Isang araw ay nagulat sina Mariel at Kenneth ng magstatus sa facebook si Dave na may reunion daw na magaganap sa mga tropa niya nung college kaya agad-agad nagsireply ang mga tropa niya kasama na si Kenneth na pupunta daw dun sa reunion, at nagulat ay nagreply din si Charles na dating karibal ni Kenneth kay Mariel.
Magkikita muli sila makalipas ang tatlong taon.
Dumating na ang araw ng reunion nila ay nagpunta sila sa bahay nila Dave at Cammile na mag-asawa na nga, kumpleto silang magbabarkada nung college halos lahat may mga asawa na at ng pagpunta nina Kenneth at Mariel ay nagulat na lamang sila at hindi makapaniwala na sila na.
"Mariel ? Kenneth ? Kayo na ba talaga ?"Tanong ni Dave.
"Oo tatlong taon na kami."Sabi ni Mariel.
"Grabe noh may forever talaga, bakit naman hindi namin nabalitaan yan ?"Tanong ni Daniel.
"Wala lang gusto lang namin ng tahimik na relasyon hindi muna namin sinabi sa iba para ma-surprise kayo."
"Well congrats Kenneth naku magiinuman tayo magdamag yung huling kita namin sayo nasa ospital ka pa, ayos ka na ba?"
"Oo naman minsan sumasakit lang ulo ko kaya may gamot akong iniinom dito pag sumakit."
Nagulat na lang silang lahat na biglang dumating si Charles kaya ng magharap sila ni Kenneth.
"Kamusta ? Pasensya na dati, live-in partner ko nga pala si angelika."Sabay hawak sa kamay sa girlfriend niya.
"Wow ! Grabe congrats Charles at lis nahanap mo na talaga ang babaeng para sayo."Sabi ni Dave.
"Charles ! Congrats Bro pasensya na rin yung dati nakaraan na yun hayaan na natin, ah Angelika si Mariel nga pala yung naging ni Charles dati ngayon naman ay tropa tropa na lang."Sabi ni Kenneth.
"Hi Angelika Mariel nga pala."
"Bagay na bagay talaga kayo ni Mariel siguro nga pinagtagpo lang kami hindi lang tinadhana."Sabi ni Charles.
"Tara na at mag-inuman na tayo ! Ubusin na naitn ang mga alak !"Sigaw ni Jolo.
Matapos maubos ang limang bucket ay may mga amats na sila, nagkwentuhan sina Charles at Kenneth at ang mga ibang tropa naman nila ay may mga kanya-kanyang mga pinag-uusapan din.
"Pare pasensya na talaga sa nangyari dati, at ang swerte swerte mo na si Mariel ang nakatuluyan mo maraming nagkakagusto kay Mariel tapos ikaw pala yung talagang para sa kanya."
"Wala yun siguro nga talagang tinadhana kami, at ang swerte mo rin naman dahil nakilala mo na rin yung para sayo talaga."Sabi ni Kenneth.
"Oo nga siguro ganun nga ginawa ng tadhana di kami tinadhana ni Mariel kayo pala tapos tinadhana naman kami ni Angelika."Sabi ni Charles.
"Sige na uwe na kami ni Angelika at may pasok pa siya kinabukasan."
"Sige maraming salamat kaya mo bang magmaneho ng nakainom ?"
"Ako na magdadrive marunong naman ako magdrive eh, hindi ko pinapagdrive si Charles kapag lasing baka kung anong mangyari sa amin eh."Sabi ni Angelika.
"Sige mga bro alis na kami sana maulit-ulit ito !"Sigaw ni Charles.
"Sige po maraming salamat ang babait at ang sasaya niyo kasama."Sabi naman ni Angelika.
Sabay nito ay nag alisan na sina Charles at Angelika at sila sila na lang ang mga naiwan.
Ang sarap lang tignan sila na kahit may dati silang pagmamahalan ngayon tinatawanan na lang nila ang nangyari sa kanila dati, ang sarap lang sa piling na mahanap mo ang meant to be mo na marami ka man na naging kasintahan meron pa rin talagang iisang magpapatibok talaga ng puso mo gaya ng nangyari kila Charles at Angelika, dating kasintahan ni Charles si Mariel ngayon mag live-in partner na sila at ikakasal na rin katulad nila Kenneth at Mariel. Patawarin natin kung sino man ang nagkasala sa atin dahil tayo din at sila din ang magpapaalala sayo na hindi natin kailangan magkasakitan dapat ay laging magmahalan.
Sa mga avid reader ng Si Bes maraming salamat po baka hanggang Chapter 44 na lang ang kwento nina Kenneth at Mariel, maraming salamat sa pagtangkilik ng kwento ko. Nawa'y tangkilikin niyo rin ang susunod na kwento na gagawin ko pagtapos ng Si Bes ang title ng kwento na gagawin ko susunod ay BTX (Balikan Tayo Ex).
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...