Chapter 33 (New Gf)

210 6 4
                                    

Sa kabila ng pagkukulang ni Mariel kay Charles sa nagkakatalo sila sa oras kaya hindi silaw magkita kapag weekdays, habang sila pa ni Mariel ay may dinidiskartihan na siya dun sa pinagtatrabahuhan niyang fastfood restaurant. Nakita ni Shasha si Charles na papasok pa lang ng trabaho na kasabay yung bagong babae niya at magkaholding hands pa sila, kaya pasimple niyang pinicturan yung dalawa para may pruweba na si Charles yun at hindi siya nagkakamali.

"Grabe ka Papa Charles ganyan ka pala ka demonyong hinayupak ka, buti gwapo ka naku dapat malaman ito ni beb." Pabulong na sinabi ni Shasha.

Text Conversation

Shasha : Beb kita tayo ngayon, ngayon na hah wala akong pake kung nasa bahay ka ngayon basta may dapat kang malaman wala kasi akong internet eh, ipasa ko na lang sana ito yung picture.

Mariel : Ano ba yun beb ? Ang sarap-sarap na ng higa ko dito oh, ginugulo mo pa osige na saan tayo kita ?

Shasha : Kahit sa Puregold Qi na lang para malapit.

Nang magkita silang dalawa ay kinuwento niya ang nakita niya kanina at pinakita niya kay Mariel ang picture na may bago na pala si Charles, sa kadahilanan nun ay umiyak ulit si Mariel.

"Nakaka beastmode talaga yun Charles na yun eh, buti na lang nakita mo beb kasi kung hindi mo nakita yun puro palusot na naman yun."Sabi ni Mariel.

"Oo nga eh, ang tanong kung ilang weeks o months na ba sila o bago pa lang diba ? Kung ilang weeks o ilang months ka ng niloloko ni Charles."Sabi ni Shasha.

Kinabukasan ay napag-isipan nina Shasha at Mariel na antayin si Charles at pa ti na rin yung bago niya at mabuti na lang at sumakto na magkaholding hands na naman sila at nakita nina Mariel at Shasha at harap harapan kinausap ni Mariel sila.

"Wow Charles ang bilis ng panahon noh ? May bago ka na pala."Sabi ni Mariel 

"Loves sino siya ?"Tanong ng bagong girlfriend ni Charles.

"Wow loves pa ang callsign nyo hah, ako lang naman ang girlfriend niya, bakit ilang months na ba kayo?"Tanong ni Mariel.

"Mariel sorry, mauna na kami."Sabi ni Charles, sabay lakad nilang dalawa.

"Sorry ganyan ka ba kaduwag Charles para harapin ang totoong girlfriend mo ang kapal ng mukha mo, goodluck na lang sa inyo."Habang sinasabi niya yun ay mangiyak ngiyak na siya.

Hindi na lamang pinansin ni Charles ang sinabi ni Mariel, at si Mariel naman ay umuwing luhaan na naman na magang maga na nung isang araw pa dahil kay Charles at hanggang ngayon. Hirap na hirap tanggapin ni Mariel ang ginawa sa kanya ni Charles at hindi niya napigilan na pumunta kay Kenneth para mapawi ang luha niya.

(Knock.......Knock......)

"Bes nandiyan ka ba?"Sigaw ni Mariel.

"Be-bes ba-bakit ?" Tanong ni Kenneth.

"Pwede bang diyan muna ako ? Gusto ko lang mapasaya mo ako at makalimutan yung sakit."

"Pu-pwede bes we-welcome ka-ka dito."

Nagpunta si Mariel kila Kenneth habang wala ang Mama niya dahil nag part time job ay nanuod sila ng mga movies at pagkatapos nilang manuod ay nag-usap na sila at may tinanong si Mariel.

"Bes sa tingin mo pare-parehas ba lahat ng lalaki?"Tanong ni Mariel.

"Be-bes pa-pare-parehas ka-kami a-ang pa-pagkakaiba la-lang a-ay a-ang hi-hitsura."Sabi ni Kenneth.

"Hindi bes ang tanong ko pare-parehas lang ba na manloloko ang mga lalaki ? "

"Be-bes no-normal sa la-lalaki na ma-magkagusto o ma-magkacrush ka-kahit ma-may jo-jowa na, pe-pero ang hi-hindi no-normal a-ay ma-magmahal si-siya ng i-iba ka-kahit na may girlfriend pa-pa si-siya. Be-bes ma-may bo-boyfriend ka-ka ba?"Tanong ni Kenneth.

"Oo bes niloko niya ako, habang kami pa ay nakahanap na siya ng iba nagkulang naman talaga ako sa oras para sa kanya pero bes dahilan ba yun hindi ba kapag mahal mo lahat gagawin mo para mapasaya habang nasayo pa?"

"Be-bes wait la-lang dyan ka-ka lang."

"Anong gagawin mo bes ?"Tanong ni Mariel.

Kumuha ng isang rosas si Kenneth dun sa may flower vase nila at nilagay sa ibabaw ng tenga ni Mariel at nagustuhan naman yun ni Mariel at kinatuwa niya.

"Be-bes ba-bagay sa-sayo ito, ang ga-ganda mo-mo be-bes."

"Talaga bes ? Thank you at naapreciate mo ang kagandahan ng bes mo."

"Hi-hindi ko a-alam ku-kung ba-bakit ka ni-niloloko ng mga la-lalaki  na yun a-ang ga-ganda ganda mo."Sabi ni Kenneth.

"Hindi ko rin alam bes eh, ang alam ko lang manloloko siya."Galit na sinabi ni Mariel.

"Ma-maghanap ka-ka na lang ng i-iba be-bes, ma-marami ka-ka pang ma-mahahanap diyan be-bes  ma-malay mo nandiyan la-lang si-siya sa ta-tabi-tabi."

"Sana nga ikaw na lang."Pabulong na sinabi ni Mariel.

"A-ano be-bes ? Hi-hindi ko na-narinig?"Tanong ni Kenneth.

"Ang sabi ko sana nga nandiyan lang siya."

Habang nagkukwentuhan sila ni Kenneth sabay naman ng pag-uwi ng Mama ni Kenneth, at may magandang balita para kay Kenneth.

"Tita mano po."

"Kaawaan ka ng Diyos Mariel."

"May magandang balita ako sayo anak may napuntahan akong therapy sa pagsasalita at may mga kagaya ka din dun, pero dun ka na muna isang buwan ka dun para masanay kang magsalita at masanay ka sa kalagayan mo ngayon."Paliwanag ng Mama niya.

"Ma pa-paano po si be-bes ? Ma-maghihiwalay na po ka-kami?"

"Bes bibisita naman ako sa sayo dun ang mahalaga ay bumalik yung pananalita mo at bumalik ulit yung mga nawala mong ala-ala."

"Si-sige bes."

"Kailan po ba yan tita ?"Tanong ni Mariel.

"Ah sa linggo pa naman."

"Ah tatlong araw pa pala, tita pwede po ba sa tatlong araw na yun ay magbonding po kami ni Kenneth gumala lang po kami susulitin ko na po kasama po ang bestfriend ko, okay lang po ba tita?"

"Sige lang Mariel, basta masaya ang anak ko okay ako diyan."

"Thank you po tita !"Sabay yakap sa kanya.

Si Bes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon