Chapter 35 (Can't help falling in love with you)

182 7 4
                                    

Makalipas ang isang linggo nilang walang kita at usap ni Kenneth, sinasadya niyang hindi nagpapakita kay Kenneth kahit na pumupunta si Kenneth sa bahay nila Mariel nagtatago na lamang siya. Nagpatulong siya kay Shasha kung anong gagawin niya kung kakalimutan niya ba si Charles o bibigyan ng chance ang bestfriend niya.

"Beb, bakit hindi ka pa kumakain ? Diet ka ba ?"Tanong ni Shasha.

"Beb may iniisip lang ako."

"Ano naman yun ? Dahil ba yan kay Papa Charles?"

"Oo at kay Kenneth."

"Kenneth? bakit naman siya nasama?"

"Beb kasi nagkagusto na siya sa akin, beb alam mo naman dati pa naman na alam ko na may gusto sa akin yun, pero ngayon iba na eh mahal niya na daw ako kasi hindi niya kasi naalala yung kay Charles nun at yung ala-ala naming mag bestfriend."Sabi ni Mariel.

"Wait beb, i-ponytail nga natin buhok mo ang haba sobra eh, hahah charot ! beb dalawang gwapo yung iniisip mo naku beb, how to be you po?"Birong sinabi ni Shasha.

"Praning kasi beb ewan ko lang napamahal na din yata ako kay Kenneth, kasi iba siya eh iba yung pagka gentle man niya nung hindi pa siya naaksidente yung una palang kami nagkakilala beb sobrang bait, mejo gwapo, tapos hindi mayabang at ngsb pa diba hinihintay niya talaga ang the one niya. Pero hindi ko alam kung ako yun o ibang tao."

"Hala siya pabebe lang beb ? Ikaw ang hinihintay nun at diba nga sabi mo mahal ka na nun beb naku kung ako sayo pupusuan ko na din yun si Papa Kenneth hahahah !"

"Ewan ko sayo puro ka Papa, kaya walang nagtatagal sayo eh hindi ka nagseseryoso."

"Wow beb hah, nagsalita ka naman beb hindi mo ba alam ako ang gumagastos sa kanila ako ang nagiging lalaki beb alam mo yun ? Yung ipon mo ng isang taon mauubos lang ng isang araw sakit beb."

"Eh kasi naman kung hindi ka naman tanga ka eh, bakit ikaw gumagastos ? Babae ka girl dapat ikaw yung ginagastusan."

"Beb kasi yung ka date ko yung pinaka famous na at campus crush dati eh syempre hindi na ako magpapabebe, binigay ko sa kanya."

"Ano yun beb anong binigay mo ? Wasak na beb ?"Tanong ni Mariel.

"Huy kung anong iniisip mo, binigay ko sa kanya yung mga hiling niya ."

"O anong hiling niya? Yung wawasakin ka ?"

"Ano ka ba beb? Kaibigan ba kita puro ka wasak gusto mo na ba ako pa laspagin ? Beb binigay ko kung anong gusto niyang kainin kasi wala daw siyang pera nung araw na yun kaya beb para akong na hypnotize ng kagwapuhan niya."

"Ewan ko sayo beb puro ka kasi puso hindi ka gumagamit ng utak."

"Eh kese beb peg nendyen ne sye ene eh, ebe eng nereremdemen ke, newewele ne eng etek ke."

"Ano yan nagiiba ka ng lenggwahe ? Ang weird mo talaga beb."

"Beb, may gwapo hindi ba yan yung gwapo na ka officemate natin."

"Oo nga beb ang gwapo."

"Wait bakit nagbeso sa isang lalaki shit beb, bakla pala buset ang gwapo nga bakla setbu siya."

"Hhahaha yan ba yung gusto mo ? hahah mahirap na magtiwala ngayon beb."

Pagka-uwi ni Mariel ay nagulat na lamang siya ay nag-aabang sa kanya si Kenneth, sa bahay nila kaya may halong tuwa at kaba ang nadarama niya biglang bumilis ang takbo ng dibdib niya ng hindi inaasahan.

"Bes ? Anong ginagawa mo dito ?"Tanong ni Mariel.

"Be-bes hi-hindi ka na ka-kasi bu-bumibista sa ba-bahay kaya a-ako na la-lang ang pu-pumunta di-dito."

"Mariel kumaen ka na at sabayan mo na kami ng bestfriend mo kumain. Bakit parang gulat na gulat ka naman ng makita mo si Kenneth ?" Tanong ng Mama niya.

"Wala po ma sige po kain na po tayo."

Habang kumakain sila ay tila ba ilang si Mariel kay Kenneth na tumingin tumitingin na lang siya sa kinakain niya, at medjo nanginginig ang kamay na tila ba kinakabahan o kinikilig kay Kenneth.

"Be-bes o-okay ka la-lang ba?"Tanong ni Kenneth.

Napatitig na lang si Mariel sa mukha ni Kenneth at tinanong ulit siya ni Kenneth.

"Huy ! O-okay ka lang ba tanong ko?"

"Ah oo bes kasi kanina may nahulog lang na babae dun sa malapit sa pinapasukan ko, nahulog na yata sa bestfriend niya."Pabulong na sinabi niya.

"Be-bes a-ano yun ?"

"Sabi ko nahulog yung babae sa basta bes kain na lang tayo para mabusog at baka pagalitan ka ng mama mo hah, pag ginabi ka ng uwi."Sabi ni Mariel.

"Su-sunduin ni-niya na-naman daw ni-niya ako be-bes eh, su-sulitin mu-muna na-natin ang ba-bawat sa-sandali ha-habang hi-hindi pa ako na-nag the-therapy."

Matapos nilang kumaen ay nagkwentuhan muna sila sa bahay nina Mariel at pinakita ni Mariel ang picture nila nung first year college hanggang 4th year college, tila ba ginugol nila ang oras sa saya at ala-ala ng pagkakaibigan nila, habang nagkukwentuhan sila ay nakatulog si Kenneth sa balikat ni Mariel at sabay nun ay hinawakan niya ito sa ulo at tila ba may binubulong kay Kenneth.

"Bes, alam mo siguro kung hindi tayo naging mag bestfriend o siguro kung nagkakilala lang tayo at niligawan mo ako ng maaga pa lang, siguro matagal na tayo dahil ibang-iba ka sa kanila ikaw lang ang lalaking hindi naghahanap ng maganda ikaw yung lalaking gusto munang makakamit ng diploma bago ang lovelife mo, hindi mo ba alam bes ? Idol kita dahil hindi lang sa matalino ka gentle man ka pa marespeto ka sa mga babae kahit nga yung iba napagkakamalan na tayo dahil sa sobrang care mo sa akin. Pero bes bakit ganto ang nararamdaman ko ngayon ? Bakit iba ? Ngayon nandiyan ka malakas ang at mabilis ang tibok ng puso ko. Bes hindi ko alam mukhang nahuhulog na yata ako sayo pero hindi ko alam bes kung tama yung desisyon ko. I love you."Sabi ni Mariel kay Kenneth.

Habang sinsabi niya ito ay unti-unting hinahawakan ang kamay ni Mariel at....

"I la-love you too din be-bes."

"Bes ? Narinig mo lahat?"

"O-Oo a-ang ga-ganda mo."Sabay pisil sa pisngi ni Mariel.

"Narinig mo pa pala yun bes joke lang yun hah, kalimutan mo na lang sana guma na yung sakit mo ngayon charot!"Birong sabi niya.

"Be-bes i-ikaw yu-yung na-nakilala ko-kong ba-babae na ma-may mabuting pu-puso at da-damdamin."

Pagkasabi ni Kenneth nun ay sabay naman ng tawag sa labas ng Mama niya, nagyakapan muna sila bago sila magpaalam at tila ba nabahiran ng saya at kilig ang mga mukha nila. 

Ito na nga ba ang pinakahihintay ni Kenneth na mahulog na din si Mariel sa kanya ? Magiging sila ba o kapag nakita niya ulit si Charles ay bumalik ulit siya dun ? Hindi rin alam ng writer kung sino ba ang bagay, yung Campus crush dati o yung matalik na kaibigan ni Mariel. Comment below kung sinong bet niyo hahahaha mema lang.



Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon