Matapos ang gabing inuman, sayahan at kulitan ng magtotropa kanya kanya na silang umuwi ng umaga, ang naiwan na lang dun ay sina Kenneth at Mariel tinulungan ni Mariel si Kenneth para maglinis sa bahay nila.
"Nakatulog ka ba ng mahimbing bes ?"Tanong ni Mariel.
"Hindi nga eh, ang ingay nila haha!"
"Oo ako din, ang ingay ni Mark nagdadrama buset."Sabi ni Mariel.
"Pero bes kanina saglit lang tulog ko pero parang ang lalim eh, kasi nanaginip ako na maaksidente daw pero hindi ko alam kung sino. Sana hindi magkatotoo yun."Sabi ni Kenneth.
"Alam mo bes ang nangyayari sa panaginip ay kabaliktaran ng nangyayari sa totoong buhay, bukas na pala alis mo bes noh, mamimiss talaga kita bes."Sabay yakap kay Kenneth.
"Tara na maglinis na tayo, at maghahanda na ako ng mga dadalhin."
"Sige, pagtapos niyan bes lutuan mo ko ng chicken curry hah ! "
"Oh sige na yung favorite nating dalawa."
Kinabukasan nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin niya at pati na rin siya handa na para umalis sa Pilipinas. Kasabay ni Kenneth magpuntang airport ang tatay niya at isang kapatid niya pati na rin ang mga tropa nyang lalaki. Kaso si Mariel ay malelate ata ng dating kasi nung araw na yun ay interview niya sa papasukan niyang trabaho, pero kahit ganun naabutan niya pa rin si Kenneth pero.....
"Pare mamimiss ka namin, ng mga tropa."Sabi ni Daniel.
"Oo nga eh mamimiss ko din kayo yun nga lang wala pa bestfriend ko, ang tagal niya."Malungkot na sinabi ni Kenneth.
"Kenneth, malapit ka ng umalis basta magtext ka at ikamusta mo kami sa Mama mo."Sabi ng Papa ni Kenneth.
"Opo ecited na nga po ako, makapunta sa kanya."
"Guys huwag nyo akong kalimutan hah, wag kayong magbabago dapat kung sino ang nakilala kong tropa dati dapat sila parin yun, walang magbabago hah."Mangiyak ngiyak na sinabi ni Kenneth ito.
"Alis na ako pakisabi na lang kay Mariel na mahal na mahal ko siya bilang kaibigan at mamimiss ko siya."Sabi ni Kenneth.
"Oh sige, pare hindi kami magbabago at sasabihin namin yan para sa bestfriend mo."Sabi ni Jolo.
"Thank you sige na, alis na ako."Sabi ni Kenneth.
Nang matapos nilang mag-usap, dahan-dahan umalis si Kenneth pagkatalikod niya saka naman tawag sa kanya ni Mariel at nagmamadali ito na yakapin siya.
"Bes ! Kenneth !"Sigaw na sinabi ni Mariel.
"Bes ? bakit ka umiiyak ? at ang tagal mong dumating?"Tanong ni Kenneth.
"Bes sorry kasi may interview ako kanina, bes tatawagan daw ako pag pasok ako. Bes hindi kita makakalimutan ikaw pa rin ang nanatiling bestfriend sa buhay ko, huwag mo kong kakalimutan hah lagi kang magchachat sa akin, pag sineen mo ako naku magtatampo ako sayo."Umiiyak habang nagsasalita si Mariel.
"Bes may tanong ako, gusto kong malaman yung sinasabi mong crush sa akin dati na may mahal ng iba sino yun bes ?"
"Bes pasensya na..."Sabi ni Kenneth.
"Bakit ka nagsosorry ?"Tanong ni Mariel.
"Bes ikaw yun, crush kita dati pa yung nagperform ka sa stage may dala akong flowers nun para talaga sayo pero ng malaman ko na nanliligaw na pala si Charles sayo nun, bes ako na lang nag-adjust. Bes mahal kita dati pa simula ng magkakilala tayo lagi kong inistalk yung fb mo dahil ang ganda ganda mo at ang bait bait mo. Mahal na mahal kita bes pero kung mas mapapaganda ang pagkakaibigan natin hindi ko na lang sinabi sayo na ikaw ang crush ko."Paliwanag ni Kenneth.
