Tinulungan ni Kenneth si Mariel para magkabati ulit sila ni Charles, kaya na lamang gumawa ng paraan si Kenneth para kausapin si Charles, sa usapan nila ay naging maganda dahil pareho naman na mahal pa nila ang isa't-isa kaya nagpapasalamat si Kenneth kay Charles na mahal pa rin niya si Mariel kaya tinulungan niya si Charles kahit na labag sa loob niya ang mga pinaggawa niya ginagawa niya na lamang ito para sa bestfriend niya at para na rin hindi na rin sya malungkot.
"Kenneth ano bang magandang gawin para surpresahin ang bestfriend mo?"Tanong ni Charles.
"May naisip ako Charles, diba 1st anniversary nyo bukas ? Paano kung hintayin mo siya sa bahay nila sasabihan ko si tita para dun ka muna tapos wag kang magpakita sa kanya, tapos sasabayan ko siyang umuwi yun sabay pasok mo depende na lang sayo kung anong bibigay mo sa bestfriend ko."
"Maganda yan sige sige, gawin natin yan by the way, thank you dati nagseselos pa ako sayo pero ngayon ngayon ko lang narealize na wala ka talagang intensyon na agawin siya sa akin, bestfriend mo talaga siya."Sabay apir kay Kenneth.
Kinabukasan naghanda agad siya ng mga kakailanganin para kay Mariel. Gumawa siya ng banner na nakalagay ay "Happy 1st Anniversary Babe!" at iba naman ang binili niya bumili siya ng limang stuff toys na may mga iba't ibang mga letra pero pag binuo ay MARIEL sinabihan ni Kenneth ang Mama ni Mariel para dun muna si Charles at hintayin si Mariel pag naka-uwe na ito.
"Tita may pakiusap lang po ako, pwede po bang dito muna po si Charles?"
"Bakit ? At hindi ba wala na sila ng anak ko nung nakaraan pa nga malungkot ang anak ko at magang-maga na ang mata dahil dyan kay Charles."Sabi ng mama niya.
"Ah tita wala na nga po sila, pero mahal pa po ni Charles si Mariel at ganun din po si Mariel."Sabi ni Kenneth.
"Tita totoo po yun mahal ko po ang anak nyo hindi muna po ako pumasok ng trabaho, para po sa kanya sosorpresahin ko po siya mamaya para po maging kami po ulit ni Mariel."Sabi ni Charles.
"Oh sige sige na nga, para naman sumaya ang anak ko at para na din hindi na malungkot. Basta mag-aaral kayong mabuti, mga 4:30 pa uwi nun."Sabi ng Mama ni Mariel.
"Sige po kaya ko naman pong maghintay tita."Sabi naman ni Charles.
"Charles papasok na ako at late na ako dyan na muna at magkwentuhan muna kayo ni tita juliet."
"Oh sige ingat ka."Sabay apir kay Kenneth.
Nalate si Kenneth sa klase dahil nga sa pinaalam niya muna si Charles sa Mama ni Mariel kaya tinanong agad siya ni Mariel.
"Bes ? Bakit late ka ?"Tanong ni Mariel.
"Kasi bes tinanghali ako ng gising ."
"Ano na bang ginagawa bes?"Tanong ni Kenneth.
"Bes last lecture na daw natin ito dahil magpapractice na daw tayo sa pagmartsa sa nalalapit nating graduation."Sabi ni Mariel
"Ah tara na makinig na nga tayo."
Matapos ng klase nila sinabayan ni Kenneth si Mariel para sa surpresa ni Charles sa bahay nila.
Pagkauwi ni Mariel nagulat na lamang siya na may daanan na puro rosas at yun ang daan patungo sa bahay nila."Ano ito bes ? Ikaw ba may gawa nito?" Tanong ni Mariel.
"Basta tignan mo na lang."
"Hi babe ! Happy Anniversary ! Sorry babe hindi pala kitang kayang iwan, hindi ako sanay ng hindi ka kasama sasamahan kita hanggang sa tumanda na tayo. Babe i love you so much, tignan mo yung mga stuff toys."
"Babe naman, mahal na mahal din kita ayoko din mawala ka at sasamahan din kita pagtanda, ay ang ganda naman niyan babe thank you talaga?"Sabay yakap kay Charles.
"Naku baka naman mabalitaan ko hiwalay na naman kayo hah, ayus-ayusin nyo pati na rin yung pag-aaral nyo."Sabi ng Mama ni Mariel.
"Hindi po tita wala na pong iwanan, mahal na mahal ko po ang anak niyo. Baka po next sem mag-aaral na po ako tita may pang tuition na po ako."
"Sige maganda."
Sa kabilang banda naman si Kenneth naman ay masayang masaya dahil bati na sila, siguro nga tinaggap niya na lang na wala na talaga silang pag-asa ni Mariel. May mga bagay talaga na hanggang dun na lang talaga at pasalamatan na lang natin ito dahil may nakilala tayong isang bestfriend na laging nandiyan at sumusuporta sa atin, mahirap at masarap maging isang Kenneth, dahil may kasamang lungkot at saya ang nadarama. Masaya dahil pag nagkakaproblema siya nandiyan lang si Mariel para sa kanya. Malungkot naman dahil sa tuwing nakikita nilang masaya siya ka kasama si Charles, nasasaktan siya dahil nga mas mahaba ang pinagsamahan, pero ngayon tanggap na ni Kenneth na wala na talaga may label naman sila pero ang label nila kaibigan na lang at hindi pwedeng maging sila.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...