiya ka pinagtitinginan na tayo sa canteen oh, hindi pa naman ako wasak slight pa lang beb hahahahh."Birong sabi ni Shasha.
"Ano ba kasing ginagawa nyo pag unang date nyo? Pag nagkakajowa ka?"Tanong ni Mariel.
"Ahm wala beb kumakain lang kami yun lang depende na lang kung bigla kaming liliko sa 3 hours hahaha charot beb!"
"Oh bisto ka na wasak ka na talaga beb, harot mo kasi hindi mo ako gayahin mariang clara pa rin."
"Wow mariang clara imposible yun beb ! Isang taon kayong mahigit ni Charles walang nangyari sa inyo?"
"Wala beb sabi ko kasi kapag kasal na."
"Ay grabe oh ang boring mo palang maging partnet kung ganun."
"Kasi beb ang pangit pag hindi pa kasal, mas okay na yung may bless na ni God bago kami mag ganun."
"Ang arti mo beb akala mo naman, sino bang hinihintay mo na masilip yang underground river mo ? Si Kenneth ba?"
"Anong underground river?"
"Yung annes mo tanga lang beb ? Naku beb kung ibang babae lang ako masasabihan kitang wirdo walang kamuang-muang, ilang taon ka na beb oh 21 years old ka na tapos wala pang experience ew beb."
"Wow maka ew ka beb hah, hindi naman diploma yan beb para talagang gusto kong iaabot may tamang panahon diyan beb wag kang ano, at ang gagawa lang nun ang lalaki maghahatid sa akin sa altar."
"Okay sige sige na ikaw na yung birhen ako na yung hindi at ako na din yung wasak hindi ba yun yung gusto mo beb?"
"Ay grabe beb tampo agad hindi naman sa ganun nirerespeto pa rin kita beb wala akong pakielam kung anong nangyari na sayo basta magkaibigan tayo."
"Naku beb, wait lang ano yang kwintas mo kanino galing yan ?
"Kay Kenneth beb."
"Ay grabe patingin nga ay grabe beb may mukha nyo pang dalawa hah, kabog talaga yun Kenneth na yun ang effort sayo."
"Pinaiwan niya sa Mama niya nakalimutang ibigay sakin nung nagkita kami."
"Wait beb naapakan ko na naman yung buhok mo iponytail mo nga beb ang haba na naman eh. Charot!"
"Tara na nga bumalik na tayo sa trabaho natin nasiyahan tayo sa kwentuhan dito eh."Sabi ni Mariel.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...