"Bes naman, alam mo nunng hindi ko pa naman din nakikilala si Charles pinangarap na kita, nagtatanong ako kung paano kaya kung maging tayo siguro magkakaroon tayo ng pamilya na maganda bes crush kita dati hindi ka man sobrang gwapo dati pero iba yung bait mo bes. Mahal na mahal din kita bes pero hanggang bestfriend na lang talaga tayo, sige na baka mahuli ka na."Sabi ni Mariel.
Matapos silang mag-usap ni Mariel ay tinawag na ang pangalan ni Kenneth sa airport para umalis para sa mga bagahe niya, makalipas ang kalahating oras ay nakaalis na ang eroplano ni Kenneth papuntang kuwait. Umuwi sila ng may halong saya at lungkot hindi man nila na makakasama si Kenneth atlis meron siyang magandang ala-ala na binigay niya sa mga kaibigan nya at pati na rin sa mga magulang niya. Pero ng pag-alis niya ng Pilipinas may trahedyang darating kay Kenneth ng biglang magka low-pressure area sa daraanan ng eroplano ni Kenneth.
May masamang balita na napanuod sina Mariel kasama ang Mama niya, at nangamba sila dahil ang eroplano na bumagsak ay eroplano ni Kenneth.
Tv Reporter
Isang eroplano nag crash sa south china sea, dahil sa biglaang low pressure area.
"Ma, hindi ba sa eroplano ni Kenneth ito?"
"Anak maraming eroplano dun siguro hindi naman sa kanya yan sana nga hindi."Sabi ng Mama ni Mariel.
Pero ng nilagay na ang mga pangalan na nakasakay ay nagulat na lang sila na kasama pala si Kenneth. Agad tinawagan ang Papa ni Kenneth sa nangyari na nasa bahay pa nila sa BMA.
"Tito eroplano ni Kenneth ang lumubog sa south china sea."
"Mariel, napanuod ko naghahanda na ako ngayon aalis ako at pupunta akong NAIA."
"Tito sasama ako sasama ko si Mama."
Nagpunta silang NAIA, naghintay sila magdamag dun, dun na din sila natulog. Makalipas ang isang araw, isa-isang nilalabas ang mga bangkay ng mga pasahero at puro iyak ang naririnig nila umiiyak din sila habang hinihintay kung buhay ba si Kenneth o patay na.
Pero ng makita ni Mariel si Kenneth napansin niya agad ang suot nito.
"Ahmmm kuya kaibigan ko po yan humihinga pa po ba ?"Tanong ni Mariel
"Humihinga pa siya kaya kailangan agapan agad, para hindi mawala ang hininga nya."
"Huwag nyo pong pababayaan ang anak ko gawin nyo po ang lahat."Sabi ng Papa ni Kenneth.
Sumama sila sa ospital para malaman din nila ang lagay ni Kenneth sabay sabay silang nagdadasal at humingi ng tulong sa Panginoon. Nung oras na yun ay ginagawa ng lahat ng doctor para mabuhay pa si Kenneth.
Emergency Room
"Ihanda nyo ang CPR Machine, hinahabol niya na ang hininga niya."Sabi ng Doctor.
"Sige Doc, okay na po."
"Okay Clear............................Clear.......................Clear...................................."
Nung oras na yun nag-aabang silang apat sa labas ng ER hinihintay nila ang resulta. Pagkalabas ng doctor agad-agad tinanong ng Papa ni Kenneth ang lagay ng anak niya.
"Doc kamusta na po ang anak ko ?"
"Sa ngayon okay na siya buti na lang lumalaban siya, ramdam ko na ayaw pa niya mamatay."
"Maraming salamat po doc."Sabay yakap sa doctor.
Hindi ko alam kung anong nangyari nung araw na yun ang alam ko lang nakikinig ako ng music nung nasa loob ako ng eroplano, biglang may nagwarning at may mga nagsabi na babagsak na daw kami akala ko hindi na ako mabubuhay nung araw na yun. Dahil wala talaga ako ng malay pero maraming salamat sa Panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan at hindi ko pa oras dahil may mga naghihintay sa akin mga mahal ko sa buhay.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...