Simula 1st year hanggang 4th year nanatili pa rin silang magkaibigan ni Kenneth at Mariel, at hindi pa yun natatapos, dumami pa ang kanilang tropa dahil sa tulong ni Mariel na mawala hiya ni Kenneth natutong makihalubilo si Kenneth sa iba at napag-isipan nilang pag-isahin na lang ang kanya kanyang tropa ni Kenneth at Mariel.
Ngayong graduation day nila tuwang tuwa silang magkakatropa dahil nalagpasan nila ang may kasamang hirap at saya sa buhay kolehiyo. Maraming magagandang ala-ala sa buhay kolehiyo na hindi malilimutan ng magtotropa may mga selosan, awayan, at hindi mawawala ang bonding nilang magtotropa na mas lalong tumibay dahil sa mga pagsubok na yun, minsan puyat at pagod na ang kanilang mga mata sa paggawa ng thesis tiniis nilang magtotropa yun hindi lang para makagawa ng thesis kundi para makakuha sila ng diploma at makapagtrabaho.
Wala silang balak magswimming at gumala dahil ang alam nila ay masama daw yun kapag malapit ng makapagtapos. Kaya ang naisipan na lang nila ay mag-inuman na lang sa bahay ni Kenneth na siya lang naman ang nakatira at dun na din nila gaganapin ang kaarawan ni Kenneth, kahit na matagal pa ito dahil batid ni Kenneth ay pagtapos niyang mag-aral ay pupunta na siyang Kuwait, nakabook na lahat ng flight niya para sa nalalapit niyang pag-aalis papunta sa Mama niya.
Tinawag na ang section nila Kenneth, at isa-isa silang tinawag pa puntang stage, at ng tinawag na sila papuntang stage dahil magkasunod lang ang apelyido nila.
"Mariel Gardo from 4Mktg02."Sabi ng emcee.
After a few minutes...
"Kenneth Guevarra from 4Mktg02"
Natapos na ang graduation nila halos lahat tuwang tuwa batid sa mga saya sa kanilang mga labi mga dating hirap na hirap sa kolehiyo, mga dating nagrereklamo kung bakit pa sila nagkolehiyo, mga dating laging nagpupuyat sa kolehiyo para gawin ang mga assignments, projects, at thesis ngayon ay tapos na mag-aral ngayon. Panibagong pagsubok naman ang darating sa kanila pagtapos nila mag-aral nandiyan na ang maghahanap na sila ng trabaho at may mga kanya kanyang paa na kung paano kumita ng pera.
Nung araw na yun masaya si Kenneth dahil ang kasama niyang tumanggap ng diploma ay ang tatay niya na buti nakarating na akala niya hindi dahil sa sobrang busy sa trabaho kasama niya rin ang isang kapatid niya na si Tristan, pero ganun pa man ay nakarating pa rin siya malayo man sila ng kanyang tatay ay mahal na mahal ni Kenneth ito dahil kung wala siya ay hindi rin makikilala ng isang Mariel ang Kenneth Guevarra.
"Hello po tito, ikaw po pala yung tatay ni Kenneth mejo magkahawig po kayo tito parehong gwapo."
"Hi ikaw ba yung bestfriend ng anak ko ? Kasi minsan lang kami mag-usap ni Kenneth dahil nga sa sobrang busy ko, pero nakwento ka niya sa akin mabait ka daw at huwag mong iiwanan anak ko hah, at salamat dahil ikaw ang nagpapasaya sa kanya kahit wala siyang kasama sa bahay."Sabi ng Tatay ni Kenneth.
"Wala po yun tito, binabalik ko lang po ang binibigay sakin ni Kenneth na pagmamahal din po sa akin bilang kaibigan dahil po yung anak nyo po naku sobrang sipag at sobrang bait po. Kumbaga tito walang tapon lahat kain."Sabi ni Mariel.
"Huy tama na nga yan tara na at magpicture tayong magtotropa dun, pa papicture naman kami magtotropa."Sabi ni Kenneth.
"Oh sige game 1...........2..............3.............. Okay na . Isa pa 1............2.............3.......... Wacky ! 1...........2............3......... "Sigaw ng papa niya.
Matapos ang graduation nila ay nag-usap ang magtotropa na mamayang gabi ay pupunta kila Kenneth para mag-inuman at magsaya ata may surprise party para kay Kenneth kahit malayo pa ang kaarawan niya. Para may masayang aalala siya kasama ang mga tropa niya. Pero nung araw na yun ay kumain muna sa restaurant ang mag-aama.
"Pa andami naman ng inorder nyo pang buong baranggay yan pa hah."Sabi ni Kenneth sa Papa niya.
"Ganun talaga anak, yan na yung mga kulang na pagmamahal at pag-aaruga ko sa iyo na kahit wala ako at wala ang mama mo sa piling mo, ay nagawa mo pa rin makatapos ng pag-aaral."
"Kuya congrats sana po maging katulad din po kita, ikaw po ang idol kuya ko sana makatapos din po ako ng pag-aaral parang ikaw rin po."Sabi ni Tristan."
"Alam mo Tristan kapatid makakaya mo rin ito, siguro nga mas mataas ka pa sa akin malay mo magka award ka pa hindi ba, kailangan mo lang ng sipag at tiyaga madalas man natin ito gamitin kahit nakakasawa na pero ito lang ang sikreto Tristan, daig ng masipag ang matalino."
"Pero kuya pag ang matalino naging masipag wala na ? Hhahaha!"Pabirong sinabi ni Tristan."
"Oo pero atlis nagsipag ka at wala kang ginawang masama diba?"Sabi ni Kenneth.
"Oh ayan na yung pagkain natin tara na kain na tayo."Sabi ng Papa ni Kenneth.
May mga bagay talaga na masarap alalahanin lalo na itong araw na ito ang sarap sa pakiramdam na makatapos ng pag-aaral, may mga ibang tao na pinagkait na makapag-aral kaya magpasalamat na lang tayo dahil nakapagtapos tayo ng pag-aaral dahil hindi lahat ng tao ay nakakamit ito. Pero hindi rin naman lahat ng mga nakapagtapos ay nakakakuha ng magandang trabaho, kaya kung nandiyan pa ang mga importanteng bagay, trabaho o tao na nasa iyo ay pahalagahan mo ito, dahil hindi laging nandiyan ang mga bagay, trabaho at tao. Walang permanente sa mundo lahat nawawala kaya habang may oras pa ay mahalin natin kung ano ang nasa atin dahil pagdating ng araw ikaw rin ang makikinabang niyan hindi ang iba.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...